027: Shizizuo/Mojiezuo/Jinniuzuo

5.9K 230 1
                                    

/DEMO/

"Why are you there?" Tanong ni Minka 'kay Daimin, si Daimin naman nakatayo lang sa harap ng flag.

"I think two versus one is enough, don't tell me you need my he--." Bago pa man matuloy ni Daimin ang kanyang sasabihin sumingit na agad si Minka.

"You're right."

Pumwesto na kami ni Minka, sinummon na namin ang parehas naming weapon ganun din naman si Kite. Dual hammer na kulay gold 'to.

Sinugod ng mga taga chunuzuo ang flag ng Shuangyuzuo, kasama ng mga taga chunuzuo ang kanilang top player na si Laylin na isang hit lang ang lahat ng nakabantay sa base. Habang ang top player ng Shuangyuzuo ay kaharap ang leader ng Tiangxiezuo na si Klement. Gumamit ng thunderlight si klement at umulan ng mga arrow na may naka coating na mga kuryente. Naubos ang mga kasamang kalegions ng top player ng Shuangyuzuo at ito lamang ang natira.

Winasak na rin ni Laylin ang flag ng Shuangyuzuo at ito ang ating last rank legion! Sino kaya ang susunod na legions ang mapupunta sa rank eleventh. Mas umaalab ang laban muli ng mojiezuo at jinniuzuo sa gitna ng arena. Papunta na rin sa laban na yun si Laylin habang nakangisi ang mga mukha!

"Demo." Napatingin ako sa dalawang dumating sa side namin ni Minka.

"Thea, Tanya!"

Napatingin naman kami sa side ni Kite, kung sino ang nag salita banda roon.

Si Jio, Gin at Ricky naman ang nasa side ni Kite.

"Naglalaro ka rin pala nito Emo." Ngumisi ito habang papalapit sa'kin, at nilabas ang kaniyang espada na kulay purple at may design na serpent.

"Going to ignore me?" Nakita 'ko na sumama ang timpla ng mukha ni Kite.

Mabilis na tumakbo ito at hahampasin na sana si Jio sa likuran ng kaniyang hammer ng biglang hinarang ni Gin ang kaniyang shield na malaki, napahinto naman ni Gin ang atake ni Kite.

"Eight serpent slash!"

Sigaw ni Jio, malayo pa ang pagitan pero nag cast na agad siya ng skill. Sinwing ni Jio ang espada niya pa sa'kin pero wala naman nangyari, sinwing din niya 'kay Minka, Thea at Tanya. Inulit niya muli ang ginawa niya at binaon sa sahig ang espada niya. Nagulat ako ng bigla akong hinawakan ni Minka sa kamay at hinagis ako papunta sa pwesto ni Kite.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon