"S-sigurado ka ba ito ang address na binigay sayo ng kaklase mo, hindi ba tayo naliligaw."
"H-hindi ko rin alam, baka nga ibang address itong naibigay sakin."
Nakatinggala ang dalawa sa isang malaking gate na kulay kape, hindi makapaniwala sa kanilang nakikita at nanatiling nagyelo sa kanilang kinatatayuan.
"Natatandaan ko na sumakay siya sa isang magarang sasakyan, pero hindi ako makapaniwalang ganito kalaki ang bahay niya."
Muling binasa ni Demo ang nakalagay sa pirasong papel na nakuha niya sa kanyang kaklase na dapat ay magpupunta roon upang ibigay ang mga babasahin para sa pagsusuri na hindi nito napasukan. Nagpaalam naman ito sa kanilang guro kaya pinadalhan nalamang ito ng mga babasahin na makakatulong sa kanyang pag liban.
"Sigurado ka ba riyan? Kung ganito siya kayaman bakit sa isang public school siya nag-aaral?"
"Yun nga rin ang pinagtataka ko, pero sigurado ako kasi pinagbuksan pa siya ng nakaitim na maangas na lalaki ng pinto ng lumabas siya sa magarang kotse."
Muli nanatiling tahimik ang dalawa at hindi pa rin gumagalaw sa kanilang kinatatayuan. Ang tagabantay naman na nasa gilid ng gate na nasa isang maliit na silid ay nakatingin sa isang screen at kanyang hinhintay ang dalawa na kumatok, ngunit dahil sa nanatili ang mga ito na nakatayo ay walang nagawa ang tagabantay at pinuntahan ang dalawa, dahil kanyang napansin ang uniporme ng isa.
"Mga bata anong kailangan ninyo?" Sita nito habang papalapit sa dalawa.
"A-ano may gusto lang kami makausap." Mahiya-hiyang sagot ni Demo rito.
"Wala akong natanggap na mensahe na mayroon kikitaing mga bata ang may-ari ng bahay."
"Hindi kami nainbitahan pumunta rito, dahil kusa kaming nagpasya. Nandito kami upang makausap si Min- I mean si Michaella, para ibigay sakanya ang pinabibigay ng kanyang guro na mga babasahin sa kanyang mga hindi nasundang pagsusulit."
Humangga naman si Demo dahil sa ginawang iyon ni Kite. Hindi niya ito katulad na nahihirapan makipagusap sa iba lalo na sa ganitong sitwasyon.
"Ganun ba, ipaparating ko sa loob. Ano ang pangalan ninyo?"
Nang sinabi ng dalawa ang kanilang ngalan ay bumalik na ang tagabantay sa kanyang silid, tumawag ito sa telepono sa loob ng bahay at pinarating ang mensahe nina Kite at Demo.
"Hindi ko alam na sobrang lapit niyo lang ni Minka, at wala ka kaalam-alam dito?" Tanong ni Kite sa kinakabahang si Demo.
"Nagulat din ako, hindi ko akalain na siya si Michaella. Pero kung mapapansin, parehas nga sila na tahimik at hindi nagpapakita ng emosyon. Atsaka may kaunti kaming hindi pagkakaunawaan ni Michaella kaya hindi ko alam paano siya haharapin."
"Ano ka ba, hindi ba dapat maging masaya ka at nasigurado mo ng babae ang nagugustuhan mo. Ang swerte mo at nakita mo na ang hinahanap mo." Nakita ni Demo ang unti-unting pagkalungkot ni Kite pero agad naman napalitan iyon.
"Huwag ka magalala makikita rin natin si Daimin." Napatinggin si Kite kay Demo, nginitian ito ni Demo ng bahagya.
Bumalik na ang tagabantay at binuksan ang malaking gate, mas lalong napatulala ang dalawa dahil sa kanilang nasilayan sa loob ng mataas at malaking gate na iyon.
Isang mala paraisong hardin ang tumambad sa kanila, at sa hindi kalayuan isang malaking bahay ang nakatayo roon na napapalibutan ng nag gagandahang bulaklak. Naglakad sila papunta roon, bawat paghampas ng hangin sa kanilang ilong ay amoy ng bulaklak ang kanilang nasisinghot.
Nasa tapat na sila ng mataas na pinto ng agad hinila ni Demo ang tela ng damit ni Kite sa likuran.
"Hindi ko talaga alam kung paano siya haharapin." Nakayukong sambit ni Demo.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Science Fiction[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...