050: Overcome

4.3K 182 38
                                    

/------/

Ang virtuale gear ay mayroong auto translation system, kaya kahit na iba ang salita ng mga tiga ibang server ay para na rin ito nag sasalita ng lengguwahe na katulad sa version ng game card na binili mo. Kaya nag kakaintindihan ang lahat ng tao rito sa tulong nito.

"Bakit ako, kahit nasa 100 na level ako ang liit ng damage 'ko." Pag aalala ni Demo, habang si Kite ay sinusulat ang kanilang pangalan sa papel.

"Wala tayong magagawa, lahat ng kasama natin mga nasa target list ng mga hunter dito."

"Pero kapag hindi ako naka abanse sa matira matibay hindi ka rin makakasali sa semifinals."

"Yeah, kaya kailangan mong umabanse. Ang gagawin mo lang naman iwasan yung mga magic skill o armas ng iba at 'wag lumabas sa stage."

"Pero hindi yun madali." Sabay kamot nito sa kanyang ulo.

Lahat na ng lumahok ay tumayo na sa loob ng stage at hinihintay nalamang na mag salita muli ang M.C.

"Speed haste, Power boost." Buffs ni Kite sakanila ni Demo.

Speed haste - Increase speed. 4 minutes time limit.

Power boost - Increase 10% power. 5 minutes time limit.

"Breeze calm, spark shield." Ang breeze calm ay na buffs sa kanila ni Kite at ang spark shield ay isang solo buffs.

Breeze calm - Concentration raise. 5 minutes time limit.

Spark shield - High voltage shield. 1 minutes time limits.

"MATIRA-MATIBAY SIMULAN NA!" Sigaw ng M.C.

Nag suguran na ang mga player at sobrang dami na ang mga lumabas sa stage. Kanya-kanyang liparan ang mga tao, may iba naman ay namatay na mismo sa loob ng stage.

May limang tao ang papunta sa gawi ni Demo, at hindi nito alam kung sino ang uunahin nya ngunit ng sobrang lapit na ng mga 'to ay agad tong napatalsik dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente ang tumama sa mga 'to.

Naglaho na ang spark shield ni Demo na nag ligtas sakanya at nagulat doon si Kite at linapitan 'to.

"Anong klaseng skill yan?" Tanong ni Kite na manghang mangha.

"Hindi 'ko rin alam, si Minka pumili nito sabi nya solo buffs daw." Paliwanag nito.

"Astig, walang makakalapit nyan sayo." Saad muli nito.

"Kaso isang beses 'ko lang magagamit dahil sobrang tagal ng cool down nya." Ngiti ni Demo sabay kamot sa ulohan.

"Yun lang, well good luck." Ngisi ni Kite at lumakad na sa maraming nag kukumpulan at sinwing ang kanyang hammer sa mga yun at nag talsikan ang mga 'to.

Habang nag eenchant ang isang lalaki ay may babae na may scythe naman ang pumoprotekta rito at hinahampas ang bawat player na balak sugurin ang kanyang kasama.

"Lightning arrow!"

Nagbagsakan sa buong stage ang sobrang daming arrow na may coating na kuryente at ang bawat matamaan nito'y napaparalisa at nababawasan ang buhay, hindi naman ganon kalaki ang bawas pero ang side effect naman ay malaking kabawasan sa isang player. Lahat ng player doon ay kanya-kanyang cast ng barrier at ang may matataas na dodge mastery ay nakatakas dito.

Gumamit ng whirlwind si Demo at nag si liparan ang mga arrow na tatama sa gawi nya at ang mga player na malapit sakanya, yung iba na may mga heavy armor ay nadala ng bigat kaya hindi sila nasama at umabanse papunta 'kay Demo. Ginamitan naman ni Demo ito ng wind chain at napahinto ang mga gustong umatake sakanya sabay hiniwa nya to gamit ang aerial slash.

Sa kabilang side kung nasaan ang babaeng may hawak na black sphere, black magic ball ay nag cast ng blackout sa mga malapit sakanya at ang kasama naman nito na may malaking hammer ay hinampas ang mga taong hindi makakita dahil sa blackout spell na parang bola ng baseball habang isa-isa hinahampas ng may hawak ng hammer, at nag liparan 'to palabas ng stage.

Pumunta sa likuran ni Demo si Kite at nag cast ng skill, nagulat si Demo sa ginamit ni Kite na skill dahil pati sya ay matatamaan, sinabi naman ni Kite na ibaon ni Demo ang kanyang sycthe sa bato kung nasaan sila at kumapit dito para hindi mahagip ng impact ng skill.

"Magma breaker!" Sigaw ni Kite.

Lahat ng nasa stage ay nanlaki ang mata sa sinabi nito at lahat ay nag panic. Napa facepalm naman si Minka na nasa mga nanunuod at si Chelo naman na nangigigil sa pagka excite.

Nagka wasak-wasak ang bato kung nasaan sila nakatayo lahat at sobrang dami ang mga nag si liparang player sa lakas ng impact ng skill na 'yon. Ang iba ay lumipad pa patunggo sa mga benches kung nasaan ang mga nanunuod.

Napuno ng usok ang gitna ng arena kaya hindi makita ng mga tao kung ano na ang nangyari roon.

Maya-maya ay nawala na ang usok at nakita nila ang dalawang tao na nasa ere at anim na nasa bawat bato na durog.

"Ang walong nanalo at aabanse sa semifinals ay sina, Azoth at Meradith ng Indo server na taga Baiyangzuo, si Yachiko at Tsukiro ng Japan server na taga Sheshouzuo, si Jasmin at Steve ng U.S server na taga Shuipingzuo at si Demo at Kite ng Philippines server na taga Shizizuo! Mag hintay lamang ng kaunting sandali at mag uumpisa na ang semifinals."

Napatingin ang lahat ng tumalon si Wangzi papunta sa mga wasak-wasak na bato at nag apoy ang paligid nito, kahit ang mga tao sa benches damang dama ang init ng apoy at ang kanilang HP ay nababawasan ng kaunti.

Nang naging abo na ang mga batong nakakalat doon ay bumalik na muli si Wangzi sa upuan nya sa itaas kasama si Crusader.

"Wang nasaan na ang lackey mo na may hawak ng Dimension gauntlet at isang pares ng cresthell?" Tanong ni Crusader ng umupo na si Wangzi sa upuan nitong bato.

"Sinabi nya na sa finals na sya lalabas. Crusader hindi ka isang tipo ng lalaki na pupunta sa maliit na paligsahang 'to. Tell me anong binabalak mo o 'wag mo sabihin na ang cresthell din ang pinunta mo rito?" Seryosong tanong ni Wangzi rito.

"Haa haa haa. Of course, not. May hell sword na ako, bakit pa ako magkaka interes sa isang pares ng hell blade na pang dual-blade type." Matawa tawang sabi ni Crusader.

"Kung ganon, bakit ka pumunta rito?" Matapang na tanong ni Wangzi dahil ayaw nitong makaalitan ang rank number one ng U.S server at pangalawa sa international ranking na si Crusader ng Shizizuo legion.

"A source, source. May nakapagsabi sakin na may mangyayaring interesado ngayon, dito mismo sa loob ng tiger cave." Nakita ni Wangzi ang nag aalab sa pagka excited na mata ni Crusader.

Hindi na nag salita muli si Wangzi at napaisip sa sinabing 'yon ni Crusader.

"SEMIFINALS BEGIN!"

••••••

Story plug!!

No game no life (Vrmmorpg)
By: chicosci23

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon