016: Legions/War/Part/Two

6.4K 270 2
                                    

/DEMO/

May mga taga shizizuo ang sumugod na at ang iba naman ay nanatili upang i-defend ang flag. Habang kami naman ni Minka ay nag tatago sa mga bato, puno o pader na madadaanan. Ngayon naman ay may hinawi-hawi itong mga kumpol ng dahon.

"Woah." Mangha 'ko ng makita ang hagdanan na pababa roon.

"Dito safe tayong makakapunta roon." Sinabi ni Minka. Tumakbo na kami pababa roon sa hagdanan at gumamit ng lampara si Minka para sa ilaw.

Hindi 'ko na tinanong 'kay Minka kung paano niya nalaman ang secret passage na 'to. Alam 'ko naman na hindi niya sasabihin ang totoo, at baka hindi lang ako nito sagutin.

"Saan labas natin?" Tanong 'ko habang patuloy pa rin ang pag takbo.

"Sa flag ng Sheshouzuo."

"E, panigurado ma-kill agad tayo roon."

"Basta, trust me."

Tumango nalamang ako.

Muling nag tapat nanaman ang top player ng mojiezuo at chunuzuo na si Terra at LayLin. Makakabawi na ba si LayLin o muling magwawagi ang sword princess ng mojiezuo!

Sa east arena naman ay nag lalaban ang mga taga baiyangzuo at Tianchengzuo, sa pwesto ng flag ng baiyangzuo. Madedefend ba nila ito o sila ang magiging 12th rank ngayon gabi!

Nilinis ni Tenyu ng Jinniuzuo legion ang mga ibang legion na papasugod sa kanilang flag. Sa north arena naman natira ang dalawang kupunan ng mojiezuo na si Althea at Tama laban sa trio ng Jinniuzuo na si Rickey, Jio at Ginger. Sino kaya ang mag wawagi at sino ang mag rerespawn sa kanilang base.

Ang unfair naman kung 2 vs 3, pero good luck nalang sa kanila.

Napahinto ako ng huminto rin si Minka, at unti-unti itong umakyat sa hagdan. Bago lumabas ay sumilip-silip muna ito, at sabay senyas sa'kin.

Nag masid-masid ako at nasa base nga kami ng ibang legion. Walang mga tao roon at free kaming tumakbo-takbo. Pumunta kami kung nasaan ang flag ng kalaban at tama nga si Minka walang mga kalaban na nag babantay dito. Agad hinati ni Minka sa gitna ang flag.

Wuhoo! Mayroon na tayong 12th rank ang Sheshouzuo legion! Habang busy ang lahat sa kanilang pakikipag laban ay mayroon ng nakarating sa isang base! Sino ang mga ito-- hmm. Nawala sila! Sino kaya ang misteryong nakawasak ng flag ng sheshouzuo!

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon