[Mt.Astral]
May lumabas na kahel na liwanag at lumitaw ang apat sa ibaba ng bundok ng Astral.
Kakaiba ang hitsura ng bundok na ito na kapag iyong tinignan mula sa langit ay makikita mo ang hugis bituwin nitong tuktok. Napapaligiran ng mga puno at iba't ibang klase ng bulaklak. Aakalain mo isa itong paraiso dahil sa ganda at payapa ng lugar, maririnig mo rin ang bawat humming ng mga ibon na nakatayo sa bawat sanga ng puno.
"Waa~ ang ganda." Sambit ni Daimin habang pinagmamasdan ang paligid.
"Ito nga." Batid sa mukha ni Minka ang magkahalong saya at lungkot habang nakatingalang nakatingin sa bundok.
Naglakad na ang apat upang humanap ng daan paakyat sa bundok. Simula ng kanilang marating ang Astral ay walang kibo si Demo na pinagmamasdan si Minka. Hindi rin mapakali si Minka dahil sa hindi normal na kinikilos ni Demo, kaya sumabay siya sa paglakad ni Demo at kinausap ito.
"Anong problema, may nakikita ka ba sa likuran ko?" Biro ni Minka rito, ngunit tanging iling lang ang sinagot ni Demo sa kanya.
"Awray..." Daing ni Demo dahil sa ginawa ni Minka na pagkurot sa pisngi nito.
"Tinatanong kita kung ano ba ang problema mo?" Iritang tanong muli nito.
"Wala, ah! Ayun may hagdan paakyat." Pagiiba ni Demo ng usapan.
Hinayaan na ito ni Minka at umakyat na sila sa tinurong hagdan ni Demo. Paikot ito na hagdan sa gilid ng bundok.
Nakita ni Kite ang walang emosyong mukha ni Daimin habang pinagmamasdan nito si Minka at Demo. Ilang beses na nito tinanong si Daimin ngunit, agad nitong iniiba ang usapan.
Inabot sila ng gabi bago makarating sa kalagitnaan ng bundok, may nakita silang papag na pwede nilang mapagpahingahan. Gumawa sila ng apoy na magsisilbing liwanag nila roon. May baon din ang mga ito na pagkain kaya hindi na nila kailangan maghanap ng makakain.
Nagpaalam si Kite dahil may kailangan itong tapusin, kaya natira nalamang ang tatlo roon. Ang liwanag ng langit dahil sa bilog na buwan at hindi mabilang na bituwin na nagniningning. Nagkwekwentuhan sina Demo at Daimin habang si Minka, pinagmamasdan ang mga maliliit na ilaw na lumilipadlipad sa mga puno sa ibaba ng bundok.
Lumipas ang apat na oras, natutulog na si Daimin sa kanyang camping bed. Habang ang dalawa ay nakaupo at nakatingin sa apoy, dahil sa pagsalita ni Minka ay nabasag ang katahimikan bumabalot sa dalawa.
"Hindi ka ba mag off? Alas singko na."
"Wala naman akong pasok ngayon, off ko rin sa work. Ikaw?"
"Same. Hindi mo pa rin ba sasabihin kung anong problema mo?"
Napalinggon si Demo ng kanya itong narinig, paglinggon nya ay nagtama ang kanilang paningin. Binawi rin ni Demo iyon at yumuko, isiningit ang kanyang mukha sa magkadikit nyang tuhod.
"Ah... Wala, naalala ko lang yung sinabi mo. Dahil sa isang NPC sa special quest naglaho ang data ni Minko, hindi ba?"
Naguluhan si Minka sa sinabi ni Demo, hindi nito alam kung bakit nito muling nasabi ang tungkol sa nangyari sa kanyang isang character.
"Anong mayroon sa data ni Minko? Dahil ba roon kung bakit ka wala sa sarili? Hindi kita maintindihan, simula ng pangyayari sa tiger cave naging weirdo ka na at kung ano-ano ang sinasabi." Narinig ni Minka ang pilit na pagtawang mahina ni Demo.
"Tama ka, hindi ko rin alam kung anong nangyayari saken. Pero... Natatakot ako. Natatakot akong makita ka maglaho. Ayoko mangyari muli sayo yung nangyari kay Minko. Dahil kapag nawala ka, kapag nawala si Minka... Hindi ko alam saan ka hahanapin. Una sa lahat ang komunikasyon ko lang naman sayo ay ang laro na ito, kaya kapag nawala si Minka... Kapag nawala si Minka... Ah."
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Science Fiction[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...