/DEMO/
Wala na rin sinabi si Kite ng mga oras na yun, maya maya'y bumalik yung Klement at pinapatakbo si Kite at ako dahil balak ng nakakatakot na babae kuhanin si Kite para tumulong sa pag buhat ng mga props. Sinabi 'ko naman na ayos lang dahil tapos na rin naman kami mag usap, bago sumama si Kite 'kay Klement ay hiningi nito ang number 'ko dahil wala akong cellphone ay binigay 'ko rito ang numero ng telepono namin.
Habang nanatiling nakaupo pa rin ako rito sa bench, naalala 'ko yung sinabi ni Tenyu 'kay Kite sa legions war noon. Dahil hindi matanggap ni Kite na mas magaling dito si Klement ay lumipat 'to sa Shizizuo. Pero tulad nga ng sinabi ni Kite, hindi yun ang dahilan. Maliwanag na rin sakin kung bakit hindi yun ang dahilan. Una sa lahat sobrang approachable ni Klement na kahit ano gagawin nya para 'kay Kite, mukha naman masaya si Kite kahit na hindi nito pinapakita.
Ack! Si Michaella!
Tumayo na ako at dali-daling inikot ang buong school grounds upang hanapin 'to. Bumalik na rin ako sa food stall pero wala 'to rito, nasan na kaya 'to.
Napunta na rin ako sa gilid ng school at nag babaka sakaling nandun sya, pag silip 'ko nakita 'ko nga sya.
"Michaella!" Tawag 'ko rito.
Agad 'to na luminggon sa'kin at nakita 'ko rin ang babae na kanyang kausap.
"Kycee?" Pagtataka 'ko, hindi 'ko alam na magkakilala sila.
"E, Demo!" Sigaw nito. Lumapit na ako sakanila.
"Magkakilala kayo?" Tanong 'ko.
"Eh, ah--hindi ba sya yung babaeng hinatid mo noon hahaha! Natandaan 'ko lang sya at nakitang palakad-lakad, tapos sinabi nya sakin na naliligaw sya kaya ayun heehee." Ewan 'ko ba pero para ba na may tinatago si Kycee.
"Ganun ba, hinahanap 'ko rin sya kasi bigla syang nawala." Sabi 'ko naman.
"I see, ah sge kailangan 'ko ng bumalik sa booth namin. Pag may time kayo daan kayo roon ha!" Tumakbo na 'to palayo.
"A-ano kung hindi ako nagkakamali kilala mo talaga sila, si Kycee at kuya Zack?" Alinlangan 'ko na tanong dito.
"Ano sa tingin mo?"
"E, a-ano sa tingin 'ko parang?"
"Hm..."
Nasa limang minuto ata kaming nakatayo pa rin doon, nang biglang tumingin si Michaella banda sa pader kung saan ako kanina galing.
"Kung sino 'ka 'man lumabas ka dyan!" Galit na tono na salita nito.
Sa pagsabi ni Michaella nun ay may nahulog na sunglasses na tumonog at tumalsik ng malayo kaya nakita namin sya ng balak nya 'to kuhanin.
"Chocolate girl!" Sigaw 'ko rito.
"Huh?" Pagtataka ni Michaella.
"A-ano lagi syang bumibili kasi ng chocolate sa convenience store kung saan ako nag papart-time." Paliwanag 'ko rito.
Lumapit ako rito, ngunit agad nya kinuha ang salamin nya at tumingin ito sa gawi namin. Bago 'to tumakbo palayo na sulyapan 'ko ang isa nitong mga mata na kulay berde. Saan 'ko nga ba nakita yung matang ganon?
"Kilala mo ba yun?" Nabaling ang tingin 'ko 'kay Michaella at umiling.
"Kung hindi, bakit sya nakasunod sayo palagi?"
"Huh? Nakasunod palagi?" Pagtataka 'ko.
"Hindi mo ba napapansin, na palagi ka nyang minamatyagan, sinusundan. Maliban lang sa loob ng eskwelahan. Pero palagi 'ko sya na nakikita na nakasunod sayo, katulad ng nakita mo kanina nag tatago lang sya sa tabi-tabi." Paliwanag ni Michaella.
Yan ba yung tinatawag nilang stalker? Pero bakit?
"Wala naman akong naisip na dahilan para sundan nya ako."
"Hindi 'ko rin alam ang dahilan. Pero 'wag na 'wag ka mag titiwala roon, hindi mo alam kung masama o maganda ang binabalak sayo. Ang isa lang na sumasagi sa isip 'ko ay mapanganib na tao 'yon."
Tumanggo lang ako sa sinabi ni Michaella. Minsan talaga hindi 'ko alam ang nasa isip nya, masyado syang komplikadong tao. Pero alam 'ko na mabuti sya.
Tulad ng sinabi nya na 'yon na maayos lang si Demi dahil hawak sya ng private doctor, mas lalong guminhawa ang isip 'ko ng pinaliwanag ni nanay ang lahat.
Pumunta na kami sa booth nila Kycee. Hindi 'ko alam kung anuman dahilan ni Kycee kung bakit nya sinabing hindi sila magkakilala, pero ramdam 'ko na kilala nila isa't-isa. Isa pa, hindi ikinaila ni Michaella 'yon.
Gabi na rin at nag pasya na si Michaella umuwi, hinatid 'ko sya sa sakayan ng bus. Ang layo ng tinitirhan nya, pero mas pinili nya pa rin mag aral sa iskwelahan namin na kahit isang public lang. Mukha naman mayaman 'to dahil nung nakita 'ko sya sa ospital nun nakasakay sya sa isang magarang kotse at may mga kasama pa syang body guard nya.
Ang komplikado talaga ng buhay. Ah, tatlong araw nalang makakapag open na ako muli ng ZoWan.
/-------/
Kanina sa starlight academy, yinaya ni Kycee si Michaella sa bandang gilid ng school huminto sila roon at tinapat ni Kycee si Michaella habang seryoso ang mukha.
"Huwag na 'wag mong pagkakatiwalaan yung taong yun. Natatandaan mo naman siguro kung bakit." Nakinig lang si Michaella sa sinabi ni Kycee.
"Naiintindihan mo ba?" Lumungkot ang mukha ni Kycee habang tinanong 'to.
"Hindi na ako bata." Sagot ni Michaella.
"Alam 'ko na hindi ka na bata, pero kilala kita."
Hindi na nakasagot si Michaella dahilan sa pag tawag sakanya ni Demo.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Sciencefiction[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...