Ang buong lugar ng Coriett ay napapalibutan ng apoy, sa gitna nito kung saan noon nakatayo ang malaking gusali na tinatawag nilang Infinite guild ay mayroong dimension space ang unti-unting paliit ng paliit.
Ako, panay ang takbo. Tingin dito, tingin doon. Hanggang mahagip ito ng aking paningin, ang taong hinahanap ko.
"Ano pa ang ginagawa mo diyan?" Tanong ko rito ng ako'y nakalapit.
Nakaupo siya sa magical circle na nakaukit sa sahig, nagliliwanag ito ng kulay asul, berde, dilaw at pula. Kada limang segundo ang tagal bago mapalitan ang kulay ng ilaw nito.
Hindi ito nagsalita. Kaya tinangka ko na pumasok sa magical circle upang hilahin ito. Ngunit bigo ako, at napatalsik lang ako sa lakas ng pwersa dahil sa magical barrier.
Hindi ko alam ang nangyayari. Hindi ko maintindihan kung anong kanyang pinahihiwatig. Sa isang ngiti niyang iyon. Isang ngiti lang ang kanyang binigay. Bakit, bakit hindi siya magsalita? Bakit siya nakangiti?
Paulit-ulit ko pa rin sinubukan na sirain ang magical barrier, pero wala. Kahit na maliit na warak, wala. Ang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng pagaalala. Muli susubukan ko sana ito ulit sirain, ng mayroon humawak sa aking braso.
"Let's go."
Yun lang ang kaniyang sinabi at hinila ako, bakit? Hindi ko maintindihan. Bakit hindi mo siya tinignan, bakit parang wala kang nakitang tao bukod sakin. Muli napalinggon ako, nakita ko nanaman siyang nakangiti. Binawi ko ang braso ko at huminto.
"Bakit nandoon si Lala! Bakit hindi mo siya tinulunggan!" Sigaw ko rito.
"Huh?" Napaurong ako ng kaunti sa takot, tinignan ako nito na sobrang talim.
"S-sinabi ko ba-bakit mo binaliwala ang presensya ni L-lalah." Utal-utal kong pag-uulit sakanya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Napansin siguro nito ang pagkatakot ko sakanya, bumalik na muli sa normal ang hitsura nito.
Dahil sa kanyang sinabing 'yon muli akong napalinggon upang makasigurado. Anong sinasabi niya na wala siyang alam. Kitang kita ng dalawa kong mata ang magagandang ngiti ni Lalah.
Bakit ka nakangiti na parang walang nangyayari. Bakit ka nakangiti kahit na binabaliwala ka. Alam ko kung gaano kalakas ang iyong looban. Pero bakit, hindi ko pa rin maintindihan. Napadiin nalamang ang nakapabilog kong kamao.
"Hindi mo ba nakikita si Lalah! Bakit ba nagbubulag-bulagan kayong lahat!" Sigaw ko at matapang na naka tingin dito.
Muli, hindi ako nito pinansin at tuminggin sa langit kung nasaan ang dimension space na may nakapababang ilaw sa ibaba.
"Wala na tayong oras, gusto mo man o hindi sasama ka sakin." Hindi ito nagdalawang isip at binitbit ako na parang sako.
"Ibaba mo ako, tutulunggan ko si Lalah! Ibaba mo ako! Kapag hindi mo ako binaba isusumpa kita araw-araw! Ibaba mo ako sabi!" Patuloy kong pagsigaw habang hinahampas ang likuran nito.
Pero patuloy siya sa pag takbo papunta roon sa liwanag. Ang liwanag na hinihigop ang presensya ng tao kapag ika'y tumapat doon. Hindi pwede, hindi pwedeng iwanan si Lalah.
"LALAH!" Sigaw habang patuloy ang pag ngawa na parang bata.
Ibinaba ako nito at tinulak upang makapasok sa liwanag na iyon, kahit anong gawin ko hindi ako makalabas. Siya nanatili sa labas ng liwanag at nakatingin sakin ng walang emosyon.
"Please iligtas mo si Lalah! Siguraduhin mo ililigtas mo siya! Ipangako mo na ililigtas mo si Lalah, Nikko!" Sigaw ko rito bago pa man mawala ako ng malay, ang huling nahagip lang ng aking paningin ang pag ngiti nito na walang buhay.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Fiksi Ilmiah[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...