013: Report/About/Game

7.1K 285 3
                                    

/DEMO/

Ngayon araw kami mag kikita-kita para sa gagawin report sa iskwelahan. Nag-aayos na ako at nag handa ng kakainin 'ko, napatingin ako sa picture ni Demi na nasa frame. Sana maging ayos na siya. Kailangan 'kong makakuha ng 300 thousand sa laro bago mag anim na buwan.

Lumabas na ako sa bahay at ni-lock ito, naglakad na ako papunta sa rainbow park. Medyo malapit naman ito kaya hindi 'ko na kailangan gumastos para sa pamasahe.

"Afternoon." Bati 'ko. Humarap ito ng narinig niya ako.

"Hello, afternoon din." Sinabi nito at agad din umiwas ng tingin. Tumayo ako sa tabi niya at nag masid-masid din.

"A-ano wala pa si Rick at Micha." Ani Thea.

"Yeah." Sagot 'ko.

Nag labas ito ng cellphone at may tinetext, siguro si Rick.

"Good afternoon." Bati agad ni Thea ng dumating si Michaella, tumango lang ito at hindi nag salita.

Maya-maya ay dumating na rin si Rick at nag hanap kami ng mauupuan sa parke, sakto naman na may isang lamesa na bato roon at apat na upuan ang bakante. Umupo na kami roon, si Rick at Thea ay agad nag labas ng laptop nila si Michaella naman ay nag babasa lang ng libro.

"Ano, naglalaro or may alam ba kayo about sa Zodiac war online?" Tanong ni Thea.

Sumagot si Rick na oo, habang si Michaella ay tumango muli ganun din naman ako.

"Pero, kaunti lang alam ko." Dugtong 'ko.

"Ganun ba, ayos lang." Sagot ni Thea at nag type sakanyang laptop.

"Ang kailangan lang naman natin i-present yung mga importante or guide na magagamit ng mga baguhan." Saad naman ni Rick.

Gumawa si Rick ng power point para sa report, habang si Thea ay kinukwento ang mga experiences niya about sa game.

"E, mas madali yung ginagawa mo Thea." Ani ni Rick.

"Ano yun?" Tanong naman ni Thea.

"Na magkwento nalang about experiences, para naman maiba yung report natin." Request ni Rick.

"Pwede rin, pero paano si d-d-demo at Micha." Sagot nito.

"Ayos lang sa'kin kaso baguhan pa lang ako sa laro, kaya baka maigsi lang makwento 'ko." Saad 'ko.

Napatingin si Rick at Thea sa'kin na parang nag tataka or what.

"E, naglalaro ka ng zowa?" Sabay nitong sabi.

"Ye-yeah." Sagot 'ko naman.

"Para kasing wala sa itsura mo mag laro nito." Aktibong sabi ni Rick.

"Tama ka nga hehe." Sagot 'ko agad dito.

"Pero mag kakasundo tayo about sa ZowaN, well ewan 'ko lang kila Jio haha." Salita nito muli.

Si Rick ay may pagka rude minsan ngunit hindi siya kasing yabang or mainitin na ulo tulad ni Jio at Gin, mapagbiro rin ito kahit sa mga kaibigan niya.

Nang matapos mangulet ni Rick ay napatingin sila sa tahimik na si Michaella.

"Micha nag lalaro ka rin ba ng Zowa." Tanong ni Rick dito.

"Oo, pero quit na 'ko."

Nag salita siya...

E, pero narinig 'ko nanaman siya mag salita noon. Pero ibang iba tono ng boses niya tuwing galit siya at hindi.

"Eeeee, bakit ka nag quit?" Tanong muli ni Rick dito.

"None of your business." Salita muli nito at blankong tinignan si Rick.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon