035: Tower/Of/Harpy

5.3K 196 5
                                    

/DEMO/

"Pwede ba tigilan mo kakahawak sa kamay 'ko!"

"E, pero gusto 'ko hawakan ulit. Kung pwede lang iuwi sa bahay namin---"

"May balak ka pang baliw ka."

Hinabol ni Daimin si Kite habang hawak nito ang kanyang staff, si Kite naman tumatakbo habang inanaasar pa rin si Daimin.

Isang oras na kaming naghihintay dito pero wala pa rin si Minka, nag email sya sa'kin na hintayin namin sya rito dahil may pupuntahan kami.

Sabado na ngayon, ang bilis ng araw malapit na rin mag miyerkules pero hindi 'ko pa rin alam kung pupunta ba ako sa school anniversary nila Kycee. Inimbitahan din ako ni Kycee nung sunod na araw na nakita 'ko si kuya Zack, kaya mas lalong nahihirapan ako mag desisyon.

Dahil sa walang magawa ay in-open 'ko ang akin character information, ngayon 'ko nalang ulit 'to na check. Malaki rin ang tinaas ng mga level namin dahil sa paghahanda sa pagpunta sa black market na pinagusapan ni Minka at Laylin.

Character Information:
IGN: Demo
Level: 51
Type: scythe
Races: nymphs
Element: wind
Medal: 224
Kill: 8
Death: 31

Attack: 683
Magic attack: 3935
Defense: 886
Magic defense: 2922
Attack speed: 402
Cast speed: 882
Critical: 11%

Sinabi ni Minka na ang medal ay nagsisilbing isang entrance pass sa isang pribadong kaharian, kweba, o iba pa. Nakukuha ang medal kada sasali sa legions war, mataas ang makukuha mo kung makakawasak ka ng flag, makakapatay ng ibang legion o nasa top ang legion nyo.

Hanggang ngayon pinagtataka 'ko pa rin na kung bakit kahit ano gawin 'ko kapag lumalaban hindi na aattract ang mga mobs, hindi rin naman ako nakakaabsorb sa kanila ng buhay. Para saan ba talaga ang race na nymphs? Parang pumili lang ako ng human race.

"Lets go."

Hindi 'ko napansin ang pag dating nya dahil sa busy 'kong isipin ano ba nagagawa ng nymphs. Lumakad na kami at naglakbay, tinanong ni Daimin kung saan kami pupunta sinagot lang ni Minka ay tore sa gitna ng kagubatan.

Huminto kami ng nasa harapan na kami ng malaking pinto ng mataas na iba't-ibang kulay na tore. Halo-halo ang kulay nito pero kitang-kita mo pa rin ang matingkad na kulay nila kahit paghaluhaluin pa, kumikinang pa ang mga ito na para bang mayroong glitters.

Lumakad kami ng mas malapit at sa gitna ng malaking pinto ay may lumabas na holographic screen.

Medal pass: 1000
Medal: 000000000

"Ilagay nyo sa pinto ang palad ng isa nyong kamay." Sinabi ni Minka, una nyang nilagay ang palad nya sa pinto at ang maraming zero na nakalagay sa medal ay nadagdagan ng four hundred.

Lumapit na rin ako at sumabay si Daimin na nilagay namin ang aming palad sa pinto.

Medal: 000000624

"E, kulang pa rin." Sabi ni Daimin.

Kaya pala sumabay si Daimin dahil isa syang NPC kaya paniguradong wala syang medal na natatanggap. Lumapit na rin si Kite at nilagay ang kanyang palad sa pinto.

Medal: 000006834
Passed!

Biglang bumukas ang malaking pinto at tumambad sa'min ang napakaliwanag na loob ng tore na 'yon. Ang pader nito ay puno ng berdeng mga vines, ang natatapakan namin ay lupa na may mga maliliit na damo ang tumutubo. May malalaki rin puno sa loob nito, ang mga maliliit na ilaw na bilog na kulay dilaw ang nagsisilbing ilaw namin dito, wala rin masyadong mga mobs dito sa floor one ng tore.

Umakyat na kami sa pangalawang palapag gamit ang tumpok-tumpok na bato na pataas ng pataas na parang hagdan, dahil kahit anong ikot namin sa loob ng tore wala kaming makitang hagdan na matino.

Katulad sa floor one ganun din ang disenyo sa floor second, pero bago kami makaakyat sa pangatlog palapag ay may nakalaban kaming mga mad eagle na level 30 at hinarap ang mga 'to. Hindi naman kami nahirapan dahil sa agad itong napatay ni Minka gamit ang isang cresthell blade nya.

Laging si Minka lang ang pumapatay ng mga makakasalubong namin na mobs at agad umaabanse sa susunod na palapag, ngayon nasa pang sampung palapag na kami at patuloy ang pagtakbo dahil sa palakas ng palakas din ang mga kalaban na aming nakakasalubong.

Nang nakarating kami sa floor eleven ay agad yumugyog ang buong tore at nag tago kami sa maliit na kwebang bato, para makaiwas sa mga batong naglalaglagan sa itaas.

"Anong nangyayari!" Sigaw ni Kite.

Agad may tumili na sobrang tining na halos masira ang aming pandinig pero buti nalang agad nag cast ng silent barrier si Daimin, at nahinto ang pag bawas sa health bar namin.

"Yung boss yun! May nauna na sa tuktok, mag madali kayo!" Sigaw ni Minka, at tumakbo na.

"Kung mananatili tayo rito, tayo rin mapeperwisyo kapag naunahan nila tayo sa boss!" Sigaw naman ni Kite at tumakbo na rin.

Tumakbo na rin kami ni Daimin at iniiwasan nalang ang mga batong nag lalaglagan.

"Ano ba mangyayari kapag naunahan nila tayo!?" Tanong ni Daimin.

"Kailangan pa natin mag hintay ng dalawang oras bago mag respawn muli ang boss kaya kailangan natin magmadali." Sagot naman ni Kite at patuloy ang pag takbo.

Patuloy ang pagtakbo namin hanggang makarating sa floor fifteen, at napapikit sa sobrang hangin doon. Maya-maya ay nawala rin ang hangin at sa ere may malaking babaeng ibon ang lumilipad na mayroong magic spear, at ang mga balahibo nya ay iba-iba ang kulay na may mga glitters.

Boss: Harpia
Level: 90

Sa dalawang magkabilang gilid ay may mga player. Sa isang gilid may apat na player ang nandoon at ang name bar nila ay pareparehong kulay asul, at sa kabilang side naman ay pareparehong kulay silver.

Eh?

"Rick!" "Demo!"

Sabay namin tawag ng pangalan at turo sa bawat isa, napatingin din ang dalawa nyang kasama na si Jio at Gin. Agad humarang si Minka at Kite na nakatinggin ng masama kila Jio at ganun din sila Jio pero agad din naman ang sama ng tingin nito at nag salita.

"Makakaalis na kayo, nauna kami rito at isa itong duwelo kung sino ang unang makakapag patumba ng boss." Salita ni Jio at tinalikuran na kami.

"E, kung aalis kami ng dahil lang sa ayaw mong may makisawsaw sa duwelo nyo... Parang nanghinayang naman ako, na hindi masubukan ang bago 'kong skill sa inyo." Salita ni Kite at naglakad 'to at nasa gitna sya habang nasa magkabilang gilid sila Jio at ang mga asul ang name bar.

Agad tumakbo ng mabilis si Jio at ihahampas nya na 'kay Kite ang kanyang espada ng agad 'tong sinangga ni Kite ng kanyang hammer.

"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi 'ko?" Seryosong sinabi ni Jio 'kay Kite.

"Paano kung hindi?" Ngising sagot naman ni Kite.

Magkakapikunan na ang dalawa ng biglang sumigaw ang babaeng may rabbit ear na kulay blue ang name bar.

"Hey, hindi ba't the more the merrier." Sinabi nito sabay ngiti. Nakalagay sa name bar nya ang pangalang Minnie.

"Heh, fine as if naman na mananalo kayo." Bumalik na ang pagiging mayabang ni Jio at naglakad na pabalik sa pwesto nila Rick.

Lumapit na rin kami sa gawi ni Kite at nag labas na ng mga armas.

Pasensya na sa tagal ng update. T.T Try ko ulit makaupdate ng medyo mabilis, hindi ako nangangako pero susubukan ko. Salamat sa pag intindi. :)

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon