019: Storm/Warning

6.2K 278 21
                                    

/DEMO/

Kaya siguro nag force log out si Minka dahil din sa brownout. Sobrang lakas pa rin ng ulan at hindi pa rin bumabalik ang kuryente, mayroon kayang pasok? Dahil may sariling kuryente ang school namin panigurado may pasok pa rin, kaya nag ayos na ako at nag lakad na habang hawak-hawak ang payong 'ko. Naka tsinelas lang ako at nilagay sa paper bag ang sapatos dahil baka mabasa ito ng talsik ng mga tubig sa lupa.

Hindi 'ko rin napakita 'kay Minka yung flame feather na nakuha 'ko, para saan kaya 'yon. Pakikita 'ko nalang sakanya kapag nag karoon na ng kuryente, malapit na mag august kaya tag ulan nanaman.

Tama nga ako may pasok pa rin, nang nakarating na ako sa klase roon 'ko na sinuot ang sapatos 'ko. Maaga ngayon pumasok si Michaella dahil nasa kanyan na itong upuan, at nakasilip lamang sa bintana. Padami na rin ng padami ang mga kaklase namin na dumarating.

"Anong nangyari sayo?" Narinig 'kong tanong ni Tanya.

"Natalsikan ako ng tubig habang nakahinto sa tawiran." Sagot naman ni Thea habang tinatangal ang jacket niyang pink na basa ng putik.

"Buti nalang at hindi uniform mo na dumihan."

"Kaya nga e." Umupo na ito. Napatingin ito sa'kin, saktong nakatingin din ako sakanya.

"Morning." Bati 'ko nalang at agad iniwas ang tingin.

"Morning din." Mahina nitong sagot.

Maya-maya ay dumating ang grupo ni Jio at nag-iingay ito about sa nangyari sakanya dahil bigla raw siyang nag force log out dahil sa brownout. Sinabi rin nila thea at Rick na ganun din ang nangyari sakanila.

"Pahamak na brownout yan! Hindi 'ko tuloy nakita 'kung na upgrade 'ko ng platinum yung armor 'ko o nabasag!" Sigaw ni Wesley pagka pasok pa lamang ng klase.

"Kami nga nasa special boss na room e! Sayang yun maganda pa naman daw drop item doon." Sambit naman ni Gin.

"Saan na boss?" Tanong ni Wesley at lumapit kila Jio.

"Sa dunkler Drache!"

"O! Hirap ma-trigger yung special room doon ah. Astig buti na gawa niyo."

"Kaso ayun brownout! A, nakakabadtrip talaga!"

Sa special room at special map pala parehas na kapag nag log out ka, mababalik ka nalamang kusa sa town. Pero mga ordinary na boss tower o boss dungeon hindi ka mababalik kusa sa town.

"Okay class. Sa mga walang kuryente sa house mababalik ang kuryente bukas ng hapon o gabi. Hindi ito mababalik mamaya dahil mas lalakas ang bagyo mamaya at sa madaling araw o umaga ito lalabas ng bansa." Paliwanag ni mam.

Nang natapos na ang klase ay bumaba na ako at nilabas na ang payong. Tama nga si mam mas lalo nga lumakas ang ulan, sana naman hindi mag baha. Napatingin ako sa gilid ng pinto papalabas ng iskwelahan, nandoon lang si michaella at pinag mamasdan ang mga umaalis. Hindi 'ko alam pero nasa harapan na ako ni Michaella.

"What?" Tanong nito.

"A-ano wala kang payong?"

E, obvious naman na wala siyang payong! Ano bang pinagsasabi 'ko.

"Wala nga."

"Gu-gusto mo, a-ano. Kasi."

"Linawin mo sinasabi mo." E, nakakunot na noo niya.

"Hatid kita sa sakayan!" Mabilis 'kong sabi.

"Eee, talaga namang may pagnanasa ka 'kay Micha emo."

Napatingin ako sa nag salita, si Jio. Nasa gilif niya sila Thea at Rick.

"Wala akong pagnanasa." Pag tatangol ko naman sa sarili 'ko.

"Talaga lang, Micha ako na mag hahatid sayo." Pag aalok din ni Jio 'kay Michaella at palapit ito kay Michaella.

Tumalikod nalang ako at nag lakad na nang nag salita si Michaella.

"Nag volunteer 'kang ihatid ako and now, iiwan mo ako?"

Napatingin ako muli rito at nakatingin ito sa'kin habang nakapamewang at taas ang mga kilay. Lumakad na ito papalapit at tumabi sa'kin para ma payungan din siya. Masama namang tumingin sa'kin si Jio, at agad 'kong iniwas ang tingin ko rito.

"Pero inaaya ka rin ni Jio." Mahina 'kong sabi.

"Huh? Sinasabi mo bang doon ako sumama?"

"So-sorry."

E, wala naman akong sinabing ganun. Hindi 'ko alam pero nakakatakot talaga siya minsan. Nag lakad na kami dalawa papalayo sa pintuan ng iskwelahan.

"Saan kita hahatid?" Mahina 'kong sabi.

"Sa sakayan ng bus." Sagot nito habang diretso lang ang tingin sa daanan.

Ngayon 'ko lang napansin na mag kadikit ang braso namin, medyo hindi naman kasi kalakihan ang payong 'ko.

Malapit lang sa store yung bus stop kaya, hindi ako malalate sa work 'ko. Panigurado maraming tao ang pupunta sa store dahil katulad sa iskwelahan may sarili iyon kuryente.

"Your stupid right."

"E,?" Napatingin ako bigla ng nag salita si Michaella.

"I said stupid ka! Bingi ka ba or what?"

"E, pero wala naman akong ginawa sayo?"

Hindi 'ko talaga siya maintindihan.

"Hindi porke sinabi kong stupid ka, may ginawa ka na sa'kin."

"Kung ganun, bakit ako naging stupid?"

Ang hirap talagang intindihin ng mga babae. Parehas sila ni Demi, na mahirap intindihin ang pinapahiwatig.

"Basta stupid ka."

"E, ok."

See, paano 'ko maiintindihan ang sinasabi niya na stupid ako kung hindi niya i-eexplain kung bakit.

Huminto na kami sa sakayan ng bus at dahil may bubong doon at hindi mababasa si Michaella, hindi na muli nag salita si Michaella at pumunta na rin ako sa store para mag work.

"Demo, sino yun? Sino yun?" Pangungulet ni Kycee habang naka ngisi.

"Huh? Sino yun?" Pagtataka 'ko naman sa sinasabi nito.

"Yung babaeng mahaba ang buhok na pinapayungan mo."

"A, kaklase 'ko si Michaella."

"Nililigawan mo?" Pangaasar nito.

"Hindi."

"Ganun ba. Okay." Saad nito at bumalik na sa kanyang ginagawa.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon