069: Town/Of/Giant

3.1K 120 11
                                    

Sa paglabas nila sa salamin na iyon, kusang nabasag iyon at naglaho. May lumitaw doon na kulay transparent na bato. Sinubukan nila iyon hawakan ngunit bigo sila, tumatagos lamang ang kanilang kamay sa bato. Sina Minka at Kite naman ay agad lumapit sa fountain para kumuha roon ng tubig upang mapuno ang kanilang mana points. 

"Congratulations at inyong nalagpasan ang unang pagsubok." Boses iyon ni Nikko o Minko.

"Kung may balak ka rin naman pala na sabihin kila Kuya ang totoo bakit hindi mo pa ito sinabi sa una pa lang?" Kitang-kita sa itsura ni Daimin ang kaniyang pagkairita.

"Hindi ba't ang boring naman kung ganoon. Maganda naman ang kinalabasan ng lahat, hindi mo na kailangan pang magalit sa'kin. Ngayon malaya ka ng makausap ang iyong kapatid. Hindi mo na kailangan pang itago ang tunay mong pagkatao." Sagot nito kay Daimin.

Sigurado si Daimin na todo ngisi nanaman ang labi nito. Sa tagal niya rin ito nakasama, kabisado na niya na ang gawain ni Nikko. Dahil nagbabago ang tono ng boses ni Nikko tuwing nakangisi, masaya at seryoso ito.

"Ano na ang gagawin namin?" Tanong ni Demo, kay Nikko. Pero bago pa 'man sagutin ito ni Nikko ay muling nagsalita si Daimin.

"Kuya 'wag na 'wag kang gagaya sa isang yan. He's a jerk na gusto lamang ay pahirapan ang mga taong tinggin niya ay interesado. Mabuti nalang talaga at hindi ka nagmana sa taong iyon." Tinggin ni Daimin kay Minka. Tumanggo lang si Minka rito bilang sagot. Bago magsalita si Nikko ay tumawa ito ng mahina.

"Ang init talaga ng dugo niyo sa'kin hindi ko alam kung bakit. Bakit nga ba Lay liit-- haha, masakit iyon. Oh, oo nga pala gusto ko lang sabihin na kahit nasa loob kayo ng lugar na iyon ay naririnig namin kayo at ang inyong iniisip. Hindi nga lang pwede na kausapin ko kayo. Kaya Clay, huwag kang mag-isip ng bagay-bagay na tungkol kay Lay liit dahil naririnig ka niya." Sa sinabing iyon ni Nikko namula ang mukha ni Clay at hindi makapagsalita.

Muli pinaalalahan sila ni Nikko na gawin ang lahat upang malagpasan ang pangalawang pagsubok. Pumasok na sila sa salamin sa south area. Hindi nila inaasahan ang nangyari sa kanilang pagpasok doon. Bumulaga sa kanila ang mga higanteng tao na nakapaikot sakanila.

Esna tribe

"Kayo ang taong tinakda na mapunta rito sa'min upang mapanalo ang gyera na sinimulan ng kabilang tribo. Ang aming mga tagapagligtas! Mabuhay!" Siya ang lider ng mga higante sa Tribo ng Esna. Ang kaniyang ngalan ay Loste. Sa pagsigaw nito ng mabuhay, nakisigaw na rin ang iba pang higante.

"Tagapagligtas?" Sambit ni Minka. Ramdam niya ang malakas na enerhiya, sigurado ito na nasa isang illusyon nanaman sila na gawa ng pinuno sa lugar na iyon.

"Eh? Demi? Kite? Wala sila. Anong nangyari..." Pagtataka naman ni Demo. Kahit sina Minka at Clay ay nagtaka sa pagkawala ng dalawa. Pero agad naman nag-isip si Clay na pwedeng dahilan ng pagkawala ng dalawa.

"Hindi kaya, sina Kite at Daimin ang tagapagligtas sa kabilang tribu na tinutukoy ng mga higante rito? Kung ganon, paano ito. Sa mga kuwento, kapag nalaman nila na may kakilala ka sa kabilang side ay ituturing kang isang espiya at mas lalo lang magkakagulo ang lahat." Ani Clay.

Nasa isang maliit na kubol sila na pinagkaloob ng lider ng tribu. Habang naghahanda ang ibang mga higante sa mangyayaring gyera, umiisip naman ng paraan ang tatlo kung anong dapat gawin upang mapatigil ang gaganaping gyera. Talaga naman na inaalagaan sila ng mga ito. Pagkain, tulugan at kahit mga damit ay sila'y pimagkakalooban ng mga ito. Katulad sa una nila napuntahan, ang mga ito rin ay walang mga masamang balak sakanila. Kundi pinagtutuunan ng mga ito ng pansin ang gaganapin na gyera lamang.

"Una siyempre kung paano nagsimula ang lahat. Paano nagkaroon ng komplikasyon ang dalawang tribu. Paano humantong sa gyera ito. Ah, hindi tayo makakaisip ng paraan kung magtatanungan tayo. Minka, pumunta ka sa lider ng tribu at tanungin ang mga ito." Utos ni Clay.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon