072: Forest/Of/Snake

2.6K 99 2
                                    

Ang mga ito'y tinutukan ng patalim sa kanilang leeg. Hindi rin nila inaasahan ang ganung bungad. Puno ng ahas ang bawat paligid. Sa sanga ng puno, sa lupa at nakapalupot sa kahoy ng puno. Katawang ahas na mayroong binti, kamay at ulo ng tao.

"Lalaki, hindi niyo ba alam na pinagbabawal ang lalaki sa lugar na ito?"

"Ksssh, hisss. Bitay, bitayin!" Ang sigaw ng lahat na ahas.

"Huh? Tek--" Magsasalita si Clay ng biglang pinulupot ng isang ahas ang kaniyang katawan, sa katawan ni Clay hanggang sa bibig nito. Ganun din ginawa ng iba pa na ahas kina Demo at Kite.

"Magandang mga babae. Ako nga pala si Asusa. Ang pinuno sa lugar na ito. Kssssh. Sumunod kayo sa'kin upang makausap kayo." Ngumiti ito kina Minka at Daimin. Sumunod ang dalawa rito.

Sa gitna ng kagubatan na iyon nakatira ang mga ito. May mga bahay na gawa sa kahoy ang nakatayo sa itaas ng mga puno. Itinali ang tatlong lalaki at inupo sa malaking paso. Sa ilalim ng malaking paso nakalagay ang maraming kahoy. Habang ang dalawang babae ay inimbitahan ng pinuno ng mga babaeng ahas sa kaniyang maliit na tahanan. Binigyan niya ang dalawa na maiinom na malinis na tubig.

"Bakit pinagbabawal ang lalaki sa lugar na ito?" Sa pagkaupo ng babaeng pinuno na si Asusa, tinanong na agad ito ni Daimin.

"Dahil ang mga lalaki'y makasalanan. Taksil. Hambog at higit sa lahat ay sakim. Hindi nila ginagalang ang mga babae. Sa kanilang tinggin ay sila'y matatapang, malalakas at nakatataas. Kanilang kinakawawa ang mga kababaihan dahil ito raw ay mahina. Binuo ko ang aming pamilya, para turuan ng leksyon ang mga lapastanggang kalalakihan. Kaya ang mga lalaking tumatapak sa aming teritoryo ay aming pinarurusahan, pinahihirapan at pinapatay! Para kanilang malaman, na ang mga babae ay hindi mahihina!" Nangagalaiti nitong kwento.

"Hindi tama na parusahan niyo ang iba na wala naman ginawa sainyong masama. Naiintindihan ko ang iyong galit sa mga lalaki. Pero ang parusahan ang taong ngayon mo lamang nakita ang hindi tama sa lahat--" Nahinto si Minka sa pagsasalita ng humaba ang dila ni Asusa at balak gilitan ito ng leeg.

"Kung hindi mo nais na magaya sa mga lalaking iyon, manahimik ka na lamang! Hissss."

Sasagot pa sana si Minka ng tinapal ni Daimin ang kaniyang palad sa bunganga nito. At sinenyasan na huwag na itong magsalita pa. Kumalma si Minka at pinatunog ang kaniyang dila sabay iwas ng tinggin kay Asusa.

"Kung ganoon, pinupuntahan pa rin ba kayo ng mga kauri niyo na lalaki sa lugar na ito?" Muling tanong dito ni Daimin.

"Kssssh, lahat sila'y patay na kaya paano pa sila makakapunta sa lugar na ito? Kahit isa sa kanila, kahit ni isa. Wala kaming tinira. Parusa nila iyon, sa kanilang kahambugan! Dapat lang sakanila ang mawala, dapat lang na mamatay! Ngunit! May kaisa-isang lalaki ang amin hindi pa nabibigyan hatol!" Mas lalo itong nangalaiti ng kaniyang sabihin ang huling estansa.

"Ibig sabihin may natitira pa na lalaki rito?" Tanong ni Daimin.

"Oo! Ngunit hindi siya isang ordinaryo lalaki. Isa siyang makapangyarihan. Isa siyang kinatatakutan. Kaya ang mga kalalakihan ay naging mga hambog dahil ito sakaniya! Kung hindi dahil sakaniya, kung hindi dahil sakaniya! Hindi naging mapagmataas ang mga ito. Hindi naging sakim ang mga ito. Dahil isa siyang lalaki, at dahil isa siyang diyos! Kaya ang mga ito'y nagbago ng hangarin at naging mapagmataas katulad ng kanilang diyos na sinasamba! Ang lalaking aming kinamumuhian sa lahat. Ang lalaking kahit na sino'y walang makakapatay! Dahil bawat kilos, galaw at takbo ng iyong isipan ay kaniyang nalalaman! Isang nakakatakot na diyos..."

Sa sinabing iyon ni Asusa, nagtinginan ang dalawa at tumanggo ng sabay. Nagkaintindihan ang dalawa na ang tinutukoy ni Asusa na diyos ay ang gumawa sa mundong ito. 

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon