049: Tiger/Cave

4.3K 190 24
                                    

/------/

Alas nuwebe ng gabi ng nag online si Kite at nakita nya si Daimin na nakaupo sa mga kahon sa may labas ng merchant house. Linapitan nya 'to at sinabing nasa plaza si Demo at Minka at tumitinggin doon ng mga skill book. Lumakad na sila papunta roon, habang nag lalakad sila ay nag salita si Daimin.

"Pwede ba 'wag mong pag alalahin sayo si Kuya." Napatinggin si Kite ng sabihin 'to ni Daimin, habang si Daimin naman diretso tinggin lang sa kanilang dinadaanan.

"Si Demo ba talaga yung nag aalala o ikaw?"

"Huh?" Inis na tinignan ni Daimin ang naka ngising si Kite.

"Bakit naman ako mag aalala sayo hmp." Tumakbo na 'to ng kanyang matanaw kung nasaan sila Demo at Minka.

Sa pag takbo ni Daimin ay may gumuhit na ngiti sa mga labi nito at sya'y masaya dahil bumalik na sa normal si Kite.

"Ang cute nya talaga." Bungisngis nito at nag madali na rin mag lakad papunta roon.

Sinabi ni Minka na nakabili na sila ng bagong skill ni Demo, at maghahanap naman sila ng quest na hindi kailangan lumabas sa town.

"Oh, ako may alam mataas pa na experience reward ang bigay." Sinabi ni Kite.

Sinundan nila si Kite at pumunta sa isang bahay ng villager at kanilang kinuha ang quest nito. Pinasuot sila nito ng farmer suit at binigyan sila nito ng pala, palakol, regadera at kartilya.

"Ano 'to?" Tanong ni Minka at hindi malaman kung anong klaseng emosyon ang pinahihiwatig nito.

"E, edi maglilipat tayo ng lupa, mag hahati ng kahoy at mag didilig ng mga halaman." Paliwanag ni Kite.

Kinuha ni Kite ang palakol at inumpisahan na ang pag hati ng kahoy. Si Daimin naman ang kinuha na ang regadera at linagyan ng tubig 'to, at inumpisahan na ang pag dilig sa halaman.

Kinuha na rin ni Demo ang pala dahil agad kinuha ni Minka ang kartilya.

"Ayos ka lang dyan, mabigat yan kapag nalagyan ng lupa." Pag aalala ni Demo.

"Mukhang mas mabigat pa nga yang hawak mo, kaya ayos na ako dito." Sagot naman nito.

Nang matapos nila gawin 'yon ay pinasa na nila ang quest at nakatanggap ng experience reward kaunting money reward.

Lumipas ang limang araw at dalawang araw na lang black market, sinabi ng source ni Laylin na sa last day na balak i-auction ang hell blade. Bago sila lumabas sa Bianjin ay binili na nila ang mga supplies na kailangan nila.

Marami silang nakasalubong na mga PK sa kanilang pag lalakbay mga small fry lang naman 'to kaya agad nilang natatalo at umaabanse papunta sa tiger cave.

Tiger cave /Entrance/

Nakarating sila sa tiger cave at last day na ng auction, maraming mga tao ang pumapasok doon. Lahat din ng pumapasok ay naka tago ang mga mukha at nakasuot ng hoodies, para maitago rin ang kanilang pangalan.

Normal silang pumasok sa entrance at katulad ng iba pumila sila roon kung saan may kumukuha ng entry fee.

"Philippines server, changing currency to php." Sinabi ng isang player habang may holographic screen sa harap nito.

"May dark magic user?" Tanong nito.

Lumapit si Chelo at linabas ang kanyang Dunkelheit Staff, na mayroon dark magic ability.

"The entry fee is 1000, pero dahil may dark magic user kayo 200 each nalang." Nag bayad na sila at may lumabas na hagdanan.

"Discount lang pala kapag may dark magic user tayo akala 'ko naman kung ano..." Nahinto sa pagsasalita si Daimin ng nag salita si Minka.

"Kapag walang dark magic user kinukuha nila ang personal info like in-game name, type, element and races."

"Kaya pala, naiintindihan 'ko na."

Bumaba sila sa hagdanan na 'yon na sobrang lalim, at tumambad sakanila ang mabatong lugar na parang mga bahay at may mga pintuan na bakal. Dumiretso sila sa pinakadulo kung saan pumupunta ang lahat dahil doon daw gaganapin ang last day ng black market. Huminto sila sa malaking pintuan na nakasara habang ang mga tao ay kumpulan doon sa dami.

"Ang huling araw ng black market kung saan ang papremyo ay isa sa hell weapon ang cresthell blade!" Dinig ng lahat ang sinabing 'yon at bumukas ang malaking pintuan.

"What the!" Gulat ni Minka sa kanyang nakita.

Isang arena ang bumulaga sa lahat, habang mayroong stage sa gitna nito at mga benches sa gilid-gilid.

"WELCOME TO THE BATTLE ARENA!" Sigaw ng M.C muli ang mga tao roon ay sumigaw pabalik.

"Anong kalokohan 'to!"

"Hindi PVP ang pinunta namin dito kun'di auction ng item!"

Lahat ng tao walang alam dito kaya hindi rin masisisi ni Minka na napunta sa duwelo ang kanilang pinunta roon.

"Huh, hey rookie hindi mo ba alam na itong ang totoong black market kung gusto mo mapasayo ang cresthell 'wag ka magpatalo sa iba. Oh, rookie ka nga pala at sa pera lang nakakapit. Good luck nalang sayo." Nainis naman ang taong natamaan sa sinabi ng M.C.

Sa patuloy na pag rereklamo ng tao ay biglang nag apoy ang bato sa itaas at kanilang nakita ang galit na galit na nakasuot ng heavy armor na si Wangzi na nag lalabas ng aurang pula sa mga mata nito. Napahinto ang lahat dahil sa killing intent na kanilang naramdaman, at hindi lang 'yon ang pumukaw sa mga tao kundi ang katabi ni Wangzi na si Crusader ang nangangalawa sa international ranking na taga U.S server.

"Wala na tayong choice kundi lumaban." Mahinang sabi ni Minka.

"Yay battle ready na ak-- aray." Binatukan ni Minka ng mahina si Daimin.

"Sino nag sabing sasali ka, gusto mo ba na rambulin tayo ng mga hunter rito kapag nakita nila ang pangalan mo, ang isa sa may hawak ng celestial staff. Mag reregister ako at aabanse sa finals ng walang hira--" nahinto si Minka ng nag salita si Kite.

"Anong sinasabi mo rin Ms.Minka na kaunti nalang na edit sa pangalan mo ay Minko na, na pangatlo sa international ranking. Hindi ba't mas big time ka 'kay Daimin, at kung sakanya yung mga small fry lang ang hahabol paano pa sayo baka pati si Crusader at Wangzi makisali lalo na't na sayo ang isang pares ng cresthell."

"Eh, paano yan bawal din si Chelo makisali dala-dala 'ko rito yung ancient avatar set 'ko ayokong mabully ng mga nasa international ranking, isa pa nasa local ranking si Chelo at madami rin mag tatangkang patayin si Chelo."

"Sorry pero ako rin hindi makakasali katulad ni Chelo nasa local ranking din ako." Saad din ni Laylin.

"Eh, sino ang sasali?" Tanong ni Daimin.

"Dahil sa rami ng tao na sasali, pipili lang kami ng walong pares na lalahok sa Two Vs Two na duwelo. Syempre dahil isa itong black market ay nasa inyo ang desisyon kung Duel o PK ang gagawin nyong laban. Sa Duel walang malalaglag na gamit sayo at dito ka pa sa arena mag rerespawn. Kapag PK naman kapag namatay ka at nalaglagan ka ng item kung sino 'man ang iyong katungali sila ang makakakuha ng drop at, sa kingdom ng iyong legions ka pa mag rerespawn." Paliwanag ng M.C.

"MATIRA-MATIBAY, SIMULAN NA!"

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon