056: Betrayal/And/Escape

4K 176 5
                                    

/------/

"Ano nangyari, bakit nawala sya." Sambit ni Daimin ng kanyang nakita na nag ilaw ang katawan ni Wangzi at naglaho bigla.

Napahinto si Kite sa pag takbo at luminggon sa kanyang likuran, nag taka rin 'to kung bakit nawala.

"Hey wala ka ba na balak ibaba ako." Simanggot ni Daimin, nginitian 'to ni Kite at nag salita.

"Wala-- aray, ito na nga." Hinampas 'to ni Daimin at binaba na rin nya 'to.

Napahinto ang dalawa sa pagkukulitan ng may pumaikot sakanilang mga player na may hawak na torch. Sinabi ni Kite 'kay Daimin na gamitin nito ang archangel judgment kapag sumenyas na sya.

Lahat ng player doon ay nag ilawan na ang mga kamay at nag labas ng kanilang mga armas.

"Now." Mahinang sambit ni Kite.

"Akk, what the!" Napalinggon bigla si Kite 'kay Daimin, may nakapalupot dito na berdeng hanggin.

May nag cast ng wind chain sa kalaban, hindi na rin alam ni Kite kung anong gagawin nya dahil kapag nag cast sya ng magic bka mapahamak si Daimin. Dahil sa matagal ang cast time ni Kite, hindi na nito binalak lumaban susuko na 'to ng may sumigaw banda sa entrance ng tiger cave.

"Daimin! Kite!"

••••••

"Stop." Napabitaw si Demo sa kamay ni Trex ng kanyang marinig ang pag tawag at hawak sa kanyang kamay nito.

Sa pag bitaw ni Demo na 'yon ay nahinto rin ang pag bawas ng buhay ni Trex na nasa 5% nalamang. Tulala pa rin 'to sa nangyari, hindi pa rin makapaniwala na nasira ang kanyang dimension gauntlet na isang celestial gauntlet.

"Minka." Mahina nitong sambit, habang nakatitig lang sa naka lutang na si Minka dahil putol pa rin ang isang paa at kamay nito.

Binitawan na ni Minka ang kamay ni Demo at nag bukas ng inventory, kumuha 'to ng antidote at kanyang ininom. Nahinto sa pag bawas ang kanyang HP sa 10% ng kanya 'to ininom.

Napatinggin si Minka sa paligid at nakita ang pag kumpol ng mga hunter sa loob ng black market na pumalibot sa kanila. Ngunit, nakuha ng babaeng may hawak ng isang cresthell ang atensyon ni Minka.

"Anong binabalak mo sa isang pares ng cresthell?" Tanong ni Minka rito.

"A gift, a gift." Ngisi nitong sagot.

"Gift? Para saan?" Pagtataka ni Minka.

"It's a secret."

"Sabihin mo ang totoo Laylin! Anong binabalak mo at bakit mo 'to ginagawa!" Sigaw ni Minka.

"Huh? Alam 'ko na alam mo kung bakit, siguro naman natatandaan mo pa ang nangyari seven years ago." Nawala ang pag ngisi ni Laylin at napalitan ng lungkot ang emosyon nito.

"Gumaganti ka ngayon sa nakaraang hindi mo makalimutan..."

"Sinong hindi makakalimot sa bangungot na 'yon! Walang nawala sayo, kaya hindi mo alam kung anong nararamdaman 'ko! Dahil kahit kailan hinding-hindi 'ko makakalimutan ang nangyari noon."

Nag open ng inventory si Laylin at gumamit ng D'chun, ang scroll portal para makabalik sa chunuzuo kingdom.

••••••

Bakit ang hina 'ko, ang isang taong gusto 'ko protektahan sa lahat, hindi 'ko pa ma protektahan.

Bakit bigla rin sumagi sa isip 'ko ang mangyayari kapag bigla sya naglaho, katulad nalang ng nangyari sa isa nyang account.

Bakit natatakot akong makita syang maglaho sa harapan 'ko. Feeling 'ko hindi 'ko na sya makikita muli.

Gusto 'ko sya makita.

Gusto 'ko sya makausap.

Gusto 'ko makita syang ngumiti.

Naiinis ako sa sarili 'ko dahil sa sobrang hina 'ko, wala akong magawa kundi umiyak at makiusap na ibalik nya si Minka.

"Stop."

Sa pag dikit ng palad nya sa aking kamay at ang tinig nyang paulit-ulit na nag echo sa aking tainga, nag laho lahat ng aking pagaalala.

"Minka." Mahina 'ko na sambit habang tinitignan 'to.

Kahit na wala 'to na isang kamay at paa, patuloy pa rin ang pag bangon nito. Nasasaktan ako sa nakikita 'ko pero nangingibabaw ang pag hangga ko rito.

Hindi 'ko alam ang sumagi sa isip 'ko pero ayoko ng pakawalan sya, ayoko ng makita syang maglaho muli. Ayoko na.

"He-hey! Anong ginagawa mo!"

••••••

Sa kaninang inuupuan ni Wangzi at Crusader ay may ilaw na lumabas at nang nawala 'to ay may nag appear na player na may suot suot na holy cross avatar isang legend set avatar.

"Eh, nasaan na si crusader? Ano rin nangyari rito bakit sira sira ang buong lugar at ang daming nag papatayan." Salita nito habang pinagmamasdan ang paligid.

Maya-maya ay may ilaw na muling lumabas sa tabi nito at nag appear ang lalaki na may suot suot na Avalon set, isa sa rare avatar set.

"Oh, oh, guess what! Ang rank seven sa china server, ang sikat na si Tianlong, yo. Kamusta?" Sabay akbay nito habang tawa ng tawa.

"Wala akong time sa mga biro mo na walang kwenta Larkeid, rank four sa U.S server." Walang gana na sinabi ni Tianlong at gumamit ng water clone.

Naging tubig ang inaakbayan ni Larkeid, at ang tunay na katawan ni Tianlong ay gumamit ng haste papunta sa gawi ni Minka at Demo.

"Being ignored, ang pinaka ayoko sa lahat." Linabas nito ang Sycthe nya, ang holy cross scythe.

••••••

Nagulat si Minka sa biglang pag yakap sa kanya ni Demo na nasa likod nya, hindi alam ni Minka ang kanyang sasabihin dahil panay ang pag hingi ni Demo ng sorry dito.

May isang player ang pasugod 'kay Minka, ngunit dahil nakayakap sa kanya si Demo hindi 'to maka abanse rin.

Umilaw ang kamay ni Minka at linabas ang isang cresthell, sinwing nya 'yon kung nasaan sya nakatayo. Umilaw ang ginawa nitong pag hiwa sa ere at natamaan ang pasugod sakanila at nahiwa ang katawan nito at naglaho.

"Hey, baka nakakalimutan mo na nasa laban pa tayo!" Sigaw ni Minka na nahihiya.

"Ah, so-sorry." Binitawan na 'to ni Demo.

Tumalikod si Demo at bumalik na sa normal, hindi rin nito alam ang kanyang idadahilan sa ginawa nyang 'yon. Pulang pula ang mukha nito at hindi alam kung paano haharapin si Minka.

Napunta ang atensyon ni Demo sa lalaking may Hawak na dual spear na papunta sa gawi nila, linabas ni Demo ang scythe nya at hinihintay makalapit para gumamit 'to ng whirlwind.

Si Minka naman ay busy na ubusin ang mga player na panay ang abanse papunta sakanya, at balak kuhanin ang cresthell nya.

Napaupo si Demo sa lakas ng impact na tumalon sa kanyang harapan.

"Yo, youngster. Hindi 'ko alam nangyayari rito dahil kadadating 'ko lang pero, dahil shizizuo ang legion nyo i don't mind giving ya a hand."

"That's so, then please stop 'em all." Lapit ni Minka rito. Agad hinawakan ni Minka ang kamay ni Demo at lumipad na papunta palabas ng tiger cave.

"Eehhh, hey. Heh, fine. I see, so ganito ang feeling na abusuhin ang kabaitan." Ngumiti si Larkeid at ang mga player na sabay-sabay pa sugod sakanya ay sabay-sabay din namatay sa isang hiwa na ginawa nya gamit ang scythe.

"Larkeid, naka received ako ng message 'kay Wangzi na patayin ang apat na taga shizizuo na Philippines server kaya..."

"You want to chase them? Pero, dahil ayokong binabalewala. Kill me first." Ngisi ni larkeid.

"You give me no choice then."

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon