018: Phoenix/Flame/Feather

5.9K 266 12
                                    

/DEMO/

(Red forest area 11)

"Hanggang ilang area ba ang special map?" Mahina 'kong sabi.

Sana naman at hindi pa masyadong gabi. Ayoko naman mag log out at masayang yung special map na nakuha sa legions war.

"Hanggang sa magpakita ang boss."

"Ibig sabihin walang sariling lunga ang boss?"

"Yeah, naglalakbay lang 'to sa bawat area."

Ganun pala 'yon. Ang nilalakaran namin ni Minka, parang magkakaparehas lang. Ang pinagkaiba lang ay nagbabago ang area nito at mga kalaban.

"Ayos ka lang!" Takbo 'ko agad ng nakitang napahiga si Minka sa lapag.

"Ayos lang." Umupo ito at hinawi ang mga dahon na kumpol-kumpol kung saan siya napahiga.

"Ano yan?" Tanong 'ko kay Minka habang hawak niya ang isang box na nakuha niya sa kumpol-kumpol na dahon.

"Random chest. Makakakuha ka ng iba-ibang reward kapag ni-use mo." Sabi nito, ni-use niya ito at agad may lumabas na screen sa kanyang harapan.

Reward:
Water bind spell x1

"Water bind spell?" Ani 'ko.

"Para siyang isang piraso na papel na kapag initsa mo sa kalaban mag aactivate siya, pero once na na-activate mo na hindi mo na muli magagamit." Paliwanag nito, habang nag lakad na muli.

"Para rin na skill ganun?"

"Yeah, pero ito kahit anong type ka pwede mo magamit at wala rin MP na cost."

(Red forest area 12)

May naramdaman naman ako agad na mga mahihinang yapak mula sa malayo. Ano kaya 'yon. Agad naman ako hinila ni Minka at umakyat kami sa sanga ng puno at tumayo roon.

"Palakas ng palakas yung yapak."

"Mga mobs yun na tumatakbo."

"Tumatakbo palapit satin?" Tanong 'ko.

"Tumatakbo sila upang pumunta sa ibang area, dahil may malakas na pwersa ang papalapit."

Tama nga ang sinabi ni Minka, sobrang daming mga kalaban ang nag si pasukan sa lagusan papuntang area 11. Sa hindi kalayuan may malakas na ungol akong narinig, biglang lumakas ang hangin at ang mga dahon ng puno ay kusang nag tu-turn sa pagiging abo. Ang paligid ay unti-unting umiinit, anong nangyayari!

Sa sobrang init ang HP ko ay isa-isang nababawasan, ganun din naman si Minka. Para kaming nasa isang disyerto sa init, kahit na hindi ito ang tunay 'kong katawan ramdam 'ko pa rin ang init.

"Papalapit na siya." Sambit ni Minka.

"E, sino?"

"Yung boss!"

Hinawakan ako nito muli at tumalon kami papalayo sa puno at ang puno namin na tinatayuan kanina, ay nasunod dahil sa may bumuga ng apoy doon.

Tumakbo kami ni Minka papunta sa gitna na walang mga puno at halaman. Malaking space 'yon at sa langit mayroon nag aapoy na ibon.

Boss: Ember Phoenix
Level: 30

Nag aapoy ang buong katawan nito at sa bawat pagaspas ng pakpak nito ay mayroong mga apoy na nag sisi-talsikan. Bumubuga-buga ng apoy ang bunganga nito at sinusunog ang mga puno na kanyang nakikita.

Tumalon na si Minka at nag dash papalapit sa Phoenix na nasa langit, at agad itong gumamit ng aqua slicer ngunit agad ginalaw ng phoenix ang pakpak niya sa malakas na pwersa at nilipad si Minka pabalik sa lupa.

"Fire and wind huh." Sinabi ni Minka habang nakaupo sa lapag, tinulungan 'ko naman ito tumayo at pinuno ang kanyang HP.

Sinabi ni Minka na kapag naubos ng Phoenix ang mga puno lilipat ito ng ibang area kaya kailangan namin madaliin itong ma-kill, kung hindi mag hihintay nanaman kami ng ilang oras bago ito matagpuan.

"Water bind spell activate!" Sambit ni Minka at initsa ang pirasong papel papunta sa phoenix.

Sa pirasong papel na 'yon ay may lumabas na apat na akala mo ay ahas na tubig at bumalot ito sa katawan ng phoenix. Umuusok naman ang katawan ng phoenix at unti-unting bumababa ang HP. Agad muling sumugod si Minka.

"Hydra blade!" Sigaw ni Minka.

Hinawakan ni Minka ang dalawa niyang blade at parehas inilagay sa iisang side na para bang isa lamang na blade ang gamit niya, ang dalawa niyang blade ay binalutan ng tubig at naging iisa at sobrang kapal nito. Humaba rin ang size nito at agad hinampas pagawi sa phoenix, agad din nag cast si Minka ng Aqua slicer at huminto ang HP ng phoenix sa 1%.

Bumalik muli si Minka sa lupa dahil biglang nawala ang Phoenix. Mayroong nag aapoy na balahibo ng phoenix naman ang nahulog sa lapag, pinulot 'ko ito at biglang mayroon lumabas na holographic screen.

Do you want to received it?
Flame feather

In-accept 'ko ito at napunta ito sa'king inventory.

"This is bad!" Sambit ni Minka.

"Bakit?" Tanong 'ko naman.

"Kapag hindi mo na-kill ang boss sa special map at nakatakas ito, babalik 'yon ng puno ang HP at triple ang lakas."

"Ganun ba!"

Maya-maya ay bumalik nga ang phoenix at kagaya ng sinabi ni Minka, mas lalong pumula ang apoy nito sa katawan at tumaas din ang level na nasa 35 na. Bumuga ito ng apoy at hindi na ang mga puno ang tinatarget, kung hindi kaming dalawa na ni Minka. Agad kaming tumakbo ni Minka papunta sa mga puno at nag tago roon.

"Wala na rin tayong water bind, kaya mahihirapan tayo." Ani ni Minka.

"Paano na yan--- Minka!"

Bigla kasi itong nag laho. Ano nangyari? Tinignan 'ko ang party, nakalagay doon na naka off si Minka.

E? Eeeee? Bakit sobrang dilim! Tinangal 'ko ang virtuale gear sa ulo 'ko at sumilip sa bintana, sobrang lakas ng ulan. Sobrang dilim din ng kapaligiran. Tinry 'kong buksan ang mga ilaw ngunit hindi ito sumisindi.

Brownout!

Maraming salamat po sa mga nag babasa nito. :>

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon