076: Secret/Of/The/Rain

2.3K 98 1
                                    

"Paano niyo nalaman na ako ang prinsesa ng Rain temple?" Sa pagpitik ng daliri ni Lala ang mga papel nila'y umilaw at nagkaroon ng lagda.

"Eh?" Agad tinuro ng tatlo si Demo. "Ah, ano. Hindi ko rin sure yun pero mukhang tama yung hinala ko." Napakamot naman sa ulo si Demo habang sinabi iyon.

"Maaari mo na ba sabihin samin kung bakit nanganganib ang buhay namin sa mundo na ito?" Ani Daimin.

"Hindi rito ang tamang lugar para pagusapan ang tungkol diyan, sumunod kayo sa'kin." Naglakad na si Lala papunta sa palasyo.

Ang katawan ni Lala ay umilaw at ang suot niyang maid dress ay napalitan ng kulay asul na gown. Ang loob ng palasyo ay napapalibutan ng mga tubig, halaman at mga perlas na iba't ibang klase. Sinundan nila ito papunta sa isang kwarto. Ang kwarto na iyon ay plain white at dalawang puting sofa lamang ang laman. Umupo ang mga ito roon at kahit si Lala.

"Ang mundong ito'y ginawa para i-seal ang isang katawan ng tao. Upang ilagay ang isang virus na kayang i-trap ang milyong-milyon tao sa iisang laro. Ngunit, hindi pa nila ito nakukumpleto. Kung bakit, dahil kapag pinasok ang virus sa katawan ng iisang tao pupwede itong mag break down at mamatay. Isang nakakatakot na pangyayari ang nais gawin ng taong gumawa nito. At ang lugar na ito'y isang patibong. Sa pagtalo niyo sa last boss, ang virus ay mag aactivate at papasok sa inyong mga utak. Ang limang tao kasama na ang katawan na naka seal sa mundo na ito ay kayang dalhin ang virus sa kabilang laro. Kaya habang hindi pa huli ang lahat, umalis na kayo sa lugar na ito. Dahil muling magkakaroon ng malaking krisis katulad ng nangyari noon." Kwento at babala ni Lala.

"Pero nandito kami para iligtas ang katawan na sineal sa mundong ito. Hindi kami aalis, lalo na't alam namin na buhay pa ang isa na ito." Matapang na sabi ni Demo.

"Hindi niyo ba naintindihan ang aking sinabi? Ang lugar na ito'y patibong. Kahit man matalo niyo ang last boss, hindi niyo ito maililigtas. Dahil lahat kayo'y madadamay at magiging daan para sa muling malaking trahedyang mangyayari." Muli nitong sinabi.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Demo sa mga kasama.

"Binigay itong misyon ni kuya, kaya kahit anong mangyari ililigtas ko ang gusto nitong iligtas sa mundo na ito." Mungkahi ni Minka. Nanlaki ang mga mata ni Lala ng kaniyang titigan si Minka at ang mga mata nito'y naging malungkot.

"Nakarating na tayo sa panghuling pagsubok, ngayon pa ba tayo aatras?" Ani Kite.

"Kung may mangyari man sa'tin, ang jerk na si Nikko ang dapat sisihin. Paniguradong gagawa iyon ng paraan. Ang pag-iisip nun ay sobrang misteryoso, mangyayari pa lang ang isang pangyayari ay alam na niya agad kung saan, bakit o ano ito." Ani Daimin.

Narinig nila mula sa silid kung nasaan sila ang malakas na pagkidlat. Sinabi ni Lala kung gusto nila makita ang sikreto at totoong itsura ng Rain temple tuwing umuulan. Sumunod ang mga ito at pumunta sila sa malaking bintana ng palasyo at bumungad sakanila ang biyak-biyak na mga bato na nasa paligid ng tubig. Ang buong lugar ay napapalibutan ng tubig. Para silang nasa gitna ng karagatan. Malakas ang ulan at patuloy din ang pagkidlat ng malakas.

"Anong nangyari? Bakit nawala ang mga tao, bahay at ang lupa kung saan naglalakad ang mga tao?" Tanong ni Daimin.

"Para tayong nalipat muli sa ibang mundo." Ani Kite.

"Ang makulay na bayan ay naglaho..." Sambit ni Demo.

"Ito ang sikreto ng lugar na ito. Nagtataka ba kayo na ang bayan ay tinatawag na Rain Temple at hindi Town of rain? Dahil ang totoong nag eexist lamang dito ay ang palasyo na ito kung nasaan kayo ngayon, ito ang tunay na tinatawag na Rain temple. Ang mga tao, bahay at anuman na inyong nakita simula pumunta sa mundo na ito'y isa lamang gawa-gawa sa tuwing wala ang ulan. Pero sa pagbuhos ng ulan, ang mga ito'y maglalaho at ang tunay na itsura ng lugar ang iyong makikita. At ang lugar na ito ay totoong lugar sa isang laro, ang laro kung saan na trap ang mga tao noon. Oo, ito na iyon. Isang malawak na karagatan na lamang. Walang nabubuhay kundi ako lamang. Ako na kaisa-isang naiwan sa mundong ito." Aniya.

"I-ikaw ang nakatatandang kapatid ni Laylin?" Tanong ni Minka rito.

"Ako nga. Kinagagalak kitang makilala, Nikka? tama ba ako? Katulad ng kwento ng iyong kuya, isa ka nga talagang magandang dalaga." Hinimas nito ang buhok ni Minka.

"Ibig ba nito sabihin nakita na namin ang dapat namin iligtas? Paano ka namin maiaalis sa lugar na ito?" Tanong ni Demo kay Lala. Umiling-iling si Lala.

"Walang paraan para makaalis ang aking diwa sa loob nito. Kaya bago pa may mangyari na masama sainyo umalis na kayo sa lugar na ito. Pakisabi na lang kay Nikko, nabigo ako at hindi nakahanap ng paraan para makaalis dito. Hindi na niya kailangan pa na magalala sa'kin. At ayokong mangyari muli ang nangyari sa'min sa mga taong balak i-trap ang kabilang laro. Kaya umalis na kayo rito." Pagpupumilit ni Lala sa mga ito.

"Hindi, hindi kami aalis hangga't nandito ka!" Sigaw ni Minka at hinawakan ang kamay ni Lala.

"Pasensya na. Pero kailangan ko kayo ialis sa mundong ito kahit na pwersahan pa. Paki sabi nalang kay Linlin, na mahal na mahal ko siya at lagi siyang mag-iingat." Ngumiti si Lala at tinapik na ang kamay ni Minka. Umilaw ang kamay nito at may pagoda na sibat ang lumitaw dito.

Patuloy nitong hinahampas-hampas sila Demo at ang mga ito'y patuloy sa kanilang pag-iwas. May pagkakataon din na natatamaan sila nito. Sobrang bilis nito kahit na nakasuot ito ng mahaba't malaking gown.

Sa silid kung nasaan sila Nikko. Umiiyak si Laylin dahil kaniyang naririnig ang boses ni Lala, pero ang monitor ay kulay itim at hindi nila nakikita ang nagyayari roon. Tangging boses lamang ang kanilang naririnig. Si Nikko ay taimtim na pinakikinggan ang mga ito, habang may ngiti sa kaniyang labi.

"Hoy, ano ng gagawin natin? Sinabi ng ate ni Lyka na kapag hindi sila nawala sa mundo na iyon matutuloy ang plano na dalhin ang virus sa Zowan?" Pagbasag ni Clay sa katahimikan.

"That's the plan from the beginning." Ani Nikko. Dahil sa sinabing iyon ni Nikko nagulat ang dalawa at nagsalita si Laylin.

"Anong sinasabi mo? Ibig sabihin alam mo na mangayayari ito na gagamitin din kahit sila Demo para gawing isang human virus!? Nahihibang ka na ba? Kapag nangyari iyon maraming madadamay! Ang mga masasayang taong naglalaro sa Zowan ay matratrap sa laro? Yoon ba ang iyong gusto? Ang maulit ang nakaraan?" Ani Laylin.

"Yun lang ang daan para mailigtas si Lay--"

"Gusto mo ba sabihin na para mailigtas si Lala, isasakripisyo mo sila Demo, Kite, Daimin at ang iyong kapatid!? Nababaliw ka na! Hindi gusto ni Lala ang gagawin mo, paniguradong pagnalaman niya ito'y kamumuhian ka niya!" Hindi na nito makontrol ang sarili dahil naaalala niya ang nangyari sakanila ng sila'y natrap sa laro noon.

"As long as I save her. Wala na akong pakialam sa lahat. Kamuhian man niya ako o isumpa sa buong buhay niya. I'll do everything to save her. Kahit man isakripisyo ko ang buong tao sa mundo na ito..." Ang nakangiti nitong labi ay napalitan ng nakakatakot na ngisi.

Naglabas na rin ng mga armas ang mga ito at linabanan si Lala. Pero kahit isang gasgas ay wala silang nagawa rito. Ang bilis nito lalo na sa pag iwas. Gumamit ng mga binding spell ang mga ito pero agad iyon natatanggal ni Lala. Ang lakas nito'y higit na malakas sa kanilang apat. Na kahit isang normal na katawan ng tao at pagoda lang ang gamit ay talaga naman nasasabayan sila nito.

"Hindi niyo talaga balak bumalik sa inyong mundo. Ang oras ay nalalapit na. Ang katawan na ito'y maglalaho at ang huling kalaban niyo ang magpapakita. Nais niyo pa rin ba ituloy ito kahit na ang kapalit ay ang inyong sarili? Patuloy na sa pagkatunaw ang aking katawan, hindi ko na kayo maililigtas pa. Binalaan ko na kayo pero hindi kayo nakinig sa'kin. Sa pagtapak niyo sa silid ng last boss. Ang inyong buhay ay nanganganib. Hindi lang ang buhay niyo sa laro. Kundi ang totoo niyong buhay. Hindi ko man gusto na may madamay dahil sa akin. Ngunit, huli na ang lahat. Ang rain temple ay patuloy na naglalaho..."

"Itutuloy namin ang laban. At ililigtas ka!" Ani Demo.

Ngumiti si Lala at patuloy ng naglaho ang Rain temple. Lumitaw sila sa gitna ng mga biyak-biyak na patag na bato. Patuloy pa rin ang pag-ulan at ang agos ng tubig ay palakas ng palakas. Malaking kidlat ang tumama sa katabing bato kung nasaan sila nakatayo at may babaeng nakatayo roon na may hawak na pagoda. Ang pagoda ay pinalilibutan ng tubig at kidlat. Ang balat nito ay kulay asul at may kidlat na nakapabilog sa kaniyang uluhan. 

"Ako si Vaisravana, ang pinuno ng ulan at diyos ng digmaan!"

°°°

Next chapter: Ruler/Of/Rain

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon