labindalawang taong ang lumipas.
Sa isang ordinaryo't dalawang palapag na bahay na may maliit na hardin sa gilid nakatira ang isang pamilya. May itim na kotse ang huminto sa tapat ng bahay na iyon lumabas ang isang babaeng nakasuot ng pormal na damit, at isang lalaking nakasuot ng laboratory coat na puti. Binuksan nila ang pintuan, at sumalubong ang dalawang magkamukhang bata na nasa limang taong gulang.
"Mami", "Dadi", Sigaw ng dalawang bata.
"Mide, Moka. Kamusta kayo!" Tanong ng lalaki na tinawag ng dalawang bata na Dadi.
"Si Moka, inaway niya si JC!" Sumbong ng lalaki na, si Mide. Tinuro nito si Moka.
"Hindi ko siya inaway! Totoo naman ang sinabi ko na iyakin siya ah." Matapang nito na sabi na taas noo pa.
"Manang-mana ka talaga sa iyong mami, Moka." Ngiti ng babaeng papalapit sakanila.
May bata naman na lumalapit na umiiyak. Sa likod ng bata may magasawa na palapit sa dalawa.
"Bumalik na pala kayo, kami naman ay uuwi na at gusto na umuwi ni Jc. Gusto na rin ako masalo ng aking asawa." Ngiti nito muli na salita. Ang lalaking nasa gilid naman nito ay nahihiya-hiyang umiwas ng tinggin.
"Salamat sa pagbantay sa dalawa habang wala kami. Babawi kami sasusunod sa inyo Kycee." Pasalamat nito sa babae. Nagpaalam na ang mga ito.
"Moka, hindi tama magpaiyak. Gusto mo ba mawalan ng kalaro?" Pangaral ng ama.
"Pero totoo naman sinabi ko Dadi. Si Mami nga sinabi sa'kin na iyakin ka rin eh. Hindi ba mami." Tinggin ni Moka sakaniyang mami.
"Eh?" Gulat ni Demo sa sinabi ng kaniyang anak.
"Tama ka Moka. Sobrang iyakin nga ni Demo. Pero tama ito. Hindi tama iyon. Dahil hindi na makikipaglaro sayo si Jc. Gusto mo ba yun?" Tanong nito sa anak. Umiling naman si Moka.
Tumakbo na ang dalawang bata papunta sa salas.
"Minka, bakit mo iyon sinabi kay Moka?" Tanong ng nahihiyang si Demo sa asawa.
"Totoo naman hindi ba?" Sabi nito at sumunod na sa mga anak.
"Talaga ngang nagmana si Moka sakaniya." Bulong ni Demo sa sarili at ngumiti.
Sina Kite at Daimin naman ay naninirahan na rin sa iisang bahay, kasama nila ang nanay ni Daimin. Ang anak nila ay lalaki na isang taong gulang. Si Kite ay nagtratrabaho sa company ni Klement. Isa itong CEO o chief executive officer habang si Klement ay ang chairman ng company na iyon. Si Nikko naman ay nagpatuloy maging isang siyentista habang isa rin na game master sa Zowan. Marami rin itong mga bagong imbensiyon na talaga naman tinangkilik ng buong mundo. Si Demo ay nagtratrabaho sa hospital kung saan noon nagtatago si Nikko. Dahil ang hospital na iyon ay pagmamayari ng pamilya Hozon. Kahit man busy ang mga ito sa kanilang mga trabaho, hindi pa rin sila mga quitter ng Zowan at patuloy umaangat sa puwesto sa ranking. Dahil din ang character ni Nikko na si Minko ay alam na sakaniya ay inalis niya ito sa ranking, pero malaya pa rin siyang maglakbay sa buong Zowan. Ang ranking ng Zowan ngayon ay mga baguhan na pangalan na. Dahil ang mga dating nasa ranking ay nawala na, pero mayroon pa rin na natira.
LOCAL RANKING
Minka (1st)
Laylin (2nd)
Chelo (3rd)
Kite (4th)
Althea (5th)
Clay (6th)
Klement (7th)
Jio (8th)
Demo (10th)Sumunod na araw pumasok na ang dalawang anak nina Demo at Minka sa pre-school. Naiwan ang magasawa sa bahay at dahil free day nila ay kanila ng isinuot ang virtuale gear sa ulo,
"Cominciare." Sabay na bigkas ng dalawa.
"WELCOME TO ZODIAC WAR ONLINE."
••••••••••••••••••••END••••••••••••••••••••
THANK YOUUUUUU! LALO NA SA MGA PATULOY NA SINUPORTAHAN ITO KAHIT NA MATAGAL NA HUMIHINTO SA PAG UPDATE SI AUTHOR. XD Yay! Completed na siya hihi. Hindi na kayo mabibitin ♡
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Fiksi Ilmiah[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...