039: Game/Sickness

4.8K 191 2
                                    

/DEMO/

Tinanggal 'ko na ang virtuale gear sa uluhan 'ko at nanatili lamang na nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame.

"Anong gagawin 'ko, hindi 'ko narinig yung buong sinabi ni Kite." Hingga 'ko ng malalim.

Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi nya na magkita kami, dahil isa sa lahat ayaw nya samin ni Minka. Sa medyo matagal na magka party kami si Daimin lang ang laging kinakausap nito, kinakausap nya lang si Minka tuwing kailangan ng strategy at ako naman kapag sinasali ako ni Daimin sa usapan nila. Wala rin naman syang kinukwento, lagi nya lang kinukulit si Daimin at nag susumbong naman sa'kin yun.

Nakakaboring nga, isang linggo hindi makakapaglaro huh. Buti nalang at isang linggo lang, makakasama kami sa pagpunta sa black market.

Nakatulog ako ng maayos ngayon araw, at ito ang aga 'ko tuloy pumasok sa iskwelahan dahil walang magawa sa bahay.

"Yo, morning!" Napatinggin ako sa bumati sa'kin, si Rick pala. Kasama nya si Gin na sumenyas ng kaway.

"Ah, morning." Bati 'ko rin dito.

"May gustong sabihin si Gin." Sinabi ni Rick at tinapik tapik nito ang likuran ni Gin na mukhang nahihiya.

"Saglit, ito na nga." Inis na sabi nito 'kay Rick, pero tinawanan lang sya nito. "Ano-a, yung nangyari sa zowan. Salamat, pasensya na rin sa inasta ni Jio pero talagang niligtas mo kami lalo na si Jio. Mainitin lang talaga ulo ni Jio pero maniwala ka 'man sa hindi malambot din naman ang puso ng loko na yun." Mabilis na sinabi ni Gin habang nakatayo ng tuwid.

"Ayos lang yun." Yun lamang nasabi 'ko dahil hindi 'ko alam kung anong kailangan 'ko pa na sabihin.

Dumating na ang guro at absent si Jio. Wala ako masyado naintindihan sa tinuro dahil lumilipad nanaman ang diwa 'ko.

"Game sickness? Yo!" Lapit muli ni Rick.

"Ata, bakit absent si Jio?" Tanong 'ko rito.

"Hindi 'ko rin alam, hindi naman sya nag rereply. Ah, oo nga pala! Tara, ililibre kita dahil sa pagiging knight and shining armor mo ni Jio." Sabay hila nito sa'kin papunta sa cafeteria.

Knight and shining armor? Huh?

Hindi na ako nag salita. Sayang din naman kung tatanggihan ang grasya. Nilibre ako nito ng Adobo at kanin at softdrinks, ganun din naman ang kinakain nya.

"Oo nga pala, ano yung raid? Mukhang importante sa inyo?" Tanong 'ko rito dahil sobrang tahimik nito.

"Eee? Yun yung lulusubin nyo ng grupo o hukbo ang isang may malakas na boss sa epic, legendary or heavenly na tower at dungeon. Yung sa harpy normal tower lang 'yon yung mga pwedeng i-raid na ganyan kailangan 'mo ng marami na medal."

"O, ang dami pa pala na pwede magawa roon. Ang heavenly ang pinakamataas na antas?" Tanong 'ko.

"Sa mga tower at dungeon lang, heavenly stage na boss ang pinakamalakas. Pero sa mga special map, may mas malalakas pa roon, mga hell stage boss at celestial stage."

Naalala 'ko bigla yung weapon na gusto makuha ni Minka, na hell blade na tinatawag nila. So galing sa hell stage boss yung weapon na 'yon. Talaga ngang malakas si Minko.

"Salamat sa pag libre, bukas yung raid nyo diba good luck."

"Welcome, sure thanks." 

Nag lakad na palayo si Rick at ako naman bumalik na muli sa klase. Pag bukas 'ko ng pinto si Michaella lang ang nandoon at nakatanaw lang sa bintana. Umupo na ako sa upuan 'ko sa likod ni Michaella. 

"Ba-bakit?" Tanong 'ko dahil bigla itong tuminggin sa'kin.

Pero agad na muli itong tumalikod at hindi nag salita.

Naglalakad na ako sa hallway para umuwi ng tinawag ako ni Tanya.

"Ano yun?" Tanong 'ko rito, kasama nya si Thea na parang hindi mapakali.

Oo nga pala, lagi ako nakakatanggap ng cookies or cupcake 'kay Thea pero hindi ako nakakapag pa salamat dahil si Tanya lagi ang nag aabot nito.

"Salamat nga pala." Salita 'ko muli habang nakatingin 'kay Thea.

"Sa-salamat sa alin?" Tanong nito.

"Sa cookies at cupcake."

Mukha 'to nagulat at tuminggin 'kay Tanya ng galit, tinawanan lang 'to ni Tanya.

"Ah! Miyerkules gusto mo sumama sa pag grind ng mobs?" Tanong ni Tanya sa'kin.

"Sorry, pero banned ako ng isang linggo." Sabi 'ko rito.

Pero kahit hindi naman ako banned hindi ako makakasama dahil may shift ako sa work at problema 'ko pa na hindi 'ko na sabi 'kay Kite na hindi ako pupwede.

"Eeee, bakit?" Tanong ni Tanya.

Hindi 'ko alam paano 'ko sasabihin kung bakit ako na banned.

"Sinabi ni Rick na kasalanan ni Jio kung bakit sya na banned." Mahiya-hiyang sabi ni Thea.

"Hindi naman kasalanan ni Jio, ako naman yung umako kaya kasalanan 'ko na rin."

"E, baka kaya absent si Jio dahil hindi nya matanggap na niligtas sya ng binubully nya." Ani naman ni Tanya.

"Ka-kasalanan 'ko bakit ayaw nya pumasok?" Para ba na nakokonsensya ako na ako dahilan ng hindi nya pag pasok at hindi sya nakakuha ng short quiz.

"Hahahaha, na kokonsensya ka ba?" Tanong nito.

Paano mo nababasa ang nasa isip 'ko, ganun ba ka halata itsura 'ko ngayon. Ugh.

"Pero hindi mo naman kailangan makonsensya dahil panigurado malaki naging tulong nun sakanya. You see talagang inaabangan ni Jio yung raid dahil si Tenyu mismo ang pumuri sakanya. Tenyu is a hero for Jio that's why." Ngiti ni Tanya.

Nag paalam na sila at ako naman dumiretso na sa convenience store, nandun muli si kuya Zack upang tumulong sa store.

Sunod na araw, pumasok na si Jio pero hindi ito tuminggin ng galit sa'kin o hindi ako tinignan nito ng buong klase. Si Rick ganun pa rin madaldal tuwing kinakausap ako. Si Gin naman pasenyas senyas lang siguro nahihiya sya.

Miyerkules na ganun pa rin naman, si Jio iniiwas ang tingin sakin hindi katulad dati naka titig na agad sakin yan ng sobrang sama na para ba gusto akong kainin ng buo. Hindi 'ko rin naman kinakausap dahil baka sabihin feeling close ako, hindi pa naman ako approachable na tao.

Alas tres na at pumunta na ako sa store, bubuksan 'ko yung back door ng bigla 'to nag bukas at lumabas si Michaella at kuya zack.

"Michaella?" Gulat 'ko.

"O, demo pinaalam ka sa'kin ng kaklase mo kaya nilipat 'ko na ang shift mo, wala ka ng work ngayon." Nakangiti na sabi ni Kuya zack.

"Ee, bakit?" Pagtataka 'ko.

"Sabi nya pupunta kayo sa starlight acad, tamang-tama 'wag mo kalimutan mag punta sa booth nila Kycee." Pumasok na muli si Kuya zack sa loob at sinarado na ang pinto.

Naglakad na rin si Michaella pero wala 'tong sinasabi, sinundan 'ko nalang sya.

"Ano kilala mo si kuya Zack?" Tanong 'ko out of the blue.

"Hindi." Matipid nito na sagot, pero buti sumagot sya.

"Bakit mo yun ginawa, ano. Hindi 'ko kasi maintindihan bakit mo 'ko pinaalam para lang pumunta sa event sa starlight." Mahiya hiya 'ko na sabi.

"Ayaw mo ba?" Tanong nito at huminto sa pag lakad.

"Ee, hindi naman. Pero--." Hindi 'ko natapos ang sasabihin 'ko ng nag salita sya muli.

"Then stop asking."

Yes!

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon