020: Isolated/Village/Shaman

6.6K 260 7
                                    

/DEMO/

"Your late."

"Sorry. Kamusta?" Bati 'ko habang sinasabayan ito mag lakad.

"Ayos naman. Yung nasa red forest tayo, nag brownout sa--."

"Nag brownout din sa bahay, kaya naiintindihan 'ko." Agad 'kong singit.

Hindi na muli ito nag salita, at nag lakad lamang papalabas kami ng shizizuo kingdom.

Buti nalang at nagka-kuryente na nitong gabi, dahil mula kaninang umaga sobrang lakas pa rin ng ulan. Huminto-hinto lang ng mga hapon na, at ngayon ambon-ambon na lang naman.

Nag pa practice test lang si mam ngayon para kapag sa test ay mataas daw ang makuha naming tamang sagot. Habang break time sa school nag review-review na ako para pag dating 'ko sa bahay makapag laro na agad ako.

May naapakan naman ako na parang butas sa may kumpol-kumpol na dahon dito sa gubat na nilalakaran namin ni Minka. Umupo ako at hinawi-hawi ang mga dahon, random chest.

"Nice." Napatingin ako sa gilid 'ko, nakaupo rin si Minka habang nakatingin sa random chest na hawak 'ko.

"Hehe, use 'ko?"

"Ok."

Reward:
Gale amulet

Gale amulet:
Mp & hp recovery 10%
MDEF +200
MATK +200
Hp + 1000
Power: 5
Magic: 5
Rune:xxxxxx

"Equip mo yan." Saad ni Minka.

Ginawa 'ko ang sinabi niya, ayos din dahil tumaas ang HP 'ko at iba pang mga stats. Muli kaming nag lakad ni Minka at napahinto ng mayroon kaming makitang lagusan. Isa itong lagusan na kulay puti habang mayroon umiikot-ikot na mga itim na ilaw na mga bilog.

"Ano kaya 'yan?" Ani 'ko.

"Hmm, hindi 'ko rin alam. Ngayon 'ko lang 'to napansin, hindi 'ko matandaan na may ganyan ditong lagusan." Habang malalim na nag iisip si Minka.

"Ta-tara na, baka isang trap lang yan." Saad 'ko rito at mag lalakad na ng biglang hinila ni Minka ang kamay 'ko.

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan." Ani nito at agad akong hinatak kasama niya papasok sa lagusan.

Lumulutang kami sa puting lugar na mayroong itim na mga umiilaw habang hinihigop kami ng isang pwersa pababa. Sa pinakadulo kung saan ang pwersa nanggagaling ay may maitim na ilaw, unang pumasok si Minka sa ilaw na itim at sumunod ako at napapikit nalamang.

"Ilang oras mo balak pumikit dyan at umalis?"

Narinig 'ko ang boses ni Minka na sobrang lapit sa'kin. Unti-unti 'kong dinilat ang mata 'ko at tumambad sa harapan 'ko ang mukha ni Minka na sobrang lapit, napatingin naman ako pababa at agad nalang napatayo at iwas ng tingin dito.

"So-sorry, hindi ko sinasadya."

"Nasa isang isolated village tayo. Hindi 'ko alam na may ganitong place sa Zowa."

Napatingin naman ako sa paligid, tama nga si Minka. Sobrang usok dito at ang mga kabahayan ay sira-sira at kung hindi naman sira ay kulay itim ito ng dahil siguro sa apoy. Nag lakad kami ni Minka at nakita na mayroong mga tuyong mga dugo sa lupa at mga kalansay at mga abo.

"Tignan mo yung langit." Ani ni Minka.

Napatingin naman ako roon, at gumulat sa'kin ang itim at puting buwan. Magkahalo ang kulay nito, at kahit ang langit ay binabalot ng usok.

"Minka!" Sigaw 'ko.

Bigla kasi itong tumakbo papunta sa isang bahay at binuksan nito ang pinto. Tumakbo papasok ng bahay si Minka at pumunta sa isang matanda na unti-unting binubuksan ang iisa niyang mata. Nanghihina ito at ang kaniyang tiyan ay may nakasaksak na espada.

"Mga adventurer." Mahina nitong sabi.

Tinry 'ko itong gamitan ng restoration calm ngunit hindi umepekto. Sinabi naman ni Minka na wala talagang epekto ito dahil isa itong special quest at sigurado raw siya roon.

Quest available
save her

In-accept naman namin ni Minka 'yon. Nag fade muli ang paningin 'ko at unti-unti rin bumalik. Nakatayo ako kung saan kami nahulog ni Minka, at sa harapan 'ko ang maayos na village. Nagulat ako dahil ang ayos nito at walang mga usok, ang langit ay payapa at maganda ang sikat ng araw. Nag lakad ako papalapit sa village, may mga batang nag lalaro sa labas at ang mga matatanda ay nag wawalis ng paligid nila. Sa hindi kalayuan nag si yuko ang bawat tao ng makita ang babaeng nakasuot ng pula at puting damit na parang traditional dress. Sa kaniyang mga gilid naman ay may mga matatanda na nakabantay sakanya.

"Mahal naming shaman, ano ang maipaglilingkod namin sayo." Sabay-sabay na salita ng mga taong nakayuko rito.

"Narito ako upang sabihin sainyo ang masamang trahedyang mangyayari sa'ting maliit na pamilya ngayong araw." Saad ng babaeng tinatawag nilang shaman.

"Kahit ano pang trahedya 'yan basta't andyan ang mahal na shaman ay mananatili kami rito." Muling salita ng mga tao.

"Kapag kayo'y nanatili rito ay mamamatay kayo sa kamay ng masamang dragon na lumilipad papunta rito."

"Hangga't buhay ang mahal na shaman wala kaming kinatatakutan, kahit man ang kamatayan."

Ngumiti ang shaman ngunit may halong lungkot ang mga ito. Mga nasa kasing laki lang ito ni Demi ang aking kapatid at siguro kasing edad niya lang din. Nag lakad na papalayo ang shaman papunta sa isang bahay, dito yung matandang nakita namin ni Minka. Pumasok din ako roon, hindi sila tumitingin sa'kin at hindi nila ako nakikita. Napatingin ako ng biglang niyakap ng shaman ang matandang babae, yun yung matandang nag bigay ng quest sa'min ni Minka.

"Kailangan mo ng umalis dito." Biglang salita ng matanda.

"Hindi 'ko iiwan ang bayan 'ko." Sagot ng shaman.

"Wala tayong laban sa dragon, at mas magiging payapa ang lahat kung mananatiling buhay ka."

"Hindi 'ko iiwan ang aking pamilya, kahit man sa kamatayan." Sagot muli nito.

Hindi 'ko alam pero para bang nag fast forward ang lahat ng nangyari. Nakatayo na ako ngayon sa labas ng village na puro apoy ang bawat kabahayan at sa kalangitan nandoon ang napakalaking pulang dragon, ito'y bumubuga ng apoy habang sa kanyang isang kamay hawak-hawak ang shaman na umiiyak. Lahat ng taong nasunosunog ay nakangiti at ang dragon ay lumipad na palayo dala-dala ang umiiyak na shaman.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon