/DEMO/
Pinanood namin ni Minka at Daimin ang naging paghaharap ng mojiezuo legion at jinniuzuo legion sa legion battle nung sabado. Nanalo ang jinniuzuo dahil sa parehong namatay si Terra at Ore ng natamaan ang mga ito ng magma break ni Tenyu. Isang gamitan niya lang nito ay mabilis na naubos ang HP ng dalawa at agad na siya sumugod upang wasakin ang flag ng mojiezuo. Legion battle lang naman 'yon kaya ang 1st rank legion pa rin ay nasa mojiezuo. Sinabi naman ni Daimin na magaling sa pag gawa ng strategy si Tenyu kaya na korner niya ang dalawa, habang si Minka naman ay hindi na enjoy ang laban. Hindi katulad ng nag laban ang mojiezuo legion at chunuzuo legion ay ngumingisi siya at nag co-comment pa.
Ngayon hinaharap 'ko ang mas madugong laban, labanan ng utak. Oo, monday ngayon at araw ng test namin. Ang hirap talagang i-focus ng utak kapag maraming gumugulo rito. Hawak 'ko ngayon ang papel ng ospital na kung saan nakalagay ang 300 thousand, at ang pangalan ni Demi. Gusto 'ko talaga siya makita, gusto ko talaga malaman kung talagang ayos ba siya. Hindi ako mapakali hangga't hindi 'ko makikita sa mismong mga mata 'ko.
Mabuti nalang at ang mga nakalagay sa test ay mga mismong tinuro ng teacher namin, kaya hindi masyadong mahirap kahit na halo-halo ang iniisip 'ko ngayon. Bukas naman ang last na araw para sa test, salamat naman.
"A-ano demo!" Napahinto ako sa pag-aayos ng bag ng may nag salita sa gilid 'ko, si thea.
"Bakit?" Tanong 'ko rito.
"Ano kasi, ano... Wala!" Napataas ang boses niya at agad tumakbo palabas ng klase. Napabuntong hininga naman si Tanya at sinundan palabas si Thea.
Maya-maya bumalik si Tanya at may nilagay na box sa lamesa 'ko at tinuro-turo ang pinto ng room, tumanggo nalang ako at umalis na si Tanya. Tinignan 'ko yung box at may laman naman na cookies, mahilig talaga siyang mag bake. Tinago 'ko na 'to sa bag 'ko at nag lakad na.
Pupunta ba ako o hindi? Ang gulo ng utak 'ko, ang gulo. Maaga pa naman bago ang work 'ko, kaya may free time pa ako. Bahala na. Nag lakad na ako at sumakay ng jeep papunta sa ospital. Malaki 'tong ospital at mukhang private pa. Nag lakad na ako papasok sa loob at nag tanong-tanong na.
"Sorry sir pero wala talagang herrera, demi sa record namin."
"Paki-double check naman miss."
"Ilang check na nagawa 'ko sir pero wala talaga."
Bakit wala si Demi?
"Ito miss o, pakicheck naman ulit." Sabay bigay 'ko ng papel sa nurse. Binasa naman niya 'to.
"Pasensya na sir pero isang private paper 'to, kahit na ospital namin ang nakalagay dyan wala kaming alam kung sinong doctor yang nag check sa pasyente na yan. Kaya hindi ka namin matutulungan about jan." Paliwanag nito.
"Private paper? Ibig sabihin ba nyan tinatago niyo kapatid 'ko? Bakit!" Napadiin nalang ako sa kamao 'ko, hindi 'ko alam pero bakit lahat sila tinatago sa'kin si Demi!
"Sir hindi namin sa tinatago ang kapatid niyo. Wala kaming karapatang mangielam sa mga private doctor ng ospital na 'to, kaya wala akong maitutulong sa'yo."
"Anong wala? Dito ka nag tratrabaho, malamang may alam ka dyan! Wala akong pakialam sa private doctor o ano basta ipakita nyo sa'kin ang kapatid 'ko!"
Wala na akong pakialam kung ano man sabihin ng tao rito sa'kin, gagawin 'ko lahat makita lang na maayos si Demi. Wala akong pakialam sa mga private doctor na yan, ang gusto 'ko makita ang kapatid 'ko.
"Guard! Pakilabas na si sir. pag sinabi namin na hindi kami pwede makialam, hindi. Makakaalis ka na."
"Gusto 'kong makita si Demi! 'Wag niyong itago si Demi! Pakita niyo sa'kin kapatid 'ko!" Sigaw-sigaw 'ko habang hinihila ako palabas ng mga guard.
Demi...
Bakit, bakit ka nila tinatago sa'kin. Gusto 'ko lang naman makita ka, gusto 'ko lang kamustahin ka. Ano bang problema nila, bakit lahat nalang sila tinatago ka. Bakit lahat nalang sila tinataboy ako palayo sayo.
"Crybaby."
Napatingin ako sa nakatayong tao sa harapan 'ko at dahil ang mata 'ko ay punong puno ng tubig kaya pinunasan 'ko 'to at nakita siya ng malinaw.
"Michaella." Mahina 'kong sabi.
"Anong ginagawa mo dyan at umiiyak?" Tanong nito.
"Wala." Sagot 'ko at yumuko na muli.
"Liar." Sabi nito at pumasok na sa loob ng ospital.
Hindi 'ko nalang 'to pinansin. Magulo pa rin ang isip 'ko, sobrang gulo. Hindi ko alam kung anong araw o oras lulutang si nanay sa bahay, kaya hindi ko alam kung kailan ko malalaman dahilan niya. O, baka kahit ito walang sabihin sakin na matinong sagot.
"Hoy, hindi 'ko alam kung anong problema mo about sa ospital na 'to. Pero pag sinabi nila na about sa private doctor. Never involved yourself to them."
"Anong ibig mo'ng sabihin?"
Napatayo ako sa sinabi ni Michaella, ito naman ay napahinto sa kaniyang paglalakad ng nag salita ako.
"Kapag sinabi 'kong 'wag, 'wag!" Sigaw nito at tumingin ng masama sa'kin.
"Pero kapatid 'ko ang issue rito, hindi 'ko naman pwedeng pabayaan nalang si Demi--."
"Shut up."
Pumasok na 'to sa itim na kotse at umalis na. Hindi 'ko talaga maintindihan silang lahat, ano bang mayroon sa private doctor na yan. Masyado ba silang makapangyarihan at hindi ako pwede mangialam dahil mahirap lang ako. Papabayaan 'ko nalang ba ang kapatid 'ko sa taong hindi 'ko alam kung ginagamot ba talaga ang sakit ni Demi.
"Demo."
"Ba-bakit?" Mahina 'kong sabi kay Kycee.
"Your spacing out. Ayos ka lang ba?" Pag-aalala nito.
"Ayos lang ako." Ngumiti nalang ako ng bahagya.
"Don't force yourself to smile."
"Sorry." Sabi ko at yumuko na muli.
Demi...
Kahit anong mangyari aalamin ni kuya kung ayos ka lang. Aalamin 'ko kung nasaan ka, kahit ano pang dahilan na sabihin nila hahanapin kita. Hintayin mo ako.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Fiksi Ilmiah[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...