071: Element/Fusion/Ability

2.4K 100 6
                                    

"Huh!? Anong sinasabi mo! Sa lahat ng nangyari, magsisimula sa una? Seryoso ka!?" Sigaw dito ni Laylin. Kita sa mukha nito ang pagaalala.

"Of course... Not. Ito lamang ang buwan na pwede natin mapasok ang kabilang mundo-- aray! Lay liit wag mo akong sakalin. Masakit!" Patuloy itong sinasakal ni Laylin.

"Pwede ba huwag mo akong pinagloloko! Ito yung nakakainis sa personalidad mo!" Kumalma na si Laylin at binitawan na ang leeg ni Nikko.

"Haha, hindi ka pa ba sanay." Tutok muli ang paninggin nito sa monitor.

Ang lugar ay muling napuno ng usok. Nagulat si Laylin ng makita ang duguang sila Demo, Minka, Kite at Clay na nakahandusay sa lapag.

"A-anong nangyari? Paano ito?" Ang mukha nito'y gulat pa rin.

"Well, ang malakas na pwersang iyon ay wala talagang makakaligtas. Hmmm." Ngumisi bigla si Nikko.

Sa pagkawala ng usok sa lugar, may puting ilaw ang lumulutang sa ere. Pakpak iyon ng isang anghel. Patuloy ito sa kaniyang pagsasalita. Habang ang dalawang palad ay magkadikit. Sa patuloy nitong pagsasalita ang katawan ng apat na nakahandusay sa lupa ay umiilaw.

"Resurrection!" Patuloy ng umilaw ng malakas ang katawan ng mga ito at muling nabuhay.

Nawala na ang pakpak ni Daimin at dahil sa pagkaubos ng mana points nito ay hindi na niya magalaw ang katawan at tuluyan ng nahulog.

"Magpahingga ka muna." Salita ni Kite sa pagsapo niya sa katawan ni Daimin. Dahan-dahan nito inupo si Daimin sa pader na bato. at gumamit siya ng rock wall para hindi matamaan doon si Daimin.

"For our counter attack!" Sigaw ng apat.

Mabilis na tumakbo sina Minka at Kite at pumunta sa kabilang gawi kung nasaan ang likod ni Virudhaka. Habang si Clay at Demo naman ay nanatili sa harap nito.

"Locked chain spell activate!" Sampung papel ang hinagis ni Clay sa katawan ni Virudhaka. Malalaking kadena ang pumulupot sa buo nitong katawan. Ang mga kamay, mga paa, baywang at leeg ay nakapulopot sa kadena para hindi ito makagalaw.

"Fusion spell activate!" Sigaw ng apat. Umilaw ang hawak na papel nina Minka at Clay. May enerhiyang bumalot kina Minka at Kite at kina Clay at Demo gawa ng papel na kanilang inaktibo.

Habang hindi pa natatanggal ni Virudhaka ang mga kadena ay sinimulan na ng apat na mag enchant ng skill. Nagpakawala na ng malakas na pwersa si Virudhaka na siyang dahilan sa pagiging abo ng mga kadena.

"Thunderstorm!" Malaking itim na hanggin na napapalibutan ng kidlat ang lumabas.

"Magma blaster!" Ang dalawang spear ni Clay ay napalibutan ng nagbabagang apoy na nagpahaba sa spear ni Clay.

Binato ni Clay ang dalawa niyang spear sa ginawang thunderstorm ni Demo. Ang itim na buhawi ay naging pula na may kidlat na nakapaikot dito.

"THUNDERBLASTER!" Sigaw ng dalawa.

"Tidal wave!" Sa paghiwa ni Minka gamit ang kaniyang blade ay lumabas ang malaking tubig na akala mo'y tsunami.

"Hellfire dual-slash!" Itim na apoy ang humalo sa tidal wave na ginawa ni Minka.

"HELLFIRE TSUNAMI!" Sigaw ng dalawa.

Sabay itong tumama kay Virudhaka. Ang katawan nito'y patuloy na natunaw dahil sa kagagawan ng apoy. Ang metal ay natutunaw sa apoy. Dahil din isinama ito sa iba pang elemento mas lumakas ang pwersa nito. Kahit ang bato kung nasaan nakatayo si Virudhaka ay natutunaw at sa pagtunaw nito nahulog ang batong iyon. Nagkaroon ng malaking butas iyon. Para silang nasa planeta dahil bumulaga sakanila ay puro tala at madilim na langit.

Unti-unti na naglaho ang lugar at sa kulay puting silid sila nakatayo. Sa gilid non may salamin, ang salamin na kasingtulad ng pinasukan nila kanina. Dahil nanghihina pa rin ang katawan ni Daimin. Binuhat ito ni Demo at sila na'y pumasok sa salamin.  Muli bumalik sila sa silid kung nasaan ang fountain. Inupo niya malapit doon si Daimin at pinainom ito ng tubig upang mapuno ang mana points nito. Nabasag ang salamin at lumitaw ang transparent na bato.

"Congratulations. Natapos niyo ang ikalawang pagsubok. Ikaw ang star ng pagsubok na ito. Ang galing mo Daimin. Ang galing." Rinig nila ang pagpalakpak nito.

"Hindi ako natutuwang mapuri mo, kaya pwede tigilan mo. Dahil sa tono pa lang ng boses mo, naiinis na ako na naka ngisi ka habang nagsasalita ngayon." Irita na sinabi ni Daimin.

"Ah, so cold. Kailangan mo talaga kumain ng matatamis. Nikka, naririnig ko ang iyong iniisip. Nagtataka ka kung bakit hindi nakakaramdam ng anuman si Daimin tuwing sa hinahawakan niya ito. Pero ikaw, nakakaramdam ka ng pagkaakit dito? Tama ba?" Tumanggo si Minka bilang sagot.

"Eh? Akit?" Pagtataka ni Demo.

"Yung nabangga mo ako nung una tayo magkita, nakaramdam ako ng kung ano man na hindi ko pa nun naintindihan. Kaya inimbita kita sa isang grupo para malaman kung ano iyon. Yung pangalawang beses. Sa kuweba ng sirena, yung hinawakan mo kamay ko dahil muntik na akong mahulog. Dun mas lumakas yung epekto. Yung tumatakbo tayo sa kuweba na iyon dahil may humahabol na bato sa'tin. Mas bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Nangyayari lamang iyon tuwing nadidikit ako sayo. Akala ko dahil din nadidikitan ka ni Daimin kaya sinabi niya na gusto ka niya sa mt.Astral. Kaya hindi ko rin pinapahawak si Laylin sayo noon at baka malito siya dahil naakit siya sayo. Kahit kay Clay, baka magustuhan ka niya--"

"Hahahahahahahhahahahahahaaaa, ehem." Natigil sa pagsasalita si Minka dahil sa malakas na pagtawa ni Nikko.

"Hindi kaya dahil yun sa ability na attraction?" Ani Demo.

"Siguro nga." Saad naman ni Minka. Muli lumapit si Daimin kay Demo.

"Nagkakamali ka. Kahit anong gawin kong hawak kay kuya wala naman nangyayari. Kahit si Kite, wala rin nararamdaman na ganun." Ani Daimin.

"Huwag ka magalala Nikka. Sayo lang gumagana ang ability ni Demo na attraction. Kaya kahit may dumikit sa kaniya na iba, wala itong mararamdaman kagaya ng nangyari sayo. Ginawa ko talaga yun para mahanap mo ang susi. Dahil alam ko na kapag may nalaman ka na kakaiba gagawin mo ang lahat para malaman kung bakit. Pero, tama pa rin ang iyong desisyon na huwag ipahawak si Demo sa ibang legions. Dahil mas malala pa ang mangyayari." Pananakot ni Nikko.

"Ano ba meron kapag hinawakan ako ng ibang legions?" Tanong ni Demo rito.

"Hmm. Fine. Daimin ihanda mo ang heal o resurrection. Hawakan mo si Demo, Clay." Utos ni Nikko.

Nagaalanganin si Clay na gawin ito pero sa huli ginawa niya rin ang sinabi ni Nikko. Hahawakan niya sana ito, pero sa pagdikit pa lang ng kaniyang palad sa palad ng kamay ni Demo,

"GWAAAAAAH--" Sigaw ni Clay at ang kaniyang buhay ay mabilis na bumabawas. Si Daimin patuloy ang mabilis na pagheal dito. Agad ng hinila ni Minka ang kamay ni Clay. Napaluhod ito sa sahig.

"W-what the hell was that!?" Pilit na sigaw ni Clay at unti-unti na tumayo.

"Nymphs ability, absorption. Gumagana ang ability na iyon tuwing mahahawakan ang palad ni Demo o hahawakan niya ang isang tao gamit ang kaniyang palad. Sa ka-legion niya lamang ito hindi umaaktibo. Nymphs is my own creation ability, kaya wala nito sa pagpipilian ng mga newbie sa Zowan. Now, you understand how dangerous if you try to touch his palm."

Hindi makapaniwala ang mga ito sa sinabi ni Nikko. Hindi nila akalain na may ganun klaseng ability si Demo. Si Minka hindi na nagulat dahil alam na niya ito nung sa tower of harpy pa lamang. Ngayon papasok na sila sa west kung nasaan ang salamin. Ang pangatlong pagsubok. Ang bumulaga sakanila ay ang gubat na makulay at puno ng iba't ibang klase na ahas... 

°°°

Next chapter: Forest/Of/Snake

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon