044: Hunter/Forest

4.9K 187 8
                                    

/------/

Hunter forest /East part/

May limang player sa iisang grupo, mga kulay dilaw ang name bar. Nasa itaas ng puno ang mga 'to, nakita nila ang kulay kahel na ilaw sa gitnang bahagi ng kagubatan.

"Nakita nyo 'yon may mga nag respawn sa central part." Sambit ng nakangising si Kenny.

"Sa tingin mo? Mukha ba kaming bulag." Bulalas na sagot ni Pamsey.

"Huh, may sinasabi ka ba poknat?" Salita ni Kenny habang naka troll face.

"Tigilan mo 'ko sa mukhang yan, nakakasuka." Ani naman ni Pamsey habang kunwaring nasusuka-suka.

"Mahiya naman kayo sa mga single." Walang emosyong sinabi ni Earl.

"Huh, as if magkakagusto ako sa poknat na yan never!" Madiri-diring mungkahi ni Kenny.

"Wow, as in wow. Ikaw pa talaga diring diri goblin face!"

Umilaw ang kamay ni Pamsey at naglabas ng blade, pasugod na 'to ng agad may pumulupot na ugat sa kanyang katawan na nag pahinto sa kanyang pag galaw.

"Papunta na sila sa gawing 'to." Saad ni Vivian.

Ilinabas ni Kenny ang kanya sword at shield nagpalit din 'to ng armor at headgear. Si Earl naman ay linabas ang kanyang axe habang si Marco ay inilabas ang kanyang gauntlet.

"Nature bless." Nagkaroon sila ng aura sa buong katawan na kulay berde at dumagdag ang magic at power nila ng 1000.

"Guard rise." Umilaw ng kulay puti ang kanilang buong katawan ngunit nawala rin naman, dumagdag ang kanilang depensa ng 500.

"Vigor seed." Huling buffs na ginamit ni Vivian. May mga maliit na buto ang pumunta sa kanilang uluhan at nag labas ng pulang aura sa uluhan, tumaas ang kanilang damage ng 500.

Hunter forest /Central part/

"May mga tao sa east part, mga nasa lima na high level." Saad ni Kite habang nakapikit at pinakikingan ang paligid. Ginamit nito ang kanyang wolves ability na sobrang lakas ng six senses.

"Ok, lets go." Ani ni Minka ng bigla 'to pinigil ni Kite.

"Huh, hindi ba sinabi mo na iiwasan natin ang PK?"

"Oh, pero wala pa tayo sa tiger cave. Mga nasa hunter forest hindi mga bigatin at kailangan din humabol ni Demo ng level kaya mas mapapabilis sya kung kakalaban tayo ng high level na player." Paliwanag ni Minka.

"Nag bibigay din ng exp ang mga mapapatay mo na player?" Tanong naman ni Demo.

"Yeah, mas malaki kaysa sa mga normal boss tower o dungeon sa mesophian. Pero kapag namatay ka naman mas malaki rin ang deduct sayong experience." Paliwanag naman ni Kite rito.

"Pwede rin tayo makakuha ng equipment o item na malalaglag sakanila kapag namatay sila." Halata sa mukha ni Minka ang pagka excite.

"Sa mesophian continent kahit mamatay ka walang malalaglag na gamit sayo, pero sa ibang continent malalaglagan ka ng gamit kapag napatay ka ng player o mobs. Kaya karamihan sa mga sumasabak dito hindi nag dadala ng importanteng items." Paliwanag ni Kite 'kay Demo at Daimin habang tumatakbo sila papunta sa east part.

Huminto sila bago makalapit sa mga kalaban at nag buffs upang mapataas ang attributes.

"Archangel bless." Nagkaroon sila ng hallo sa ulo at nadagdagan nito ang HP at MP ng 3000 na nasa ten minutes ang time limit.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon