007: Terra/Thea/Chocolate

8.5K 319 6
                                    


Napansin naman agad ni Demo ang papel sa lamesa at agad nya 'to na binasa. Isang sulat galing sa kanyang ina.

Huwag kang magalala at mag focus ka lamang sa iyong pag-aaral, maayos ayos naman ang kalagayan ni Demi.

Ngunit, hindi pa rin maialis ng binata ang magalala sa kanyang nakababatang kapatid. Simula ng dinala ito sa hospital hindi na 'to nakita ni Demo. Hanggat hindi nya nakikita na talagang maayos ang kapatid ay hindi 'to titigil sa pagalala. Mahal na mahal nya ang batang kapatid dahil sobra itong lambing sa kanya.

Habang naglalakad ito papasok sa kanyang trabaho, napahinto ito sa appliances shop. Dahil sobrang daming tao rito ang nagkukumpulan. Na akala mo'y may artistang nagmomodel doon. Katulad ng mga tao na nandoon, nakuha rin nito ang interest ng binata. Ito'y morning buzz isang news sa television, kung saan iniinterview ang mga sikat na artista o mga kilalang tao.

"Salamat sa pag dalo mo sa'ming show ms. Terra Pastines."

"Nag papasalamat din ako at nainbitahan ako rito." Ngiti nitong sambit.

"Anong maibibigay mo na payo sa mga player ng zodiac war online, at sa mga gusto rin na mapunta sa rank."

"Uhm, first of all syempre dapat friendly ka para marami kang maging kilala or mag help sayo for being a newbie at syempre sa pag fafarm ng mga equips or anything na need mo sa laro, ay may kasama ka kaya need mo talaga maging sociable at hindi mag sungit or what. At sa mga high level be good sa mga newbie dahil pinagdaanan din natin 'yan. Sa mga gusto naman na mapunta in rank, you need to do your best of course and happy playing." Ngiti muli nito at kaway.

"Talaga namang napakabait ni Ms. terra ng mojiezuo legion. Balita 'ko ay may sabi-sabi na ang dapat daw na nasa 1st rank ay si Tenyu ng jinniuzuo anong masasabi mo sa kumakalat na balitang ito?"

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon