Extra chapter: Althea

4.8K 177 8
                                    

/ALTHEA/

••••••
QUEST:
- Yellow dust 10/10
- Red dust 10/10
- Green dust 10/10
- Blue dust 5/10

REWARD:
- 100000000 exp
- Platinum 5x
••••••

Tower of Belladonna /Eight floor/

Floor mobs: Blue bell
Level: 70
Elements: Water
Ability: Reflect

"Ang tagal mag respawn." Walang ganang sambit ni Tanya habang naka upo sa flat na bato na nakalumbaba.

"Nakapatay na tayo ng isang daan na blue bell pero tig lima pa lang nakuha nating uncommon item. Ang common item naman na blue wings ay naka trenta na ako." Mungkahi 'ko

"Hays, gusto 'ko ng matapos 'to bago pa 'man may mga dumating na sawsaw sa loots-- ah!!"

Napatayo 'to bigla ng may nag respawn na blue bell, at bago pa 'man gumamit ang blue bell ng reflect na hiwa na 'to ni Tanya ng kanyang quick slash.

••••••
Item drop:
- Blue dust 1x
- Blue wings 1x
••••••

Naka sais na 'ko, apat nalang at makakapag off na rin ako. Lumipas ang dalawang oras na kompleto na namin ni Tanya ang collect quest at pinasa 'to nag level kami dahil sa taas ng exp point na bigay at nag off na rin para kumain.

Bumaba na ako at tinulunggan si mama mag handa ng tanghalian.

"Ang aga aga nasa laro ka nanaman Althea." Sinabi ni mama, hindi naman 'to galit.

"Ma nasaan si Mira?" Tanong 'ko dahil umakyat ako sa taas upang tawagin 'to pero wala sya sa kwarto nya.

"Lumabas kanina pa nga e, hindi pa nabalik." Ani mama, habang sinusubukang tawagan ang cellphone ni Mira.

Hindi naman sumasagot kaya nauna na kaming kumain ni mama. Mga alas dos na ng umuwi si Mira habang si mama may pinuntahan at ako lang ang tao sa salas na nanonood ng T.V.

"Sino nanaman yang kasama mo." Hinila 'ko si Mira at binulong 'to sakanya.

"Pwede ba ate tigilan mo yung pag make face ng ganyan, napaghahalataan ka na bitter--ouch!" Pinisil 'ko ng malakas ang dalawang pisngi nito.

"Ouch tama na! Sino pa ba edi boyfriend 'ko."

"Huh? Parang nung isang linggo lang chinito yung dinala mo ano yan bago nanaman?" Gulat 'ko.

"Ganyan talaga ate, may umaalis at may dumadating. Ouch! Ano ba!" Pinisil 'ko muli pisngi nitong babaitang 'to.

"Hindi 'ko alam kung ano ba yang nasa kukote mo pero Almira, katorse ka pa lang ibig sabihin neneng ka pa! Tas kung sino-sino na dinadala mo rito."

"Wala naman kaming ginagawang masama, tsaka nandito lang kami sa salas nag uusap gusto mo join ka pa samin para sure ka?" Kinutusan 'ko nga.

"Nakakailan ka na hah, ikaw nga 'tong inaaya dahil masyado kang bitter. Hmp, kaya walang nanliligaw sayo." Yung huli nyang sinabi kahit na hininaan nya narinig 'ko pa rin yun kaya tinitigan 'ko to ng masama at nag sorry din naman.

Umakyat na 'ko sa kwarto 'ko at hinayaan silang dalawa dyan, as if naman na gusto 'ko silang pag masdan dalawa tch. Tinawagan 'ko si Tanya at pinapunta rito dahil wala akong makausap.

"Kasi naman kung umaamin ka na 'kay Demo edi sana hindi ka na inaasar ni Mira ng bitter."

Sana pala hindi 'ko nalang tinawagan 'to at kung ano-ano rin ang nasa kukote.

"Wala naman dapat aminin." Sinabi 'ko rito.

Tsaka kahit umamin ako hindi rin naman ako magugustuhan nun, panigurado naiinis pa sa'kin yun o kaya tingin nito sakin maarte dahil sa ginagawa 'ko sakanya noon.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon