065: His/Side

4K 168 14
                                    

Ang mga taong lulong sa kanilang pagkasakim ang nakapaglantad sa kasalanan ng isang matalinong siyentista. Ito ang matataas na tao sa likod ng ngalan ng isang korporasyon, ang unang nakagawa ng virtual gear upang makapasok sa isang virtual world. Ang global corp.

Katulad ng matalinong siyentista na gumawa ng larong ALink at nagawang ipasok ang diwa ng mga tao. Ginamit din siya ng mga tao sa global corp, ngunit dahil sa palpak na imbensiyon nito natuon ang galit ng lahat sa lalaking ito.

Iginugol nito ang kanyang panahon at oras sa paggawa ng virtual gear, at ng kanya itong matapos gusto niyang subukan ngunit may isang dalagang lumapit dito at nagmakaawang subukan ang gear.

Tagumpay ang unang pagsubok. Nakapasok ang diwa ng dalaga sa loob ng laro. Sinabihan siya ng lalaki na lumabas agad ngunit, hindi niya iyon sinunod at nagpatuloy sa pag-aaliw sa loob. Hanggang sa may na buhay itong isang virus kung kanilang tawagin. Dahil sa nangyari agad nagbalak ang dalaga na lumabas sa laro, ngunit kahit anong kanyang gawin ay hindi na siya muli pang makalabas.

Sa isang monitor kung saan nakikita ng may edad na lalaki ang babae, wala itong nagawa kundi umiyak ng umiyak. Araw-araw nitong pinagmamasdan ang monitor na iyon at pinanunuod ang babae na mag-isang naglalakbay sa mundong iyon.

Dahil sa kanyang pagkaawa sa babae, hindi ito nagdalawang isip na i-send ang patch game ng ALink sa mga old player ng larong ito na na shut down upang gawing isang VRMMORPG. Tagumpay niyang na i-dala ang mga player ng pilipinas doon, masaya itong makitang hindi na nag iisa ang anak sa mundong 'yon.

°°°

Dahil sa patuloy na pagkairita ni Laylin sa mga sinasabi ni Minka, muling sumagi sa isip ni Demo ang kaniyang gustong sabihin sa lalaking nagngangalan na Nikko.

"A-ano hindi ko maintindihan kung bakit nila ako tinatawag na portunus, kung sakali 'man mayroon ka rin ba kinalaman sa ngalan na 'yon?" Tanong ni Demo.

Napatigil si Laylin sa pangungulit at tuminggin sa gawi ni Demo.

"Tama yan, tanungin mo siya. Katulad ng iyong hula, may kinalaman nga siya sa ngalan na aming tawag sa iyo."  Ngumisi si Laylin at tuminggin naman sa nakatayong si Nikko, na nakatinggin din sakanya.

"I see, sinabi pala sayo ni Cassey ang tungkol doon Lay liit." Bumalik ito sa pagkakaupo at tuminggin kay Demo. "Ikaw ang susi sa lahat ng ito. Katulad ng paghahanap ni Minka ng kasagutan sa pagkawala ko at ang paghahanap ni Laylin sa taong kanyang kinamumuhian. Ikaw ang sagot sa mga yon kung paano nila muli ako makikita."

"Eh? P-pero anong kinalaman ko tungkol doon, hindi nga kita kilala o nakita kahit isang beses." Pagtataka nito.

"Well, hindi naman dapat ikaw ang nasa katayuang iyan. Dahil sa pangyayari kaya ikaw ang nakatayo bilang isang adventurer. Pero dahil sa nangyari mas maganda ang naging resulta." Paliwanag ni Nikko habang nakangiti.

"H-hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, anong ibig sabihin mo na hindi dapat ako ang nasa katayuang ito? Anong kinalaman ng pagiging adventurer ko?"

Kahit sila Laylin nakinig ng taimtim, at nalito sa pinahihiwatig ni Nikko hindi lang siya kundi pati si Kite at Minko. Habang si Minka naman ay mayroon napagtanto sa sinabing iyon ni Nikko.

"Ibig sabihin siya ang sinasabi mo na baguhan na pwede kong magamit? Sa una hindi ko talaga naintindihan ang iyong pinaparating, kaya kung sino nalamang ang nakita ko noon ay agad kong inimbita sa grupo." Tanong at paliwanag naman ni Minka.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon