046: Promise/And/Trust

4.2K 166 9
                                    

/------/

Napatinggin naman si Minka sa gawi kung saan mabilis na tumatakbo si Kite na hatak-hatak si Demo. Hindi alam ni Minka kung anong gagawin nito, kung aalis ba sya o mananatili roon. Nang nakarating si Demo at Kite sa harapan ni Minka ay hinabol muna ng dalawa ang kanilang pag hinga bago sinabi ni Kite 'kay Minka ang tungkol sa book of menshen.

"BOOK OF MENSHEN!" Nagulat si Demo dahil sa pag sigaw ni Minka at lapit ng mukha nito sa mukha ni Demo. Napaatras ng kaunti si Demo ngunit patuloy ang pag lapit ni Minka ng kanyang mukha habang may makikinang na mga mata.

"A-ano Minka ang lapit mo masyado." Mahiya-hiyang sinabi ni Demo na sobrang hina. Hindi 'to narinig ni Minka dahil sa pagka excite nito about sa libro.

"Patingin nga." Sabi ni Minka.

In-open ni Demo ang holographic screen nya sa inventory, ngunit hindi 'to mapakali dahil sa sobrang lapit ni Minka sa kanya at naka dikit pa ang kanyang braso sa braso ni Minka.

Habang nakatinggin si Minka sa inventory ni Demo ay mayroon pang isang gamit ang hindi inaasahan ni Minka na makita rito.

"Totoong book of menshen nga 'to! Saan mo nabili." Tanong ni Minka.

"A, eh doon sa slum area sa matand--aaaahh saglit!"

Biglang hinatak ni Minka si Demo patakbo sila sa slum area, sumunod naman si Kite sa dalawa. Pumunta sila sa lugar kung saan nakita ni Demo ang matanda ngunit wala na 'to rito.

"Totoo sinasabi 'ko, dyan 'ko sya nakita nakaupo pa nga tas binigyan 'ko pa sya ng dried jujube." Paliwanag ni Demo.

"Ang swerte mo." Napatingin si Demo 'kay Minka ng nag salita 'to.

"A-ano Minka, kung gusto mo bibigay 'ko nalang sayo 'to. Ano, marami ka na tulong sakin kaya isipin mo nalang na regalo ng pagpapasalamat 'ko sayo." Inabot ni Demo 'kay Minka ang book of menshen.

"Hindi 'ko matatangap yan." Seryosong sinabi ni Minka habang nakatingin 'kay Demo.

"Ba-bakit?" Pagtataka naman ni Demo.

"Book of menshen is an X-trade item." Napatingin si Demo ng nag salita si Kite.

Lumapit si Kite 'kay Demo at hahawakan ang libro ngunit tumagos lamang ang kamay nito rito. Nagulat si Demo sa nangyari at pinaliwanag naman ni Kite kung bakit.

Ang x-trade na item ay hindi mo maipapasa sa iba pa na player kaya kung sino 'man ang nakakuha nito ay sya lamang ang pupwedeng humawak o gumamit.

Ang book of menshen ang libro na parang isang magic circle portal na kung ano 'man ang isulat mo na lugar sa isang pahina at pinilas 'to ay matratransfer ka sa lugar na 'yon, ngunit may katagalan lamang ang pag cast ng magic portal na 'to kaya mas maganda 'to gamitin sa isang safe area na walang mga mobs. Walang ni isang player ang nakakaalam kung saan 'to nakukuha o kung totoo ba 'to na nag eexist sa Zowan, pero ang sabi-sabi ay may isa ng player ang gumagamit ng book of menshen kung sino 'man 'to ay hindi alam ng lahat.

Hindi alam ni Demo ang kanyang isasagot dahil akala nya isa 'tong skill book katulad ng sabi ng matandang nag bigay sakanya nito.

Nagpaalam muna si Kite at sinabing susundan nya kung nasaan sila Daimin naiwang nakaupo si Minka at Demo sa bench kung nasaan sila kanina.

"Ano Minka, bakit gusto mo makakuha ng book of menshen?" Pag basag katahimikan na tanong ni Demo.

"Natatandaan mo ba yung sinabi 'ko 'kay Kite sa legions war, yung Mt.astral. Hindi 'ko alam kung saan hanapin 'yon, kaya kung gagamit 'man ako ng book of menshen walang hirap ako makakapunta sa lugar na yun. Para malaman ang nangyari sa account na Minko."

"Ayos lang ba sayo kung kasama mo 'ko pumunta roon."

Napatinggin si Minka 'kay Demo dahil sa sinabi nito.

"A-ano kasi hindi ba, ako lang pwede gumamit ng book of menshen ka-kaya kapag dinala kita sa Mt.astral gamit 'yon paniguradong kasama ako." Utal-utal na paliwanag ni Demo.

"Yeah, pero kada pages ng book of menshen mahalaga. Ayos lang ba sayo?"

"Eh, wala naman akong kailangan puntahan o pag gamitan nito. Kung pwede nga lang gusto ko rin ibigay sayo to, kaya kapag may gusto 'ka na puntahan gamit 'to sabihin mo lang sakin." Sabi ni Demo at ngumiti 'to 'kay Minka. Agad naman umiwas tingin si Minka at nag salita.

"Thanks."

"Pagkuha natin ng hell blade mo puntahan natin yung Mt.astral na gusto mo puntahan."

••••••

Sa loob ng blacksmith kung nasaan si Chelo, Laylin at Daimin. Pinanonood nila ang ginagawa ng blacksmith sa pag forge sa staff ni Daimin. Maya-maya dumating si Kite roon na seryoso ang itsura ng mukha lumapit 'to sa pwesto ni Laylin at Chelo. Dahil pumunta si Daimin doon malapit sa smith at pinanood 'to ng malapitan dahil sa pagka mangha nito.

Sa waiting area nakaupo si Kite, Chelo at Laylin, nasa gitna ng dalawa si Chelo ng nag salita si Laylin.

"Nagaalala ka ba sakanya?" Sabay turo ni Laylin 'kay Daimin.

"Oo naman, sino ba na hindi magaalala kung ang kasama nya e hindi katiwa-tiwala." Tinignan ni Kite ng seryoso si Laylin.

"Why, nasa isang party tayo ngayon hindi ba't maganda kung mag kakasundo ang lahat? Look at you, mukha kang tigre kung tuminggin sa isang kawawang rabbit na 'to."Turo ni Laylin sa kanyang sarili habang nakangisi ang mga labi.

"Minsan ang isang kawawang nilalang pa ang mapanlinlang sa lahat." Ngumisi rin si Kite ng kanya 'tong sabihin.

"Eheh heh, mister tama ka dyan na hindi pagkatiwalaan ang mga katulad naming stranger. Kaya kahit na hindi mo pagkatiwalaan si Chelo, ayos lang 'kay Chelo yun. Minsan talaga mahirap mag tiwala sa taong hindi mo alam kung kakampi nga ba o kalaban. Kaya sa party na to kahit isa walang pinagkakatiwalaan si Chelo." Ngumiti 'to habang sa harapan pa rin ang tingin.

Natahimik naman si Laylin at Kite sa sinabing 'yon ni Chelo. Nang matapos na ang pag forge sa staff ni Daimin ay bumalik na sila sa pwesto ni Minka at Demo at pumunta si sa loob ng pub upang kumuha ng quest.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon