008: Geist/Dark/Aura

8.2K 321 14
                                    

/DEMO/

Sa pagmulat ni Demo ng kanyang mga mata, tumambad ang kulay rosas na kisame at ang matamis na amoy. Bumangon ito at nagmasid-masid sa paligid. Nasa isang kwarto sya na sa unang tingin pa lang ay alam mo ng pagmamayari ito ng isang babae. Puno ng teddy bear ang sulok-sulok at gamit pang babae.

"Nasaan ako?" Mahinang sabi ni Demo habang hinihimas ang kanyang noo.

Agad naman nito naalala ang pangyayari bago sya nawala ng malay. Nagalala ito bigla sa babae na tumulong sakanya, kung ano na ba ang nangyari rito.

Sumagi rin sa isip ni Demo ang pangako nya kay Minka. Hindi sya sumipot sa usapan nila. Feeling nito na inalis na sya ni Minka sa party at humanap ng bagong makakasama. Buntong hininga ni Demo.

"Pagnagkita kami nalang ako hihingi ng tawad. Kung magkikita pa." Malungkot na bulong ni Demo.

BAMM--

"Giseng ka na pala."

Napatingin si Demo sa babaeng nagsalita bandang pintuan.

"Ayos ka lang ba? Sorry a, hindi kita natulungan kagabi." Paghingi ng pasensya ni Demo rito at kita mo sa kanyang itsura ang pagaalala.

"Hindi 'ko kailangan, at kung maayos na likod mo makakauwi ka na." Sagot naman nito kay Demo.

Tumayo na si Demo at napahawak sa kanyang likuran, dahil bigla itong kumirot. Ngayon lang din nya napansin ang bandage na nakatapal sakanya likuran.

"Salamat."

Pagkasabi ni Demo nito umalis na sya at naglakad pauwi. Dahil medyo may kalapitan lang ito sa kanyang tinitirahan kaya linakad nya na lang ito. Dinatnan nya ang kanyang inay na nakaupo sa silya sa kanyang pagpasok ng bahay.

"Nay." Tawag ni Demo rito at agad lumapit upang mag mano.

"Bakit hindi ka umuwi ng bahay?" Galit nitong tinig ngunit hindi niya tinaas ang kanyang boses.

"Pasensya na po, may kinailangan lang ako gawin." Sagot naman dito ni Demo.

Sinabi naman ng inay ni Demo na kumuha lang sya ng damit para sa kapatid nito. Umalis din ito agad para bumalik kung saan naka stay si Demi. Dahil walang klase ay naglinis lamang ito ng bahay. Sa kanyang pagtapos agad naman sya pumunta ng kanyang kwarto upang maglaro ng Zowan.

Cominciare.

"You're late."

Napatingin si Demo sa nagsalita. Nakatayo si Minka at nakasandal sa bato. Hindi alam ni Demo pero agad sya napangiti ng kanya itong makita.

"Sorry, sorry talaga hindi ako nakapag laro kagabi dahil--."

"You don't need to. Tara na at wala na tayong oras." Sabi ni Minka at nag lakad na papalayo.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Demo kay Minka, habang kanya itong sinusundan sa paglakad.

"Sa boss sa 5th floor." Mabilis ni Minka na sagot dito.

"E, boss! Pero mababa pa lang level natin dalawa."

"Ayos lang yan, nasa level 10 lang naman yung boss dito."

Sumangayon naman dito si Demo. Habang naglalakad ay nagaayos naman si Demo ng kanyang Skill. Pagkatapos nya i-set ito ay nagmasid na sya sa paligid, tulad ng ginagawa ni Minka. Nagtaka si Demo dahil malayo-layo na ang kanilang nalakbay ngunit wala ni-isang kalaban ang sumusulpot. Sa hindi kalayuan narating nila ang malaking pintuan sa 5th floor ng tower.

"Ito na yung boss floor." Sabi ni Minka at katulad ng ginawa niya sa pag bukas ng pintuan sa 1st floor ay idinikit niya muli ang kanyang palad sa hugis kamay sa pintuan at unti-unti itong bumukas habang may mga usok na lumalabas.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon