017: Special/Map/Red/Forest

6.4K 262 1
                                    

/DEMO/

Maayos at maganda naman ang naging giseng 'ko at hindi ako inaantok sa klase. Mabuti naman at makakapag focus ako sa lesson ngayong araw, at dahil palapit na rin ang aming test kaya talagang kailangan mag focus sa bawat lesson. Ayoko naman maging mabababa ang grades lalo't na at grade 10th na ako, ibig sabihin nasa 4th year na ako. Pero dahil sa dinagdagan nila ng 2 years ay hanggang grade 12 pa bago gumraduate, at makatungtong ng college. Matagal-tagal pa bago ako makapag trabaho ng full-time.

"Okay, attention! Magkakaroon ang ating iskwelahan ng event about sa nature. Tutulong kayo rito or tuturuan kayo kung paano mag tanim, alagaan ang halaman at kasama na rin ang pag lilinis sa kapaligiran. Sa next, next week pa naman pagka-tapos ng test niyo." Sinabi agad ito ni mam pagkapasok pa lang niya ng klase.

Event huh. Buti naman at pagka-tapos pa ng test. Nag lesson na si mam, ako naman sinusulat ang mga mahahalagang detalye na kanyang sinasabi.

Tumunog na ang bell at break time na namin. Linabas 'ko lang sa bag 'ko ang binili 'kong burger sa labas at kinain 'yon habang nanunuod sa naglalaro ng basketball sa ground floor sa may bintana.

"Sabi 'ko naman e, hintay-hintay lang makukuha ng mojiezuo ang trono." Rinig 'kong sinabi ni Thea.

"Heh, swerte lang kayo dahil hindi umatin ng legions war si Krey." Sagot naman dito ni Gin.

"Hindi swerte yun, madiskarte at malakas lang talaga mojiezuo." Sambit naman ni Tanya.

"Hahaha. Next war mababawi ng jinniuzuo ang trono." Masayang sambit naman ni Rick.

Napangiti nalamang ako, dahil talaga namang nakakaexcite sumali sa legions war kahit na hindi kami lumaban ni Minka. Kailan kaya kami ni Minka lalaban din sa center ng arena, gusto 'ko ng maramdaman yung feeling na 'yon.

Pagkatapos sa work ay agad na akong umuwi sa bahay, at gumawa muna ng mga takdang aralin bago ako nag log in sa Zowan.

"Your late."

"Good evening." Bati 'ko rito habang nakangiti.

"Evening." Bati rin nito, at tumalikod na at nag lakad.

Lumabas kami ng shizizuo kingdom, at pumunta sa isang gubat na mayroon mga red wolf na level 15. Sinabi ni Minka na maganda mag farm dito upang makakuha ng Lava amulet na ma sesell namin sa halagang 50 pesos.

"Ano nakuha mo sa legions war?" Napatingin ako 'kay Minka ng nag tanong ito habang pumapatay ng red wolf.

"Nakuha?" Pagtataka 'ko.

"E, wala ka pang nakukuha?" Tanong muli nito.

"Wala pa. Hindi ko alam paano kuhanin, kung anoman 'yon."

"Oo nga pala. Open mo menu mo tapos legions, tapos pag may nakita kang reward open mo yun at collect mo nakuha mo sa war." Paliwanag nito . Ginawa 'ko ang sinabi ni Minka.

Legions:
War news
• Ranking
• War schedule
• Reward
• Exit

Reward:
• 5,000 pesos
Special map (Red Forest)

"Para saan 'tong special map?" Tanong 'ko habang nakatingin pa rin sa holographic screen.

"Nakakuha ka!?" Sabay lapit ni Minka.

"Yes, ito oh." Sabay pakita 'ko sakanya.

"Ayos! Katulad nung sa sirene isa rin yang rare field na mayroong boss. Isang beses lang magagamit yang map na yan, kapag na-kill ang boss automatic tayong babalik sa town." Paliwanag nito.

"Use 'ko na ba?" Tanong 'ko rito.

"Hmm. Siguro bukas nalang, anong oras na rin e. Kapag ginamit natin yan at nag log out ka hindi na tayo makakabalik sa special map, unless mayroon ka pa ulit nung map na yun."

"Ganun pala 'yon. Sige bukas nalang hindi rin ako makakapag puyat, dahil kailangan 'kong mag focus sa lesson. Sige good night na."

"Good night."

Sabay na kami nag log out. Saktong alas dose na ng madaling araw. Ano kaya ang boss na makakalaban namin ni Minka sa special map na 'yon. Sa kakaisip nun ay nakatulog na ako, nang umaga na ay nag ayos na 'ko agad at pumasok sa iskwelahan.

"Hozon, Michaella."

"Absent." Sigaw ng mga kaklase 'ko.

Natapos na ang first at second period at doon lamang dumating si Michaella, ang mga mata nito ay tila mapikit-pikit pa. Mukhang puyat na puyat siya, agad nitong niyuko ang ulo niya sa lamesa. Nag third period na at walang pakialam ang teacher namin kahit nakikitang tulog si Michaella, hindi niya ito pinansin at nag turo lamang. Sinulat 'ko naman ang mga title ng tinuro ni mam sa pilas ng papel, at ang iba pang tinuro simula first period at last. Natapos na ang klase at doon lamang nagiceng si Michaella, inabot 'ko sakanya ang pilas ng papel.

"Para saan yan?" Tanong nito. Hindi ata siya masungit ngayon.

"Lesson ngayong araw."

"Ok." Matipid nitong sabi at kinuha ang papel na inabot 'ko. Lumabas na ito agad ng klase.

Tapos ng klase at work ay nag online na ako, tulad palagi ay laging una mag online si Minka. Sinabi nito na i-use 'ko na raw ang map, ginawa 'ko naman ito at may lumabas na pulang pinto na katulad tuwing gagamit ng D'shi. Pumasok na kami ni Minka roon.

(Red forest area 1)

Isa lang ang masasabi 'ko. Ang ganda nito! Lahat ng dahon na tumutubo sa mga puno ay kulay pula, ang mga damo sa lapag ay pula rin ang kulay kahit ang mga bulaklak pula. Ang langit ay kulay orange na may kaunting pag ka pula. Nag lakad na kami ni Minka roon at mayroon mga lumilipad na mga pulang bulak na mayroon maliliit na pakpak. Ang pangalan ng kalaban na ito ay Angelicotton na mga level 12, pumatay si Minka ng isa at nag drop ito ng cotton ball. Sinabi naman ni Minka na kailangan na namin makita ang boss para hindi masayang ang oras namin. Nag lakad na kami at nag masid sa paligid, kada mayroon kaming lagusan na pinapasukan na papalitan kung nasaang area kami.

(Red forest area 4)

Mahaba-haba na rin ang nalakad namin ni Minka, sa area 1-3 ay puro angelicotton ang kalaban. Nag-iba lamang dito sa area 4, isang usa na mayroong pulang sungay ang kalaban dito ang pangalan ay Rudolf. Nag drop ito ng red horn. Nag patuloy na kami sa paghahanap ni Minka sa boss ngunit nakarating na kami sa area 7 pero hindi pa rin namin ito nakikita.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon