057: Destroy

4.5K 182 20
                                    

/------/

Sa isang madilim na kwarto kung nasaan ang lalaking kanina'y tawa ng tawa habang pinanonood ang mga kanyang kinokontrol na mga player.

"Tch! Bakit hindi maopen ang data system ng character ni Crusader." Mabilis itong nag pipipindot sa keyboard na tila ba'y inis na inis.

"Error!? Ugh, ano nangyayari. Bakit pati si Chelo nag transfer bigla sa legion kingdom! Nag force log-out naman si Wangzi, what the!" Gigil na gigil 'to habang pinanonood ang nangyayari.

Nakita nya ang biglaang pag respawn ni Larkeid doon at sinubukan nitong i-hack ang system nito ngunit may lumabas na malaking 'error' sa kanyang computer screen at biglang napalitan ng letrang N at M.

"Ano 'to! Anong nangyayari bakit ayaw maalis 'to!" Sigaw nito.

Nawala ang NM na kanina'y nakalagay sa screen at kulay itim na screen lang ang nandoon, maya-maya'y may isa-isang letra ang lumalabas doon hanggang sa natapos at binasa nya 'to.

"You'll never beat me, when it comes to hacking." Hindi alam ng lalaki ang kanyang gagawin, hindi rin nito maalis ang panginginig dahil sa nabasa sa kanyang computer.

May narinig 'to mga yapak sa kanyang likuran at hindi sya maka linggon dahil sa takot nitong nararamdaman.

"GWAAAAH!" Sigaw nito ng may palad na dumapo sa kanyang braso.

"Hey, ayos ka lang?" Tanong nito at agad iniharap ang lalaki na napasigaw sa takot.

"Clay, sumagot ka!" Pag aalala nitong tanong ng nakita ang takot na takot na mukha ng lalaki.

"Lyka." Mahinang sambit ng lalaki.

••••••

Napabangon si Meradith, at nakita ang walang malay na si Azoth sa lupa. Kanya 'tong yinugyog upang magising.

"Hey missy, how 'bout give us yer black sphere weapon." May limang lalaki na naka hoodie ang lumapit sa gawing 'yon na may mga hawak na blade.

"Hunter!" Sambit ni Mera at tinignan ang mga 'to ng masama.

Lalabanan sana 'to ni Mera ngunit ang kanyang MP ay na drain habang nasa loob sya ng dimension space ni TreX, at nasa 5% nalamang ang MP nito. Si Azoth naman ay hindi pa rin bumabanggon at ang MP ay nasa 0%.

In-open ni Mera ang kanyang inventory at ginamit ang black carpet at kanyang linagay si Azoth doon at lumutang na 'yon papataas sa may butas at umalis na sila sa lugar na 'yon.

••••••

"Holy guard." Buffs ni Larkeid sakanyang sarili at ang defense at magic defense nito'y dumagdag ng 5000.

Nauna ng umabanse si Tianlong at kanyang hinawakan ang dalawang spear sa gitna at kanya 'to inikot ikot ng mabilis habang pasugod 'kay Larkeid. Patuloy naman si Larkeid sa pag iwas dito at kapag may pagkakataon ay kanyang hinaharang ang scythe at pwersahang mapaurong pabalik si Tianlong.

"Ano ngayon Larkeid? Patuloy ka nalang ba iiwas?" Mayabang na salita ni Tianlong.

"Tama nga sila na walang makakatalo sa bilis at footwork mo, pero playing with ya is damn boring."

Nainis si Tianlong sa sinabing 'yon ni Larkeid at kanyang nahiwa ng bahagya ang pisngi nito. Ang kaninang mapaglarong itsura ni Larkeid ay napalitan ng seryosong mukha, at na pa 'tch' 'to ng kanyang naramdaman na natamaan sya ni Tianlong. Napangisi naman si Tianlong at napahinto sa pag abanse, ngunit sa isang sulyap ay hindi nya pansin ang mabilis na pag ka hiwa sakanya ni Larkeid dahil sa bilis nitong parang hanggin.

"Bastard." Gigil na sabi ni Tianlong habang hawak ang isang braso kung saan nahiwa ni Larkeid ang kamay nito.

Pinulot ni Tianlong ang isang spear nya na nasa lapag at sa isang kamay dalawang spear ang kanyang hawak.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon