/DEMO/
Sabi nga ba, aantukin nanaman ako ngyon dahil inumaga nanaman ako ng tulog kanina. Hindi 'ko mai-focus yung utak 'ko dahil feeling 'ko mga anumang oras makakatulog ako.
Ang saya talaga mag laro, excited nanaman ako mag log in mamaya at sumama 'kay Minka. Ano naman kaya mamaya ang matututunan 'ko, o saan naman kaya kami mag lalakbay. Hindi na ako makapaghintay.
"Herrera!"
Hmm? May tumatawag sa'kin, pero ayoko pang bumangon. Gusto 'ko pang matulog ng matulog.
"Herrera, demo!"
Inangat 'ko ang ulo habang ang isa 'kong mata'y nakapikit pa at ang isa ay medyo pumipikit-pikit pa. Napatingin ako sa unahan at nakita ang galit na galit na mukha ng teacher 'ko. Napadilat ako ng dalawang mata at lahat ng kaklase 'ko ay nakatingin sa'kin, nakatulog na pala ako. Hindi na siguro naalala ni mam dahil biglang tumunog ang bell, at break time na namin.
"Mamaya mag ququiz tayo, so be prepared." Sinabi ni mam bago umalis.
Anong i-ququiz namin? E, wala naman akong naalalang tinuro niya ngayon. Kasi, kasi nakatulog ako habang nag tuturo siya. Paano na 'to!
Tumayo na agad si Michaella at lumabas ng room, hindi 'ko rin alam kung kanino ako mag tatanong about sa tinuro ni mam. Ayoko naman mag tanong kila Jio dahil alam 'kong wala silang matinong isasagot sa'kin. Tumayo na ako at lumabas sa klase, dumiretso ako sa room ng mga teacher.
Pagkalabas 'ko ng klase ay nakita 'ko si Michaella na nakatayo sa gilid at napatingin sa'kin ng pagkalabas ko ng pinto. May inabot itong kapirasong papel, kinuha 'ko naman ito at binasa. Umalis din naman agad ito, nakasulat doon about sa kung anong ni-lesson ni mam. Pumunta na ako sa library at nag hanap na ng libro na pwedeng i-review. Nang nakahanap na 'ko ay agad akong pumunta sa mga upuan at naghanap kung saan may bakante, ngunit lahat ng ito ay may mga nakaupo. Napatingin ako sa isang lamesa na si Michaella lang nakaupo at nag babasa, lumapit ako roon.
"Ano, pwede makiupo?" Tanong 'ko rito, tumango naman ito.
Umupo ako sa upuan at magkatapat kami, inumpisahan 'ko ng mag basa ng kinuha 'kong libro. Maya-maya ay napatingin ako sa mga taong papalapit sakin. Grupo nila Jio at Thea.
"E, dinidiskartehan ni emo yung bago nating kaklase." Ngisi na sinabi ni Jio, habang nakatingin sa'kin.
"May pag-asa ka naman ba emo?" Ngisi rin na sinabi ni Gin.
Hindi 'ko nalamang ito pinansin at bumalik na lamang sa pag babasa ng libro, napasilip naman ako kay Michaella. Hindi rin ito kumikibo ngunit kitang-kita ang kunot niyang noo.
Dahil may mga bakanteng upuan pa sa lamesa kung nasaan kami ni Michaella ay nag si upuan sila roon. Tatlong upuan sa hanay ni Michaella nakaupo ang grupo ni Jio, si thea at tanya naman ay nakaupo sa upuan sa hanay 'ko.
"Micha, sabihin mo lang samin kung may ginagawa sayong hindi maganda si emo! Akong bahala sayo." Ani ni Jio habang nakatingin at ngisi sa nagbabasang si Michaella.
"E, paano ba yan Jio hindi ka pinapansin ni Michaella." Pang aasar naman ni Rick habang nakangisi kay Jio.
"Mahiyain lang si Micha, diba?" Salita ulit ni Jio.
Wala pa rin kibo si Michaella, habang si Jio at Gin ay patuloy itong kinukulit. Hanggang sa mukhang irita na si Jio dahil kahit ano talaga ang gawin niya ay hindi siya pinapansin ni Michaella.
"Anong tinitingin-tingin mo emo?" Tanong ni Jio habang masamang nakatingin sa'kin.
"Wa-wala." Sagot 'ko at agad bumalik sa pag babasa.
"Anong wala! Pinagloloko mo ba 'ko? Alam 'kong kung ano-ano sinasabi mo sa'kin habang nakatingin ka sakin!" Napalakas na ang boses nito at pinalo ang lamesa ng malakas.
Eee? Wala naman akong ginawa sakanya at wala akong sinasabing kung ano-ano. Nag lakad na ito palapit sa'kin na para bang may balak akong sapakin nito.
"Ji-jio nasa library tayo!" Awat dito ni Thea. Ngunit patuloy pa rin ito lumakad pa punta sa'kin.
Napatingin kami at ang lahat ng tao sa library ng hinampas ni Michaella ang dalawa niyang kamay sa lamesa at tumayo. Kahit si Jio ay napatigil sa pag lapit sa'kin at napatingin dito.
"Stop blaming others when your angry because of yourself." Seryoso ang mga mata nitong tinignan si Jio.
Nag ayos na ng gamit si Michaella at lumabas na ng library. May lumapit na teacher naman kay Jio at pinalabas ito sa library. Sumakto rin ang tunog ng bell kaya binalik ko na rin ang libro kong binasa at nagsibalikan na kaming lahat sa klase. Nag pa quiz si mam at maayos naman ang naging score 'ko dahil lahat ng tinanong niya ay nasa libro na binasa 'ko, at lahat ay humanga ng sinabi ni mam ang iisang nakakuha ng perfect score. Si michaella.
Nag uwian na at dating gawi pumasok na ako sa part-time 'ko. Sinabi sa'kin ni Kycee na nasabi na niya sa daddy niya at pumayag naman daw ito basta about sa study ang pag uusapan. Umuwi na ako at dating gawin nag log in na ako muli upang makapag laro.
"Your late."
"Minka."
Napangiti nalamang ako ng makita 'ko ito, lumapit na ako sakanya. Sinabi niya sa'kin na bago raw kami muli pumunta at mag hunting ng boss ay hahanap muna kami ng weapon na babagay sa stats 'ko at element.
Lumabas kami ng shizizuo at pumunta sa bundok, umakyat kami sa may hagdanan na paikot ng bundok. Nang nakarating kami sa itaas ay may maliit na bahay doon. Sinundan 'ko si Minka na nag lakad papasok sa maliit na bahay.
"Quest ba kukuhanin natin dito?" Tanong 'ko kay Minka.
"Yeah, pero hindi na natin need makipaglaban." Sabi nito.
Lumapit ito sa matandang lalaki, at kinausap ito. Lumapit ako 'kay Minka at tinignan ang nakalagay sa holographic screen.
Quest available:
• Sky stonePinindot ni Minka yung nag iisang quest at in-accept ito. In-open naman niya ang kaniyang inventory at inilabas ang batong kulay sky blue na na mayroong disenyong parang hangin sa bato. Ibinigay niya ito sa matandang lalaki at may na received siyang reward .
Trade invitation
✅ ❌Napatingin ako 'kay Minka at sumenyas lang ito na i-accept 'ko, ginawa 'ko naman iyon.
Trade:
Skylight scythePesos: 0
✅ ❌"Ano 'to?" Tanong 'ko naman 'kay Minka.
"Isang scythe na babagay sa wind element." Mabilis nitong sagot.
"Pero..."
"Accept mo na lang."
"Okay. Salamat."
In-accept 'ko na ito, in-open 'ko ang inventory 'ko at tinignan ang binigay ni Minka na weapon.
Skylight scythe (bronze)
• MATK +500 (Magic attack)
• Mp recovery %10
• Wind resistance up by lvl.
Power: 50
Magic: 50
Rune: --------"Yung nakuha nating earth stone, nilagay 'ko sa scythe kaya naging bronze na siya." Ani ni Minka.
"Salamat talaga." Sabi 'ko rito. Malaki ang itinaas ng magic attack 'ko dahil sa binigay niyang weapon.
Bumaba kami ng bundok muli at pumasok sa loob nito, may mga Gama naman na kalaban sa loob nito, itsura itong bato na umiikot ikot. Nasa level 10 ang mga ito habang ang level 'ko naman ay 15 at si Minka ay 18. Nag farm lang kami roon ng earth stone na drop item ng gama hanggang mag alas dos ng madaling araw dumagdag ang level 'ko at ni Minka. Naging level 18 ako at siya naman ay 20, nag paalam na kami sa isa't isa upang matulog na.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Science Fiction[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...