021: Bandits/Forest

6.5K 333 4
                                    

/DEMO/

"Hoy! Hoy!"

Napadilat ako ng mata ng marinig ang pag sigaw ni Minka sa'king tenga. Napatingin ako sa gilid kung nasaan si Minka, ang itsura nito ay may halo-halong emosyong nakatitig sa'kin.

"So-sorry, bakit? Ano nangyari."

"Hah? Hindi ba dapat sayo 'ko yan tinatanong! Ano nangyari sayo bakit ka umiiyak?"

E? Umiiyak? Ako? Napahawak naman ako sa pisngi 'ko at tama nga 'to mayroon mga luha ang tumutulo sa'king pisngi.

"Haha, pasensya na hindi 'ko rin alam bakit ako umiiyak e." Sabi 'ko rito at agad pinunasan ang mga luha sa mata 'ko.

Ang naalala 'ko lang nung nakita 'kong tinangay na ng dragon palayo ang shaman, may biglang sumakit na ewan sa dibdib 'ko at agad ng nag fade ang paningin 'ko.

Agad namang tumalikod si Minka at nag lakad na. Sumunod nalang ako rito, ganun pa rin ang itsura niya. Bakit kaya? A, hindi 'ko rin alam.

"Ano, san tayo pupunta?" Tanong 'ko rito.

Pero patuloy lang ito nag lalakad at para bang walang narinig. Hindi nalang muli ako nag salita at baka magalit pa 'to sa'kin kapag nangulit ako.

Pababa na kami ng village at bumungad samin ang mapunong gubat at sa pinakadulo ay mayroong bundok na napakalaki, naalala 'ko naman na roon patungo ang dragon ng dinala niya ang shaman. Siguro roon ang punta namin ni Minka ngayon. Mas lalong kumapal ang usok ng pag baba namin ni Minka sa gubat. Napatingin ako sa gilid 'ko at napalaki ang mata ng wala na si Minka sa tabi 'ko.

"Minka!" Sigaw 'ko.

Ano nang gagawin 'ko! Sigaw pa rin ako ng sigaw ngunit kahit ni ano ay wala akong naririnig na ingay. Kahit pagaspas ng mga dahon o ni simoy ng hangin ay wala. Ano na kayang nangyari 'kay Minka. Hindi 'ko maiwasang magalala, kahit na alam kong pag namatay kami rito ay mag rerespawn pa rin kami sa town.

Hindi 'ko alam saan ako patungo pero tinuloy 'ko lang ang pag lakad 'ko padiretso. Ni puno ay wala na akong makita dahil sa kapal ng usok. Tinignan 'ko rin ang party screen namin ni Minka pero blangko 'to. Kahit ang mail chat kapag mag sesend ka ng mail, ay may lalabas lang na no connection.

Ano nangyayari!

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa likuran 'ko. May narinig akong mga yapak na papalapit sa'kin. Nabuhayan ako at tumakbo roon.

"Minka--- a-ano." Napaatras ako ng makita 'ko na marami ang mga 'to.

"Gwrrr, drwwww, grrkk." Paulit-ulit ng mga itong sigaw.

Napatakbo na ako muli. Mayroon itong mga hawak na pike at mga level 25 na bandit. Ang dami nila at rinig 'ko rin ang pag takbo nila, hinahabol pa rin nila ako.

Nanlaki mata 'ko ng biglang may lumipad na pike spear sa bandang gilid 'ko at mas lalong nag panic. Ano nang gagawin 'ko!

"Waaaaaaaa-- umhh!"

Pilit 'ko pa rin kalas sa nag takip ng bibig at mata 'ko. Narinig 'ko muli ang mga sigaw ng bandits, at nagtataka 'ko kung bakit naririnig 'ko ito sa ibaba 'ko banda. Pilit 'ko pa rin tinatangal ang kamay na nakatakip sa'kin.

Aray! Bigla ako nitong kinagat sa braso. Ano ba 'to taong lobo ata, bumilis ang tibok ng puso 'ko at hindi maiwasang matakot.

Hindi na ako pumiglas pa at nanahimik nalamang. Palayo na rin ng palayo ang boses ng mga bandit na sumunod sa'kin kanina.

Naramdaman 'ko rin ang unti-unting pagalis ng nakatakip sa'king kamay, at napahiga nalamang ako sa lupa na una ang mukha. Tinulak ako kasi nasa taas pala kami ng puno.

Narinig 'ko ang pag bagsak din ng katawan sa tabi 'ko.

"Minka!" Sambit 'ko sabay lapit dito.

"Anong nangyari sayo?"

"Hindi 'ko alam pero unti-unti naninigas buong katawan 'ko." Utal-utal at nanghihina nitong sabi.

Napatingin ako sa mukha at mga kamay niya. Unti-unting nag didilaw ang balat ni Minka, anong gagawin 'ko.

"Minka! Minka!" Hindi na 'to sumasagot at nakapikit ang mga mata

Ang HP at MP naman niya ay puno pa rin. Wala naman siyang poison or paralyze, pero bakit nangyayari 'to.

"Min--ka."

Agad nalamang akong nawalan ng malay. Hindi 'ko alam kung bakit, o ano ang nangyari. Basta nakaramdam ako ng panghihina ng paningin, hanggang sa pumikit na 'to.

Nakaamoy ako ng mabangong amoy, dinadala ako nito sa maliwanag na pintuan. Pumasok ako roon at agad 'kong binuksan ang mata 'ko.

E? Nananaginip lang pala ako. Umamoy muli ako at naamoy 'yon. Napatingin ako sa gilid 'ko at nakita si Minka na nakapikit pa rin at ang mga ulo'y nakadantay sa braso 'ko. Yung buhok pala ni Minka yung naamoy 'ko. At isa pa, bakit nakatali ang kamay at paa 'ko! Hindi lang ako pati na rin ang 'kay Minka! Napatingin ako sa paligid, at nasa isa kaming kubol na mayroong mga nakakalat na mga kahoy-kahoy. Sa labas ay dinig na dinig ang mga sigaw ng bandit. Na-nahuli nila kami!

Ginalaw-galaw 'ko ang kamay 'ko at pilit inaalis sa tali, pero walang talab dahil sobrang higpit ng pag kakatali at ang armas namin ni Minka ay nakatayo malayo sa'min.

"Anong nangyari." Katulad kanina nanghihina pa rin ang boses nito.

"Hindi 'ko rin alam, pero nahuli tayo ng mga bandit." Ani 'ko.

"Ganun ba."

Mas lalong dumami ang dilaw at patuloy pa ang pag dami nito sa balat ni Minka.

Agad ako napatingin sa pumasok sa kubol. Isang matanda, na may hawak na dahon na malaki at sa dahon ay may parang cream na itim. Lumapit ito 'kay Minka, at nilagyan ang mga dilaw na balat ng itim na cream.

"Anong ginagawa mo!" Sigaw 'ko. Pero hindi 'to sumagot.

"Itigil mo yan! Please!"

Pero hindi pa rin 'to nakinig at patuloy 'yon ginawa. Napatingin ako 'kay Minka at ang itim na cream na pinahid sakanya ay unti-unting nawawala at ang dilaw na balat ni Minka ay umayos na.

"Nawala na yung paninigas ng buong katawan 'ko." Tinaas na ni Minka ang ulohan niya at umupo ng maayos.

"Mabuti naman." Napangiti nalang ako.

"Nahulog ako sa isang bangin at yung tubig na dilaw yun yung dahilan bakit naging ganun balat 'ko."

"Ganun ba, pero mabuti talaga at ayos ka lang."

"Yeah."

Parehas na kaming tumahimik, maya-maya ay pumasok na ang mga bandit at ang matandang lalaki. Umupo sila at nag salita ang matandang lalaki.

"Ano ang inyong ginagawa rito."

"Liligtas namin ang shaman." Mabilis na sagot ni Minka.

Napadilat ang matandang lalaki. Ngunit wala itong mata at itim lang ang buong mata na parang bungo na ewan.

"Totoo ba ang inyong sinasabi."

"Yes." Sagot muli ni Minka.

"Kung ililigtas niyo ang mahal na shaman i-guguide kayo ng mga 'to upang mapabilis ang inyong pag punta sa bundok ng feuer."

Naalala 'ko siya bigla. Isa siya sa lalaking nakabantay sa shaman sa kwento ng matanda sa quest.

Tinangal na ng mga 'to ang tali namin ni Minka at sinundan sila lumabas sa kubol at nakalagay doon ang cartwheel. Pinaupo nila kami roon at ang apat na bandit ay hila-hila ito, at bago kami umalis binigyan si Minka ng matandang lalaki ng Water bind spell para sa makakalaban namin.

Hi/Hello :) thanks sa pagbasa and vote nito, really appreciated po. ❤

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon