040: Demo/And/Kite

4.9K 187 11
                                    

/DEMO/

Mahigit isang oras na ata kami ni Michaella rito sa bandang entrance ng school kung nasaan naka tayo ang mga food stall. Kapag nakabili sya sa isang stall lilipat naman sa kabila, at bibili muli. Para syang bata dahil sa daming hawak nito na pagkain sa kanyang kamay at may popcorn na nakasabit sa kanyang leeg. Dahil may sobra rin akong pera ay bumibili rin ako pero kaunti lang.

Paano 'ko kaya makikita si Kite sa dami ng tao na labas pasok dito--- nagawi ang tingin 'ko sa magkasamang lalaki na panay ang kausap sa mga lalaki na dumadaan bandang gate. Maya-maya ay lumapit sila banda sa kinatatayuan 'ko kaya narinig 'ko ang pag uusap nila.

"Tigilan mo na sabi pag tatanong sa lahat ng makita mo." Sabi ng lalaking hindi naman katangkaran at kayumangi ang kulay ng balat.

"E, paano natin makikita kung hindi tayo magtatanong." Pagtataka naman nung lalaking maputi at mukhang mayaman.

"Kaya nga hayaan na, tsaka malay ba natin kung hindi pala sya pwede o hindi nya alam 'to."

"Pero gusto 'ko makita kaibigan mo." Sabay pout nito.

"Huh, pero imposible nga. Tara na baka magalit nanaman sayo si Lara." Yaya nito sa maputing lalaki pero panay pa rin ang tanong nito sa mga bagong pasok na mga grupo ng lalaki.

"May naglalaro ba sa inyo ng ZowaN na ang pangalan sa laro ay Demo?"

"Sabi ng hayaan mo na Klement!"

"A, kayo sino nag lalaro sa inyo ng ZowaN na ang pangalan Demo?" Takbo nito sa isang lalaki na may hawak na PSvita.

Napa face palm nalang yung kasama nya at linapitan 'to at pinigil muli.

Demo?

E, hindi kaya si Kite yun.

Walang alinlangan akong lumapit sa lalaking kayumangi at kinalabit 'to, tumingin naman 'to.

"Ako si Demo, Kite?" Pakilala 'ko at tanong 'ko rito. Napatingin yung maputing lalaki at bigla 'to ngumiti.

"See, sabi 'ko sayo makikita natin e!" Masaya nitong sambit sabay akbay 'kay Kite.

"Yeah, sabi 'ko nga." Ngumiti rin 'to sa lalaki na kanyang kasama.

Naalala 'ko bigla si Michaella at napatingin sa mga food stall ngunit wala ito. Hinila ako ng kasama ni Kite at naupo kami sa bench sa tapat ng school field.

Sobrang tahimik, sobra. Hindi 'ko rin alam kung saan ako mag sisimula sa gusto 'ko na tanong, ng biglang nag salita si Klement.

"Kamusta si Kite sa shizizuo, marami ba syang kaibigan." Pagtatanong nito.

E? Kaibigan ni Kite, hindi 'ko alam kung meron nga ba.

"Ayos naman sya, Ah! May babae sya na gus--"

"WALA AKONG KABIGAN DOON MALIBAN 'KAY DEMO, DIBA?" Napalakas ang boses nito habang naka ngisi na nakatingin sa'kin.

"Oo haha." Palusot 'ko nalang din.

Hindi ko alam na tinatago nya pala about yung 'kay Daimin. Muntik na.

"E, may babae si Kite na ano, ano!?" Panggunggulit nito.

Tikom bibig ako habang si Kite hindi nag sasalita, pero patuloy ang pangungulit nito ng biglang may babaeng lumapit at ang mukha nung Klement na sobrang saya ay napalitan ng takot.

"Klemento, hanggang anong oras mo 'ko pag hihintayin." Mataray nitong sabi.

"Ha ha, gusto ko lang naman makita yung kaibigan ni Kite-- aray!" Sigaw nito dahil sa biglang hinablot nung babae yung tainga nya at kinaladkad sya palayo.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon