067: First/Seal/East

4.3K 158 2
                                    

Lumitaw ang apat na tao sa isang malaking pabilog na silid. Nasa loob sila ng isang gusali na parang kastilyo dahil sa eleganteng datingan ng pagkakaayos sa silid na iyon. Kulay ginto ang pader at kisame nito, puting tiles naman ang sahig. Sa kisame nito mayroon magarang chandelier na kumikinang-kinang. Ang gitna ng silid ay mayroong napakagandang fountain na naglalabas ng tubig na kulay asul. Mayroon din apat na lagusan na gawa sa salamin sa bawat pader nito. Isa sa kanluran, silangan, hilaga at timog.

"Naririnig niyo ba ako?"

"K-kuya!?"

Dahil sa boses na kanilang narinig agad nilang nilibot ang paningin upang hanapin ito, pero kahit saan nila tignan hindi nila makita ang taong nagsalita.

"Narinig niyo nga. Kahit anong hanap na gawin niyo hindi niyo ako makikita, dahil wala ako diyan. Ang aking ginagawa ay tinatawag na telepathy pero para sainyo lang, dahil naririnig niyo ang boses ko sa inyong isip lamang. Dahil ako nagsasalita talaga dito sa silid at ang boses ko'y nakakonekta sa capsule na ginamit niyo. Kaya kung may sasabihin kayo pwede niyong sabihin gamit ang isip, at akin iyong maririnig. Oh, at pakiusap wag kung ano-ano ang inyong ilagay sa isip niyo dahil maririnig ko iyan. Heehee."

Dahil sa sinabing iyon ni Nikko nagpanik si Clay at Kite dahil punong puno ang isip nila sa mga babaeng kanilang mahal.

"B-bakit kailangan mo basahin ang nasa isip namin ng walang pasabi, damn! Wala ba ibang paraan para makausap ka na hindi mo kailangan basahin ang lahat ng nasa isip namin!?" Tanong ni Clay.

"Mas ayos ito para sigurado kung ano man ang inyong binabalak na ikakapahamak niyo. Huwag kayo magalala ako lang naman ang nandito at wala akong pagsasabihan tungkol sa mga narinig ko. Tamang tama Clay mamaya dadating si Lay liit kaya ikalma mo na ang sarili mo at huwag siyang isipin. Haahaahaha!"

"Nakakahiya!" Sigaw ni Clay.

Si Demo naman ay pumunta sa Fountain at kanyang napagtanto na ang linalabas na tubig ng fountain ay isang healing water, kayang punuin ang health at mana points kapag iyong ininom.

Sinabi agad iyon ni Demo sa kanyang mga kasama at ang mga mayroong empty bottle ay kanya-kanya ang kuha ng tubig doon.

"Tandaan niyo na hindi ito kasing katulad ng mga nakalaban niyo sa Zowan. Kahit ang pinakamalakas na monster boss sa Zowan ay walang binatbat sa makakalaban ninyo. Kapag namatay din kayo rito wala ng balikan pa at katulad ko at ni Lay liit, hindi na kayo muli pa makakapasok dito. Ang inyo lamang panglaban dito ay ang resurrection ni Daimin. Hindi pa rin nakakaabot si Daimin sa destinasyon kaya kung madali kayong makakapaglakbay ay inyo pa itong maaabutan. Ang unang seal ay nasa silangang lagusan. Wala akong impormasyon kung anong klaseng nilalang ang inyong makakalaban dahil hanggang dito lamang ang aking kayang magawa gamit ang teknolohiya. Tandaan niyo wala ng atrasan ito at lagi niyong isaisip na ang misyon niyo lang sa mundong ito ay masira ang seal. Huwag niyong gayahin ang ginawa ng iyong kapatid Demo, dahil itinuon niya ang kanyang atensyon sa iba kaya niya nabuhay ang isang virus. Hindi natin alam kung anong inyong madadaanan o masisilayan sa mundong ito, tandaan niyo lamang ang misyon na ito. Magtagumpay at umuwi ng walang proproblemahin."

Pagtapos ng paliwanag ni Nikko ay pumunta na silang apat sa harapan ng salamin sa silangang lagusan at isa-isa ng pumasok doon.

°°°

Ang diwang lumulutang sa kawalan, dinadala ng agos ng hangging malamig.

Kitang-kita ang napakagandang kapatagan, puno ng damo, bulaklak at iba't ibang klaseng hayop.

Sa bawat paghampas ng hanggin kasabay ang kay gandang melodiya. Hindi alam kung saan, hindi alam kung sino.

Sa tunog na iyon sumasabay ang lipad ng mga ibon sa himpapawid, mga bulaklak na sumasayaw-sayaw at mga bungang mabilis tumutubo.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon