073: He/Who/Sees/All

2.4K 103 2
                                    

Patuloy sa paglalakad ang lima sa dilim hanggang sa unti-unting nawala ang dilim na bumalot sakanila. Bumalik sila sa malaking silid na puno ng puno at ang langit ay madilim, tila ang mga tala lamang ang nagbibigay liwanag dito. Pinagmasdan ng mga ito ang paligid ngunit walang bumungad sakanila na kung sinuman.

"Nasaan ka? Magpakita ka!" Sigaw ni Minka.

Pero walang nagpakita sa mga ito. Patuloy ang mga damo na nagsasayawan sa paghampas ng hanggin. Hindi nila inaasahan ang mangyayari sakanila. Para silang tinusok ng matalim na bagay diretso sa puso. Pero, ang mga iyon ay isang titig lamang na nagmula kung saan. Inikot na nila ang malaking parisukat na silid na iyon, ngunit wala pa rin silang nakita. Sa gitna nagsama-sama sila muli. Patuloy pa rin ang titig na tumutusok sakanilang pagkatao.

"Tsk, hindi ko tuloy masabi kung pasugod na ito o hindi dahil sa makamandag na titig na kaniyang ginagawa." Sambit ni Clay.

"Hindi ko rin matunton kung saan nanggagaling ang titig na iyon." Patuloy na pinopokus ni Minka ang kaniyang sarili upang malaman kung nasaan ito nangagaling.

"Baka may ibang paraan upang mapalabas ito sa kaniyang lunggang tinataguan." Mungkahi ni Demo.

Lumipas ang limang oras pero wala pa rin lumalabas na kalaban. Ang mga ito'y nakaramdam ng gutom kaya gumawa sila ng apoy at naghanap ng makakain sa lugar na iyon. Nakakuha naman sila ng mga kabute at mga prutas. Pumaikot na sila sa apoy at inumpisahan mag ihaw ng kabute.

"Tsk, hindi ko talaga mapaliwanag bakit tayo nagugutom sa lugar na ito. Sa ibang lugar naman na pinuntahan natin ay hindi." Salita ni Kite.

"Hmm... Oo nga. Sa ZowaN yung naging isang AI ako o artificial intelligence nakakaramdam din ako ng gutom. Hindi pa man nag uupdate ang Virtuale gear non, nakakaramdam na ako nito. Pero kahit anong kain gawin ko nun ay hindi ako nabubusog." Kwento ni Daimin.

"Kaya pala lagi kang kumakain." Sambit ni Minka. Tumanggo naman si Daimin.

"Hindi ba mahirap maging isang artificial intelligence?" Tanong ni Demo sa kaniyang kapatid.

"Hindi naman. Ang problema lang ay hindi ako nakakaramdam ng anumang antok. Panigurado kapag bumalik sa totoong mundo ay magkakaroon ako ng insomia." Ngiti ni Daimin na sinabi rito.

"Nararamdaman ko na ang kaniyang enerhiya na nabubuo-buo sa isang sulok ng silid." Sinabi ni Minka sa mga kasama kaya naging alerto na sila.

Maya-maya nagulat ang mga ito sa pagtalsik ng dugo ni Minka. May pumulupot sa baywang nito at ito'y nahati sa gitna.

"Minka!" Sigaw ni Demo.

"Resurrection." Umilaw ang katawan ni Minka at muli itong nabuo. Tumalon ito sa puwesto ng mga kasama at sila'y tuminggin kung saan nangaling ito.

Dahil sa apoy na nandoon, kitang-kita ang anino ng taong papalapit sa kanilang puwesto. Sa patuloy na paglapit nito, nakita na nila ang buong itsura nito. Ang mukha, katawan at mga parte ay kasingtulad ng sa tao. Habang ang mga mata, balat at dila nito'y kasing tulad sa ahas. Kulay berde ang balat nito na may kaliskis ng ahas. Patuloy sa pag alon ang kaniyang mahabang dila. Ngumisi ito at nagsalita.

"Ako si Virupaksa, ang diyos sa mundong inyong pinuntahan. Bawat kilos, galaw at takbo ng inyong isip ay aking nalalaman. Handa na ba kayong mawala sa mundong ito?" Lumaki ang mga mata nito na akala mo'y naghahamon.

Biglang lumitaw ang maraming klaseng mga ahas na hayup na malalaki at mahahaba. Nawala naman si Virupaksa at ang mga ahas na kaniyang alagad ay sinugod sila Demo. Patuloy ang mga ito sa pagkatay sa mga ahas na sumusugod sakanila. Pero sa tuwing hinahati nila ito sa gitna ay dumodoble lamang ang bilang at nagrerestore ito.

"Kapag nagpatuloy ito mapupuno ng ahas ang buong lugar!" Sigaw ni Daimin.

"Kung dumodoble ito sa tuwing hinahati, bakit hindi natin subukan na sunugin ang mga ito?" Bigay na ideya ni Demo.

"Heh, may silbi ka rin pala." Ngisi ni Clay. At agad itong nag enchant ng fire element skill. Tama nga ang bigay nitong ideya at ang katawan ng ahas ay naging abo at hindi na muli nag restore.

Dahil sina Clay at Kite lamang ang may fire element skill ay sila ang tumapos sa lahat ng ahas na nandoon. Nagawa naman nila iyon at narinig ang malakas na palakpak sa sanga ng puno kung nasaan sila ngayon. Ngayon lang din nila napansin na nandoon si Virupaksa.

"Nagawa niyong matalo ang aking mga alagad. Nakikita ko na kaya niyo akong pasayahin kahit sa sandaling oras lamang." Tumalon na si Virupaksa at sinipa sa tiyan si Demo, napatalsik naman ito. Pumaikot ito at sinipa rin sa sikmura sina Minka at Daimin. Kaniya naman sinuntok gamit ang kamao sina Kite at Clay.

"See, mapapasaya niyo ako sa inyong mga sigaw dahil sa sakit."

Gumamit ng heal si Daimin upang mawala ang sakit na nararamdaman ng mga kasama at kahit siya. Sumugod si Minka at kaniyang sasaksakin ito sa likod ngunit nagulat ito dahil nawala si Virupaksa sa kaniyang likod. Ito'y nasa likod ni Minka na, pero ang Minka na iyon ay isang clone na gawa lamang sa tubig at ang tunay na Minka ay nasa likod muli ni Virupaksa.

"I already read your thoughts."

Nagulat si Minka dahil nakaharap si Virupaksa at siya nito'y sana tutusukin ng mahaba nitong dila ng umentra si Kite. Nakataas ang hammer nito at kaniyang ibabagsak kay Virupaksa.

"Alam ko na mangyayari ito."

Agad nawala sa harapan ni Minka si Virupaksa at napunta ito sa likuran nito. Sinipa ni Virupaksa si Minka papunta sa gawi ni Kite. Gumamit si Daimin ng Light vines para makuha si Minka at hindi matamaan ni Kite.

"Problema ito. Alam niya ang bawat kilos na ating binabalak." Pinatunog ni Daimin ang kaniyang dila.

"Mahihirapan tayo na makalapit dito dahil ang mga balak natin gawin ay kaniya lamang nalalaman." Ani Demo.
May ideyang sinabi si Minka sa mga ito. Agad tumakbo sila Demo, Minka, Kite at Clay sa bawat sulok ng silid na iyon. Habang si Daimin ay naiwan sa gitna na nasa loob ng four layered holy mirror.

"FUSION SPELL ACTIVATED!" Sigaw ng apat.

"THUNDERBLASTER!"

"HELLFIRE TSUNAMI!"

Malakas na pwersa ang tumama sa gitna kung nasaan si Virupaksa. Ang buong lugar ay napuno ng usok at ng mawala-wala ito tumambad sakanila ang katawan ni Virupaksa na natutunaw, pero ito'y nanatiling nakatayo at naka ngisi ang labi.

"I already know this will happen."

Nagulat ang lima dahil bigla itong nagsalita kahit na kalahati ng mukha nito'y tuluyan ng natunaw. Unti-unti bumabalik ang katawan nito at ang balat ay kulay pula na na kanina ay berde. Nagulat sila ng bigla itong nawala sa kaniyang kinatatayuan, naalarma ang lima. Agad nag enchant ng rock wall sina Clay at Kite upang maprotektahan ang kanilang support na si Daimin. Tama nga ang naging desisyon ng dalawa. Mabilis na pinagpuputol ni Virupaksa ang katawan ng apat. Sa pagdispel ng rock wall naka pag enchant na ng resurrection si Daimin kaya hindi na ito naghintay ng matagal. Nabuhay muli ang apat at nakipag sabayan sa bilis ni Virupaksa. Ngunit bigo sila dahil trumiple ang bilis nito ng nagpalit ang kaniyang balat. Si Daimin naman nasa sanga ng puno upang buhayin ang kaniyang mga kasama.

"Kapag nagpatuloy ito pare-parehas kaming mauubusan ng mana. Hindi ito maganda. Kailangan namin makagawa ng paraan para mapatay ito ng mabilisan." Salita ni Daimin sa kaniyang sarili. Agad ngumiti ito dahil sa kaniyang naalala.

"Kuya!" Sigaw ni Daimin. Agad naman umalis si Demo sa lupa kung nasaan si Virupaksa at lumapit ito sa gawi ni Daimin.

"Hindi ba nymphs ka? May pag-asa pa tayong manalo rito." Sabik na sinabi ni Daimin sa kapatid. Kahit si Demo ay nakalimutan iyon dahil sa pakikipaglaban. Tumanggo naman ito. 

Bumaba na si Demo at habang busy si Virupaksa na makipaglaban sa tatlo ay nag enchant ito ng Wind chain. Huminto ang paggalaw ni Virupaksa at tinaas na ni Demo ang kaniyang kamay, itinutok ang palad sa katawan ni Virupaksa at lumapit.

"Hindi ka na namin mapapasaya, dahil mawawala ka na." Gumamit si Demo ng Wind step at kaniya ng dinikit ang palad sa katawan ni Virupaksa.

"KAAAASHHHHHHHHASSSSSS--",

°°°

Next chapter: Sacrifice/Leads/To/Victory

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon