075: Rain/Temple/Approval/Test

2.5K 97 2
                                    

"Welcome to Rain temple. Stay as much as you want." Ang bati ng babaeng mayroong kulay asul na buhok at mga mata.

Nagrespawn ang apat sa isang malaking gate. Ang gate ay gawa sa tubig. Namangha ang apat dahil doon. Bumukas ito at bumungad sakanila ang makulay na lugar. Ang mga bahay ay gawa rin sa tubig, kaya ang makikita mo rito ay anino na blurred. May mga dahon na tumutubo sa bawat gilid ng mga bahay. Ang kanilang street light ay gawa sa bubble, sa loob non mayroon bilog na ilaw na dilaw. Sobrang liwanag ng buong lugar dahil kada limang sentimetro ay mayroon na kasunod ang isang bubble light. Ang mga sasakyan din ng mga ito ay gawa sa tubig na lumulutang sa ere na akala mo'y mga bubbles.

"Rain temple ang pangalan pero hindi naman umuulan sa lugar na ito. Hindi ba't mas maganda kung ginawang Water temple ang tawag dito? Tutal halos lahat dito ay gawa sa tubig." Sabi ni Daimin habang patuloy na pinagmamasdan ang paligid.

"Nguh nyows..." Ang nais sabihin ni Minka ay who knows, pero dahil sa kaniyang nginunguya ay yoon ang pagka bigkas ng kaniyang salita.

"Ah! Kaya pala bigla kang nawala dahil naghanap ka ng makakain!" Irita na sigaw ni Daimin habang nakapamewang.

"Tara, ituro mo sa'kin saan mo nabili yan. Mukhang masarap!" Sabik nitong hinatak si Minka. Napakamot naman sa ulo sina Demo at Kite dahil akala ng dalawa ay pagagalitan ito ni Daimin. Yun pala ay nagalit ito dahil hindi siya nito yinaya. Wala nagawa ang dalawa at sinundan ang mga babae.

Huminto sila sa bilihan ng Icy water jelly. Ang malamig na jelatin na hugis ice cream na gawa sa tubig. Pero ang lasa nito ay hindi katulad ng ordinaryong tubig na walang lasa. Dahil kakaiba ang lasa nito.

"Hindi kami tumatanggap ng ganitong bayad. Ang tinatanggap namin ay pearl." Sabi ng nagtitinda. Dahil walang ganun si Daimin ay inabotan ni Minka ang nagtitinda at sila'y pinaalis na.

"Paano ka nagkaroon ng pearl na ginagamit na pangbayad sa mga ito?" Tanong ni Daimin.

"I sell my aqua amulet, they think na mataas na kalidad na pearl iyon kaya nagkaroon ako ng maraming pearl." Pinakita ni Minka ang isang sack pouch na puno ng pearl.

"Woa~ nice! Marami pa tayong pwedeng matikman niyan!" Masayang sabi ni Daimin, nag thumbs up naman si Minka rito.

"Hey, baka nakakalimutan niyo ang pinunta natin rito?" Paalala ni Kite sa mga ito.

"I think ayos lang yan. Pwede naman na maglakad-lakad tayo habang nag ga-gather ng mga information." Saad naman ni Demo.

"Kj." Sambit ni Minka at kaniyang tinignan si Kite, umiwas din agad ito ng tinggin.

"Tama si kuya! Tara na at maghanap ng makaka-- impormasyon!" Hinila ni Daimin muli si Minka. Habang ang dalawang lalaki ay nasa likod nila at sinusundan ang mga ito.

Maraming napuntahan ang mga ito na mga kainan. Pero walang impormasyon silang nakuha na importante. Inabot na ang mga ito ng gabi pero wala talaga. Kaya pumasok sila sa isang resto inn at umorder ng makakain para sa gabihan.

"Wala man lang tayong nakuhang magandang impormasyon..." Buntong hiningga ni Daimin.

"Ayos lang yan may bukas pa naman. Makakakuha rin tayo." Positibong sinabi ni Demo. Tumanggo naman ang mga kaniyang kasama.

Sa pagdating ng kanilang order ay kumain na ang mga ito. Napatigil lamang sila dahil may narinig silang nabasag.

"Anong ginawa mo!? Dinumihan mo ang aking kasuotan!" Sigaw ng lalaki sabay tinulak ang babaeng waitress.

"Pasensya na ho. Hindi ko naman sinasadya dahil ang laki mong harang sa daanan." Tumayo ang waitress at taas noo na tinignan ang malaking lalaki.

"Aba at ang angas mo pa kung makatinggin eh isa ka lang naman mahirap na nilalang!" Sigaw nito at sasampalin ang babae ng agad itong pinigilan ni Demo.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon