Sa isang magarang silid na puno ng mga bulaklak at damo. Ang kulay ng pader at kisame ay pilak, sa gitna ng kisame may puting ilaw na nakakasilaw ito ang nagsisilbing liwanag sa malaking silid na iyon. Ang sahig naman ay lupa na mayroong mahahabang damo at iba't ibang kulay na bulaklak. Ang mga kulay nito'y hindi katingkadan nandiyan ang puti, lilac, kahel at dilaw na mga bulaklak.
Sa gitna ng silid may lalaking may hawak na kulay kapeng pipa, nakasuot ito ng puting kasuotan at ang buhok nito'y itim. Nakapikit ito habang patuloy sa pagkalabit sa pisi ng pipa at mabagal na umaawit gamit ang maharlikang boses na kay gandang pakingan.
Sa damuhan ay may nakahigang apat na tao habang taimtim na natutulog na nakapaikot sa lalaking umaawit. Maya-maya ay ang mukha ng tatlo ay napalitan ng lungkot, pagkabigo at galit. Habang ang isang tao ay nagiseng sa kanyang pagkakatulog at dahan-dahan tumayo.
"Saan ako, ang natatandaan ko lang ay tinangay kami ng ipo-ipo at nawalan na ako ng malay." Mahina nitong salita, at tumingin-tingin sa paligid. "Minka! Kite! Clay! Gumiseng kayo, ano nangyayari sainyo!?" Sigaw nito sa pagaalala.
Nakita ni Demo ang tatlo niyang kasama na patuloy sa pagtulog habang mga binabangungot. Mapatingin siya sa lalaking patuloy ang pagawit, sa bawat pagkanta at kalabit ng pisi napapasigaw ang tatlo sa sakit ng kanilang dinadaing sa kanilang panaginip.
"Anong ginagawa mo sakanila! Sumagot ka, ikaw ang may gawa nito kung bakit sila nagkakaganyan hindi ba?" Salita ni Demo habang matapang na nakatingin sa lalaki.
Dahil sa kanyang narinig unti-unti nitong dinilat ang kanyang mata at tumingin kay Demo. Nahinto ito sa pagawit ngunit tuloy pa rin sa pagkalabit ng pisi ng pipa.
"Hindi ka natablan ng masamang panaginip dahil sa iyong mabuting kalooban. Hindi ka nagtatanim ng galit sa iyong kapwa katulad ng isang ito." Tinuro ng lalaki si Clay. "Hindi ka mapili sa mga taong iyong nais makilala, hindi katulad nito na hirap tangapin ang ibang tao." Sabay turo kay Minka. "Lalong hindi ka natatakot sa sariling matanggap ng ibang tao, hindi katulad ng lalaki na ito." Tinuro niya si Kite. "Madali ka magpatawad, hindi ka mapili, at tanggap mo kung sino lamang ang bukas ang loob na tanggapin ang iyong pagkatao. Alam mo sa sarili mo na mahina ka, pero ang puso at kalooban mo ay higit na malakas kaysa sa tatlong ito." Paliwanag ng lalaki.
"Hindi ko alam ang iyong sinasabi, ang nais ko lang ay malaman kung bakit mo ito ginagawa sakanila?" Tanong ni Demo na nagaalala.
"Ito'y kanilang kasalanan sa pagnanais na mapunta sa sagradong lugar na ito. Kung ika'y magpupunta rito na makasalanan, kailangan lamang na bigyan leksyon ang mga taong katulad nila. Ako si Dhrtarastra, ang diyos ng musika at tagabantay ng kapatagan na inyong nilakbayan. Ang taong makasalanan sa kanilang sariling kapakanan ay hindi nararapat makatapak sa aking silid." Ang katawan nito'y binalot ng puting aura at ang pwersa sa loob ng silid na iyon ay sobrang lakas na kahit si Demo ay napapaluhod nalamang.
Dahil sa lakas ng pwersa ay napapikit si Demo, sinubukan nitong idilat ang kanyang mata at nahagip nito ang taong nakadikit sa pader.
"D-demi!" Pilit nitong pagsigaw.
Dahil sa sinabing iyon ni Demo natigil ang malakas na pwersa na inilalabas ni Dhrtarastra at tuminggin sa babaeng naka dikit sa pader.
"Kasama niyo rin pala ang binibining ito. Isa rin siyang makasalanan, punong puno ng lungkot ang kanyang puso at isipan. Pero panay pa rin ang paglaban niya sa masamang panaginip na aking pinapakita sakanya--"
Napatigil ito sa pagsalita ng marinig ang pagkasira ng hawak niyang pipa. Nahati ito sa gitna at hindi na niya mapatunog muli. Nakita niya si Demo na may hawak na malaking scythe na nagbabaga. Dahil sa pagkasira ng pipa nahinto ang pagsigaw ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Ficção Científica[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...