003: Legion/Races/Types

10.2K 418 25
                                    

"Maligayang araw sa 'yo, ako si Egis ang nag aasikaso sa mga new player, maaari kitang matulungan upang gawin ang 'yong character at kung ano pa ang 'yong gustong malaman tungkol sa ZowaN."

Ang bungad ng isang magandang babae na may kulay berdeng buhok, at matang magkaiba ang kulay dilaw at berde. Kitang kita rin sakaniyang katawan ang ganda ng kurba nito, dahil sa kaniyang suot na fitted all over avatar suit. Ang boses din nitong malumanay, ay kay gandang pakingan.

Nag spawn si Demo sa isang hardin, puro bulaklak at paro-paro ang silid. Sobrang peaceful ng silid na 'to.

"Ano pwede bang malaman kung totoong tao ka?" Biglang tanong ni Demo rito.

"Of course, not. Hihi~ isa lang akong computer system na may sariling pag-iisip." Ngiting sagot ni Egis sa tanong ni Demo.

"So, ready ka na ba ayusin ang 'yong character avatar?"

Tumango naman ang binata. Bigla naglaho ang hardin at naging kulay itim na ang buong silid. At ang nakaupong Egis, kanina ay ngayo'y nagkaroon ng maraming screen hologram sa harapan.

Unti-unti naman nagkaroon ng asul na ilaw ang paligid, sa gilid-gilid. At ang kisame ay buong kulay asul na nagsisilbing ilaw sa silid.

"Your character name, please."

Unang tanong ni Egis, ang boses nya ay nag echo sa buong kwarto at ang kanyang focus ay nandoon sa computer lamang at ang mukha nito ay sobrang seryoso.

"Demo."

"Your name is available, proceed. Character races. Kailangan mo lamang pumili ng isa sa mga sumusunod,

Elf - Specialize mind reading.

Wolves - Specialize strong sense.

Gladiator - Strong body.

Witch - Fly

Nymphs - Attract and absorption."

"Eh, ano kayang pipiliin ko. Elf? Parang ang unfair naman ata kung makikita mo ang iniisip ng ibang tao. Wolves? Ayos naman dahil sa sense's pero hindi ko 'to gusto, mamaya maging itsura ng character ko may mukha ng wolves! Gladiator? Wala akong balak mag sword type. Witch? Baka naman mapalitan ang itsura ko at maging lolo ako na may mahabang ilong! Nymphs? Attract and absorption? Absorption mukhang maganda kung pwede maka-absorb ng buhay sa mga enemy, ang attract siguro para mapalapit sayo ang kalaban."

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon