058: Feelings

4.5K 172 8
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa Tiger cave ay bumalik na sila sa Shizizuo kingdom gamit ang Travel item ni Demo, ang balahibo ng ember phoenix.

Namangha naman si Kite dahil nakakuha nito si Demo, hindi pa lalagpas sa sampu ang mayroong travel item sa buong Zowan, hindi lang sa Philippines server kundi kasama pa ang ibang server.

Sobrang mahal din ang pagbenta ng impormasyon tungkol sa travel item, kung saan ito makukuha o anong kailangan gawin upang makuha nito.

Panay naman ang tangi ni Demo sa sinasabi ni Kite na sobrang swerte nito, sinabi rito ni Demo na nagkataon lang ang pagbagsak ng balahibo ng ibon sa kanyang harapan.

Hindi na rin naman ibinukas ni Minka ang tungkol sa kanyang hellblade na nasa kamay na ni Laylin, wala rin naman kibo ang tatlo rito dahil nakikita nila na ayaw na itong pagusapan pa ni Minka. Hindi na rin nila tinanong dito kung anong nakaraan ang mayroon ang dalawa, kung bakit malaking galit ni laylin dito.

Sabay-sabay na sila nag off maliban kay Daimin, pumasok ito sa isang inn sa Shizizuo kingdom at doon nagpalipas ng gabi.

[School]

Pagkatapos ng klase nila ay walang alinlangang lumapit si Thea sa nag aayos ng gamit na si Demo, napadiin ang kamay ni Thea sa tela ng kanyang suot na palda at binubuka ang bibig ngunit walang tinig na lumalabas.

"Thea?" Nagulat si Thea ng narinig nya ang pag tawag ni Demo sa kanyang ngalan.

"A-a-ano... Kasi..." Utal-utal nitong salita at hindi mapakali kung saan ito titingin.

"Ayos ka lang?" Muling salita ni Demo, tumanggo naman si Thea bilang sagot.

Ang iba nilang mga kaklase ay naglalabasan na ng klase, si Tanya naman ay nakasilip lamang sa pintuan ganun din naman si Ricky. Inaya pa nga ni Rick ang dalawang kaibigan ngunit tumanggi ang dalawa at lumakad na palayo. Napansin ni Demo ang dalawang nakadungaw sa maliit na bintana ng pinto, sumenyas lang si Tanya rito ng huwag ito maingay at tumanggo naman si Demo.

"Ano, kung wala ka ng sasabihin aalis na ako." Nag panik naman bigla si Thea at bulalas itong nag tanong.

"May nagugustuhan ka na ba na babae?" Nang natapos nya iyon banggitin ay agad itong napatakip sa kanyang bibig.

Hindi naman alam ni Demo ang kanyang isasagot sa tanong ni Thea, tumahik ang paligid at dahil walang imik si Thea na naghihintay ng sagot ni Demo ay wala na itong nagawa at nagsalita.

"Hindi ko sigurado, pero palagi siyang nasa isip ko." Umiwas ng tinggin si Demo at napansin ni Thea ang pamumula ng pisngi nito.

"Si-sino?" Nagaalinlangan si Thea ngunit matapang itong nakatayo sa harapan ni Demo at hinihintay ang sagot nito.

"Si Minka." Mahinang banggit ni Demo, pumaulit ulit yon sa tainga ni Thea yumuko ito at muling nag salita.

"Bakit hindi ka sigurado? Kung palagi man siyang nanggugulo sa isip mo hindi ba't isang sign yon na gusto mo sya, lagi mo siyang iniisip dahil importante siya sayo, kung importante siya sayo ibig sabihin gusto mo siya. Kung hindi mo aalamin sa sarili mo, sa huli kapag nalaman mo na ang kasagutan pagsisisihan mo kapag naglaho na ang taong wala kang 'kasiguraduhan' sa akala mo. Kaya bago mahuli ang lahat simulan mo ng alamin kung 'oo' ba o 'hindi' ang sagot." Bago tumakbo paalis si Thea ay ngumiti ito ng bahagya.

"Paano ko malalaman ang totoo, kung hindi ko nga alam ang totoong pagkatao nya." Walang ganang sambit ni Demo habang nakayuko.

"Are you a kid?"

Napaayos ng upo si Demo at tinggin sa kanyang gilid.

"Michaella?" Gulat ni Demo. Tumayo si Michaella at humarap kay Demo, walang emosyon nitong tinignan si Demo.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon