Tahimik na ang boung Toneville Garden. Nasa labas ako, nakaupo sa may buhangin, nagpapahangin.
Tulog na din si Xander (her 5 year old younger brother) at inaantay ko nalang din na makatulog na ako.
Mas maganda pala ang dagat pag gabi.
Medyo nakaramdam na ako nang antok kaya tumayo na ako at pinagpagan ang pwet ko. Saktong paglingon ko sa likod..
"Good evening chicks! Anong ginagawa ng isang binibini sa labas ng ganitong oras?"
Limang lalaki ang nakangising nakatingin sa akin ngayon. Tansya ko, kasing edad ko lang ang mga ito. Hindi naman sila kapangitan, saktong-sakto lang para bangasan ang mga pagmumukha nilang lahat.
Aalis na sana ako at hindi sila pinansin ngunit hinigit ako at tinulak ng parang leader nila ata. AGH! Pinapagalit ako ah!
"Touch me again. And you're dead!" kalmado kung sabi.
"Wow! Palaban, ito ang gusto ko! Challenging!"
Tinitignan ko lang sila habang umiikot saakin. Humikab pa ako hindi ko naman sinasadya dahil inaantok na talaga ako. Aish! Gusto ko nang humiga sa kama.
"Mahal niyo pa naman buhay niyo diba? So, let me sleep! Masyadong lumalalim na ang gabi. Tas, walang masyadong pagtataguan dito sa mga bangkay ninyu at mahirap maglibing" kalmado kong sabi.
"Pwe! Tinatakot mo ba kami. Hindi umuubra, Miss! Baka sayo pa namin magawa ang bagay na yan"
"Talaga!? Cge nga!"
Sabay sabay na tumakbo silang lima papalapit saakin. Umupo naman kaagad ako at pinatumba silang lahat by using my foot.
Nakaupo ako habang sampa ang dalawang braso ko sa tuhod ng pinanood silang nakahiga.
"Yan lang ba ang kaya ninyong gawin?! Hindi panga kayo nakakalapit eh, tumba na lahat kayo!" tumayo naman kaagad sila, kaya tumayo nalang din ako. Humikab pa ako..
"Sorry! Di ko talaga mapigilan. Inaantok na talaga ako eh!" sabi ko pa na ikinatawa nilang lima.
"Kung di madadala sa santong dasalan, dadaanin natin sa santong basbasan" tanaw ko na ang kutsilyong hawak nila.
Pumitik saglit ang puso ko. Oo at kinakabahan ako, Peru....... Hindi masyado.. Haha
Sumugod yung isa, kaya mabilis akong sumampa sa kanya at pinagsisipa ang kasama niya tas pinataub ko siya sa buhangin.
Tinarget ako ng isa sa kanila ng kutsilyong dala niya ngunit mabilis kong inilagan yun at natamaan yung nasa likod."JAMES!" sigaw nung kasama nila at pinanood ko lang sila habang tumatakbo papunta doon sa natamaan ng kutsilyo sa............. Braso lang naman pala eh! Tsk! Ang layo sa bituka.
"Hindi pa mamamatay yan!" kalmadong ani ko sa kanila.
Tumingin naman yung mukhang leader ata nila saakin na nanlilisik ang mata.
"Kasalanan mo to!" sigaw niya.
Tumakbo siya para saksakin ako ngunit nakuha ko agad ang kamay niya at binali iyun.
"Aba'y sinisisi pa ako! Oh! Sinong susunod? Libreng magpabali saakin. Pwede sa paa, kamay, daliri, likod o di kaya'y leeg!" sigaw ko.
Medyo pinagpawisan ako sa kanila. Tinignan ko naman yung James na halos mamutla na dahil sa dami ng dugong nawawala sa kanya. Inikutan ko sila nang mata.
"Tabi nga! Hindi titigil ang agus ng dugo niyan kung titigan niyo lang. Aish!"
Tumabi naman silang lahat. Kinuha ko yung kutsilyo ng kasama niya at ginamit iyun para punitin ang damit nung James daw.
"Oh! Huminga ka, dahil sa medyo masakit ito!" hinugot ko yung kutsilyong nakataob sa braso niya at chaka pinigilan ang pay agus ng dugo. Napa "AGH!" naman siya.
Tumayo na ako.
"Oh! Dalhin niyo nayan sa may malapit na hospital dito! Baka maubos ang dugo niyan!"
Pinatayo naman nila yung James daw. Saktong pagtalikod ko, tumambad saakin ang mukha nung lalaking nabalian ko ng buto sa braso. Umikot muli ang mata ko. Hinawakan ko ang braso niya.
"AGH!" napangiwi naman siya nang ginawa ko iyun. (Crack!) Binalik ko yung braso niya. Napa-iyak naman siya. Saktong susuntukin ko siya.
"Sarap mong upakan, bakla ka masyadong!" binaba ko nalang ang kamao ko. "Ano pang inaantay niyo! Mamamatay na yang kasama niyo. Ikaw! Sumama karin!" pinanood ko silang umalis.
Hehehe sana nagustuhan ninyo. Lovelotssss!! Bye until next update! And peace out!
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...