Katangahan

260 4 0
                                    

Update na po ako ulit..  Lubos-lubosin ko na po ito dahil next month, wala na busy na ako. Sorry po kung nakikigulo pa ako at may mga introduction pa akong nalalaman. Gusto ko lang talagang magchika..

Nyahaha.. Cge na! Enjoy po!


"Naging kayo, then break up! Naging kayo ulit dahil sabi niya mahal ka pa niya at nagsisisi na siya dahil iniwan ka niya chu chu na yan tas break up na naman. For the third time, ganun parin. Grabi te! Ang tanga-tanga mo na!"


"Pwede ba Mara! Pagaanin mo naman muna yung loob ko. Sinisermunan mo naman ako eh!" for the third time nagbreak na naman kami ng boyfriend ko.

Super naging tanga ako. Tatlong beses akong nagpakatanga bess.


Kaya nandito ako ngayon sa kwarto ng bestfriend kong ewan ko lang kung kaibigan ko ba to at nageemote. Nandito sana ako para magpakalma tas ito din pala gagawin niya saakin. Tsk!


"Damn him, Mara!" sigaw ko. Napatakip naman siya ng tenga niya sabay ngiwi.


"Anong damn him?! Damn you ka mo! Tsk! Kasalanan mo naman kasi te. Tanga-tanga mo kasi! Kung ime-measure natin yang katangahan mo, seguro lagpas earth na at umabot na hanggang solar system. Natamaan na yung mga galaxies at meteors nun. Subrang tanga mo, feeling ko nga pwede ng ulamin yang katangahan mo eh!"

Grabi naman kung makatanga tong kaibigan ko kuno daw. Tsk! Subrang tinatamaan ako! Tsk!

Napairap nalang ako sakanya at patuloy na pinapahid yung mga luha ko.

"Ohh! May pairap-irap ka pang nalalaman diyan bruha ka te. Dukutin ko yang magkabilang mata mo eh. Imagine, tatlong beses! Tatlong beses mong binalikan. Suka ka na nga ng suka, tas yung sinusuka mo kinakain mo ulit. Kadiri ka!"

Nung huling beses yan din sinasabi niya saakin. Hindi na daw ako nagtitino. Tsk! Ano ba gusto niyang palabasin, na purkit ex wala ng karapatang bigyan ng second chance? Ganun?


"Ehh! Bakit ba! Mahal ko yung tao eh! Tas mahal niya rin naman ak---"

"Hala te! Naniwala ka naman! Gaga ka talagang bruha ka. Tanga tanga mo!" pamputol niya sa sinasabi ko.


SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon