Sabi nila impossible daw yung babae't lalaki na maging bestfriends na hindi man lang nagkakagustuhan.
Siguro nga'y tama yun dahil noon pa man, may lihim na akong pagtingin kay Camden, bisexual kong bestfriend.
Biruin mo? Mahigit 5 years ko yung tiniis ah, hindi man lang ako nag confess sa kanya kahit minsan. Natakot kasi ako na baka masira ang friendship namin e. Kaya itatago ko na lang 'to.
["AKIYAAAAAA!"] sa tuwing nagpa-pop yung pangalan ni Camden sa messenger ko, pumipitik ang puso ko nang napakabilis. Hindi ko malaman talaga bakit ako nagkakaganito. Aish!
["Oh? Bakiiiiiiit?"] reply ko.
["I have something to tell you."] pinapakaba talaga ako kapag gan'to na ang chat e. Aish!
["Anooo yuunn? Sabihin mo na, mag-a-out na ako e."]
["Ewan ko kung magandang ideya to buuut, ipapakilala na kita sa lalaking nagugustuhan ko. He's Axyl Yap. Recently lang kami nagsimulang mag-chat."] pumitik ulit ang puso ko.
Why does my heart acting like this again? Kaya mo yan, Akiya! 5 years mo na ngang tinitiis at pinipigilan 'to e.
Kaya mo yan!
["Sge, kailan ba yan? Sa personal ba? Wow, Camden ah, gagawin mo pa akong third wheel. Sigeeeeee, basta libre niyooo, go na go akooo!!"]
["Bukas sana, free ka ba?"]
["Kahit hindi ako free, gagawan ko yan ng paraan alang-alang sa pagkain. Saan ba?"]
["Susunduin ka na lang namin ni Axyl. Bukas ah!"]
["O sige2x, out na ako. Babyyeeeeee!!"] Aish!
Masakit na nga sa akin nung kinukwento niya kung gaano siya kahibang sa ex niya noon e, ngayon naman ipapakilala na niya ako sa taong nagugustuhan niya. Okay, handa na naman akong masaktan ulit.
Tsk! Paghahandaan ko nalang din.
Kinabukasan, naka-abang na ako sa labas ng gate namin.
Peep! Peep!
May kotsi kasi si Camden e, yung akala kong siya lang pero biglang may lumabas na isang gwapong bisexual din ata 'to doon sa passenger seat. Infairness ah, gwapo din 'tong nabingwit ni Camden, siya na 'ata yung Axyl na kinuwento niya kagabi. Axyl Yap ba yun? Hmm, may lahing Chinese ata 'to, singkit e.
"Kiyaaa!" hinawakan ni Camden ang bewang nung lalaking singkit.
"S-si Axyl, --- Axyl si Kiya naman, bestfriend ko." Ang lapad-lapad na ngayon ang ngiti nitong si Axyl, nawawala ang mata niya kapag ngumingiti siya. Hanggkyuutttt!
"H-hi Kiya. Nice to finally meet you." aniya. "A-ah-- h-hello--" tinanggap ko yung inaabot niyang kamay, antagal pa bago niya iyon binitawan.
Tsk! Weird amp!
Yun na nga. Whole day akong naging third wheel. Pero, ayos lang libre naman e.
Habang kumakain at nagkwe-kwentuhan kami ni Camden, itong weird amp naman na Axyl kanina ko pa napapansin na ninanakawan ako ng tingin.
Ano bang problema nitong isang 'to?
Nung music kami, pagod na pagod ano. 9 am hanggang 7 pm kami nasa labas?
Biruin mo yun?!
Nag friend request sa akin yung Axyl, in-accept ko naman kahit labag sa kalooban ko.
Baka sabihin pa nitong nakikipagplastikan lang ako sa kanya kanina kung iignore ko.
Agad naman siyang nag-'hi'.
Weird talaga amp!
Friend na naman kami dahil kay Camden kaya naman pinapakisamahan ko na lang kahit ayaw ko naman sa kanya para kay Camden, dahil ako ang para kay Camden.
Aish! Suddenly, habang nagcha-chat kami gumagaan din ang loob ko sa kanya. Ang galing kasi niyang magpatakbo ng usapan e, hindi talaga ako nabo-bore.
Ngayon ay alam ko na kung bakit ito nagustuhan ni Camden. Hayss, sige na nga! Papayag na akong maging sila. Mukhang mabait naman itong si Axyl para kay Camden, kaya okay na din.
["AKIYYAAAAAA DIZOOONN! Tatawag ako!"] Hindi na nga ako nakapag-reply dahil sa agarang pag-ring ng phone ko. Ano na naman kayang problema nito?
"Oh, bakit ba?" Nagulat ako kasi umiiyak na yung kabilang linya. "C-Camden, o-okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong. Ano bang nangyari dito?
("Si Axyl kasi--- ayaw na niya daw. All of a sudden, may iba na siyang natitipuhan at ang mas masakit pa doon---- babae daw?!")
"ANO?! WALANG 'YA NAMAN PALA YANG AXYL YAP NA YAN E! Hindi ko alam na may ganyan siyang ugali? Saan ba nakatira 'yan at susulongin natin!?" Kahit may bahagi sa sarili ko na masaya ako dahil sa wakas wala na akong ka-agaw kay Camden. Hi hi hi hi hi
("Wag ka, Kiya! Tatanggapin ko na lang din baka kasi talagang babae ang para sa kanya e.") at ayon, panay comfort ko sa heartbroken kong frenny. Ano ba naman yan! ("Bukas susunduin kita. Mag-inoman tayo, sagot ko na pupunta ka na lang para malasing yun lang. Kaya wag ka nang tumanggi!)" Haayssss, ("Wag mo na siyang awayin ah, magmo-move on na ako sa kanya.")
"Magmo-move on e hindi naman naging kayo!"
("ANO BA AKIYA! Bukas, susunduin kita!") Aish!
Kinabukasan, nasa labas na ako ng gate, susunduin daw niya ako e, mag-iiinom daw kami ngayong araw. Edi sige! Balak ko na rin sana'ng magconfess sa kanya ngayong araw.
Nagulat ako nang makita kong lumalabas si Axyl sa kotsi niya at naglalakad patungo sa direksyon ko.
"A-Axyl, ---a-anong gina-gawa mo dito?"
"Kita, free ka ba?" What?! Hindi pa nga niya sinasagot ang tanong ko e.
Ano ba kasing ginagawa niya dito? Baka makita pa kami ni Camden e, kung ano-ano pa isipin nun. Panira naman 'to ng date e.
Nagulat ako nang lumapit si Axyl sa akin at hinalikan ako sa pisngi. (O_o)?? WTF!! "Kiya, gusto kita. Can we go out for a date?" (O_o)??
Nanlaki lang ang mata ko. Ano daw?! Gusto niya ako?! Ako pala yung babae ng yun?!
"AKIYA!" si Camden?!
Putik, ano ba 'to?!
Bigla akong inakbayan ni Camden na ikinagulat ko talaga.
"Axyl! Mali naman 'atang halikan mo nalang nang basta-basta ang girlfriend ko?!" Ano?!
"A-ano? Girlfriend mo si Kiya?! Kailan pa?" Ano ba ang nangyayari?
"Oo, bakit?"
UNSANAMANEEEHHH?!
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...