"Tara na! Baka maiwan tayo ng bus. Kukunin na naman natin ang next trip na mamayang umaga pa yun! Tara daliiiii~ " sigaw ni Lana habang bit-bit2 niya yun bag niya at pinapasunod kami sa bus.
"Excited naman masyado tung babaeng to! Tara na guys, baka matae na si Lana sa super ka excited eh!" Leroy.
Habang busy-ng busy sila sa pagsasakay ng bus ako naman patuloy ang paggala-gala sa mga mata ko sa buong paligid. First time kong lumuwas sa kahit saan na hindi kasama ang mga magulang ko.
Medyo excited kasi aattend kami ng debut ni Hailey. Medyo malayo-layo nga lang yun ng kunti. Island kasi siya magde-debut.
"Hey, Sandy! Gusto mo bang magpa-iwan? Para kang timang kakaligoy-ligoy ng tingin mo!" Sigaw ni Bent saakin. Kaya agad akong sumampa sa bus.
Lima kaming nandito ngayon sa loob ng bus. Si Lana na super excited, si Leroy, Bent, Kathy at ako. Si Hailey nalang ang kulang at kompleto na ang barkada.
Dalawa lang lalaki sa barkada apat kami babae.
Nang makarating kami sa pier, agad naman akong napahanga. Maganda pala dito!
"Nagtext si Haily, sasakay pa daw tayo ng bangka para makarating sa island. Nako mukhang masaya to!" Masayang ani ni Leroy.
"What the---- nalulula ako kapag sa tubig! Urg" akala ko naman kung sinong babae yung nalulula sa tubig. "Bruhh! Naamoy ko palang ang dagat, nasusuka na ako!"Nasusukang sambit ni Kathy.
Sumakay naman kami, alas 8 pa lang ng umaga. Sinadya naming maaga para makaprepare pa kami doon.
Boyfriend ni Hailey si Bent. 6 months na sila. Ewan ko doon, magbabarkada tas sila-sila lang din ang nagliligawan. Aish! Edi, pabayaan.
"We're here!" Mula terminal hanggang dito, hindi talaga maitatago ni Lana na subrang excited siya. Halata naman diba? Sa sigaw ba naman niya na parang laging nakabitbit ng megaphone.
Maganda ang island resort nila Hailey para sa debut niya. Exclusive kaya pwede kaming pumunta kahit saan. Panay picture-picture naman nila.
Habang suka ng suka naman si Kathy at patuloy na hinahagod ni Bent ang likod niya.
"Aish! Ba't ba kasi ako sumama?" Ani pa nito.
"Guys, selfie tayo!" Sigaw ni Leroy. Siya lang ata ang lalaking mahilig magselfie. Akala mo sinong bakla. Aish!
"Guys, hali na kayo! Nagluto ng meryenda si mommy! Kain muna tayo! So, how was the trip? Masaya ba?"

BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
KurzgeschichtenHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...