Madre

75 3 0
                                    

2 consecutive horror updates. Alam ko namang hindi ako marunong gumawa ng horror kaya pagpasensyahan niyo na. Bumabawi naman ako eh. hehehehehe!

Lablab niyo nalang kasi ang Lola niyo.

Okay, so sa next UD base on a true story ulit. Nung teacher ko nung high school (Senior high na kasi ako ngayon) mahilig silang magkwento eh lalo na kapag nakakatakot. Kaya itong madre, isa to sa kinukwento nila.

"Amy, samahan mo ako sa CR please, mag poo poo ako. Ang sakit ng tiyan ko. Segi na, bilisssss!"

Panay hila ko sa kaibigan kong busy sa K-drama niya. Hindi na nga kumikindat ang mata eh sarap dukutin. Natatae na ako ng superrrr!

Kanina kasi kumain ako ng dirty ice cream. Eh, literally-ng dirty pala talaga yun. Aish! Jessi naman kasi kung ano-ano ang kinakain.

"Sorry Jess, but I need to finish this episode. Mamamatay ako pag-pinalagpas ko pa to! And Jess, malaki ka na. Magpoo poo ka nalang doon. Please." Hindi ko na kaya, lalabas na talaga siya.

Pinitik ko muna ang tenga niya, "Aray!" Tsk!

Tumakbo na ako papuntang CR. I can feel it, it's coming from down there. Ahhhhhh, magpoooo poooo na ako.

"Ah-Ah-Ahh~" Nakalabas na din sa wakas ang kanina ko pa pinipigilan. Ahhhh- Ang sarap sa pakiramdam.

Wash! Rinse!

And I'm done!

Tumingin ako sa salamin bago ako umalis, "Ang ganda ko talaga, walang kupas." Bogsh! Halos lumipad ang kaluluwa ko sa gulat dahil biglang sumarado ang pinto.

I tried to open it, peru bakit walaaaa! Hindi na siya bumubukas.

"Hey! Sinong nasa labas? Amy, hindi magandang biro to! Malilintikan ka talaga saakin kapag nakalabas ako dito!" Biglang nagswi-switch on and off ang ilaw.

"I'm not scared, Amy. Get me outta here!" Tsk!

Nabwe-bwesit na ako ah! Aish!

Paglingon ko sa likod, may isang madre akong nakita.

Wearing black dress at yung sinusuot nila sa ulo.

Nakangiting nakatingin saakin habang dala-dala ang isang kandila. Yung ngiting abot hanggang tenga. At ngiting, dahilan kung bakit ako kinakabahan ngayon.

I closed my eyes and pray. Yung malakas na panalangin. Panalangin lang naman ang tanging paraan para mawala ang mga ganitong sitwasyon.

At nung binuksan ko ang mata ko, nagkalapit na ang mukha namin. Habang nakangiti parin siya.

Magiginaw na pawis ang tumatagaktak sa noo ko. Hindi ko man lang nagawang sumigaw dahil tila hinihila niya ang dila ko.

Sinasabayan niya ang bawat bigkas ng panalangin ko. Hindi parin ako nagpatinag at pumikit ulit. Nararamdaman ko na ang malalamig na kamay ang humawak sa akin.

"Amen!" Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng comfort room. Tumigil na din ang pag-on and off ng ilaw. Nakahinga ako ng malalim, hanggang-------

"Hue~ Hue~ Hue~ Hue~ Hue~" nanindig lahat ng balahibo ko nang makarinig ng isang iyak galing sa ikatatlong cubicle ng CR. Tumigil lang din naman ito agad.

"Which do you prefer? Crying or laughing? Bwahahahaha!"

"Ahhhhh!" Napasigaw na ako at saka tumakbo sabay suntok suntok sa pinto.

Nanindig ang balahibo ko, hindi dahil sa takot kundi dahil---- ENGLISH na pala ang mga nagmumulto ngayon? Nga naman, upgraded na pala? "Tulonggggg!!"

Nakakabaliw, oo nababaliw na ako. Ewan ko ba, lahat ng bagay na sinusulat ko nilalagyan ko ng mga kabaliwan. Kailan ba ako magseseryoso?

Charottt! Hehehehhe, Tandaan 15 ang gagawin kong updatessss! Hehhehhehe Peace out na .. Babye na sa Lola niyo. Hahahaha .. Peru Parang Hindi ko kaya ang 15.. Hahahah

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon