Hindi ko mapigilan!

30 2 5
                                        

WARNING: KAGIMBAL-GIMBAL ANG MGA PANGYAYARI! NAKAKASUKA! NAKAKATAKOT! IMMORAL! HINDI MAKATAO! KARUMALDUMAL! DI MAKATARUNGAN!

KUNG AYAW NIYO NG MGA GANITONG GENRE, PLEASE SKIP THIS PART. SUSUBUKAN KO LANG NA GUMAWA NG XENON THE REAPER like na genre since ini-idolo ko siya. Peru kung kaya mo namang magbasa ng ganito ay basahin mo na.. Hahahahah..

PS. Hindi naman ako magaling sa ganito. First time ko, kaya feeling ko makakaya mo lang to. Kuko lang ako ni XenonTheReaper.. 😅 Masyado kasi siyang magaling sa mga mystery-mystery at ganitong patayan na.. Hahahahah.. Lodi kong tunay.

Follow him on wattpad XenonTheReaper and antayin niyo yung pagbabalik ng DIARY OF A PSYCHOPATH; ASYLUM MADNESS; DECAYING JEDESVIA. Tatlo yan. Ini-edit pa ata niya kaya wag kayong magtaka kung wala doon. Ang dami niya na pong napublish. Hindi ko na iisa-isahin. Just visit his account and all his works. Ang gaganda, promise. Kung ganitong genre lang ang pag-uusapan, XenonTheReaper tayo.

PS. Hindi po ako nanghingi ng permission kay Author Xenon na ma-me-mention ko dito ang isa sa mga gawa niya. Sana hindi ako ma-bash dito kung may mga reapers ditong napadpad. And again, DISCLAIMER: Hindi po ako maganda gumawa ng patayan. Mahina po ako sa pagpapaliwanag. Don't roast me. Hehehehe.

THE WARNING HAS BEEN GIVEN. Sisimulan ko na.

I'm Raynia Echavez, 17.

Bata palang ay hindi laruan ang nilalaro ko kundi may buhay.

Nung naging 13 years old ako, nakahiligan ko ng pumatay.  Tandang-tanda ko pa nun, pusa ang kauna-unahang napatay ko. Naglalaro ako nun sa bakuran namin nang naisipan kong pagtripan ang pusa naming si Dingdong.

Nakakaramdam ako ng napakatinding kasiyahan dulot ng mga dugo't mga lamang loob na nagsilabasan sa katawan nung pusa.

Simula nun, pangarap ko ng maging isang professional na doctor pagdating ng panahon. Matalino ako't alam kong hindi magiging impossible yung pangarap na yun para saakin. Doctor din kasi pareho ang mga magulang ko kaya seguro ganun na din ang nakahiligan ko.

Napapadalas yung pagpatay ko.

Hanggang sa nagiging hobby ko na. Maski insekto, hayop at ---- tao'y pinagtri-tripan ko.

Ngayong 17 na ako, pakiramdam ko mas kailangan ko pa.

Hindi ko naman sila kinakain peru pakiramdam ko nagugutom ako.

Hindi ko naman ini-inom ang mga dugo nila peru pakiramdam ko nauuhaw ako.

Kaya ganun na lamang ang kagustuhan kong minu-minuto ay dapat may dugo akong nakikita't naamoy.

Nakakatuwa lang dahil -- supportado ako ng mga magulang ko pagdating sa mga gusto at nakahiligan ko. Sa katunayan ay tinuturuan pa nila ako kung paano pumatay ng hindi madumi.

May pinagawang slaughter room sina Mommy at Daddy nasa basement ito at ang ganda-ganda lang ng pagkakagawa. May parang operating room, merun ding morgue, mukha talaga siyang hospital sa loob. Merun ding area kung saan ako magluluto.

Kompleto na din ang gamit ko, may lab gown din ako. Birthday gift nila saakin nung nag-15 ako. 2 years ko na siyang ginagamit. Best birthday gift ever nga yun eh kung ituring ko.

Nung nag-16 naman ako ay camera naman ang niregalo nila saakin. Subrang saya ko nun dahil sa wakas ay may documentations na ang bawat master piece ko. Hanggang ngayon ay may photo area ako sa slaughter room ko. Doon naka-display lahat ng master piece ko.

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon