"Ba't parang kasalanan ko pa?"

13 2 0
                                    

Ipo-post ko ito dito kasi parehong nagalit at nasaktan na naman ako dahil sa isang kaibigan, noo-- minsan ko na palang naging kaibigan.. Sana masaya na siya ngayon.. BAHALA NA SIYA SA BUHAY NIYA.. Attitude ka Guurrlll.. HAHAHAAHHAAH

Hindi niya ba na-aappreciate?

Bakit parang pilit?

Andami ko namang nagawa para sa kanya,
Pinaramdam ko pang siya'y mahalaga

Kanyang paglisan, ako pala ang dahilan,
Attitude ko raw di na niya nakayanan,
Sana naman sinabi mo agad,
Para naman ako'y hindi na naghangad

Masyado kitang minahal,
Sinubukan kong sumugal,
Alam ko namang hindi tayo magtatagal,
Kaya ito, ako yung nagmumukhang epal

Naka-move on na sana ako sayo eh,
Pero, kinuwento mo na naman ang dati,
Akala ko okay na tayo,
Peru hanggang ngayon, iba pa rin pala epekto nun sayo?

Bakit pakiramdam ko ako pa ang may kasalanan?
Ako pala kasi ang dahilan ng iyong paglisan,
Sinisisi ko na tuloy sarili ko,
Sige, tanggap ko naman na ako talaga'y siraulo,

Hindi ko sinabing ayaw ko sayo,
Iba 'ata naging interpretation mo,
Hanggang ngayon, pinipigilan kong 'wag magalit,
Pero ayaw ko nang maging mabait

Naiinis ako sa sarili ko kasi naiinis ako sayo,
Kung magkwento ka kasi sa iba, lumalabas na ako yung demonyo,
Pa-victim ka pa para awaan ka nila?
Taemo, wala kang pinagkaiba sa mga kontrabida sa drama,

Pang-anghel mukha mo, ugali mo hindi tumugma,
Kapag bilog ang buwan, tae! Anlakas ng tama!
Sorry, peru hinahangaan pa naman kita,
Ayaw ko na sanang magreact, kaso 'di ko na kaya,

Okay, tatapusin na natin ang usapan,
Tatanggapin ko na ang aking kasalanan,
Sorry kung nasaktan kita,
Pasensya kung ugali ko'y di mo nakaya

Mas mabuti na yung nakalaya ka na,
Laya sa mga sakit na nadarama,
Sakit na dulot ko pala,
Pasensya na talaga

Pero, kahit na ganun hindi pa rin ako magbabago,
May mga tao kasing nagmamahal pa rin sa akin ng totoo,
Sana makahanap ka rin ng mga taong ganun,
Pamilya at kaibigan, parehas lang yun

Wag kang mag-alala,
Hindi ko ugaling magtanim ng galit sa iba,
Mas maganda nga yung nawala ka,
Yung lungkot pinalitan agad ng saya

Kung saan ka man ngayon, mag-ingat ka pa rin,
Pinagdadasal kita't laging laman ng panalangin,
Sana'y naging masaya ka sa desisyon mo,
Kasi masaya na rin ako.

-MissYJMWrites

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon