I woke up with bruises on my legs. This time, tatlo na naman ang nadagdag sa mga ito.
Every time na natutulog ako sa gabi, nagigising nalang ako na may mga pasa na ako sa katawan na para bang binugbog ako ng kung sino man sa aking pagtulog. Peru ang nakakapagtaka dito, hindi naman ito masakit kapag hinawakan. Parang kinulayan lang ng violet.
Kahapon, tinry kong pumunta sa doctor peru wala silang mahanap na sakit mula saakin. Natatakot ako, dahil habang tumatagal mas dumadami yung mga pasa sa katawan ko.
"Hoy! Meray, napano na naman yang paa mo? Binugbog ka na naman ba ng kasa-kasama mo sa bahay! Hahahahah, nakakatakot naman!"
"Ano ka ba. Siya lang mag-isa sa bahay na yun. Hahahahah. Ang sabihin mo, ---- baka binugbog niya ang sarili niya. Haha, Meray baliw!" Natutunan ko ng wag pansinin ang mga taong araw araw nalang kung ako'y tuksuin.
"Oyyyyy, Meray! Nandito si Yuan oh. Diba, crush mo si Yuan? Hahahahahah!" Gusto kong lamunin na ako ng lupa ngayon. Mas binilisan ko pa ang aking palalakad.
Peru, napa-ungol ako nang may humigit sa braso ko at kinaladkad ako papalapit kung saan sila at kung saan nandoon din si Yuan.
"Woah! Bro, ilayo mo yan saakin! Kadiri bro. Hahahaha!" Rinig kong reklamo ni Yuan.
Naiyak na lamang ako ng maalala ko lahat ng ginawa nila saakin. Pinagpustahan nila ako at dahil tanga ako--- nahulog ako sa bitag nila.
"Hoy, Meray! Salamat ah, nanalo ako sa pustahan namin. 10,000 din yun. Pathank you ko sayo, ililibre kita." Umiyak ako't pinagsususuntok ang dibdib niya.
"Walang hiya ka!" Ani ko.
"Hmpt! Umaasa ka talagang liligawan kita? Hahahaha, tumingin ka nga sa saamin, Meray. Tignan mo ang sarili mo! Nacu-curious tuloy ako," hinawakan niya ang mukha ko at inilapit sa kanya, "Sino kaya ang lalaking magkakagusto sayo? Hmm? Hahahahhaha, dahil kung ako ang tatanungin mo--- kahit ikaw nalang ang natitirang babae sa mundo, mas pipiliin ko pang kitilin ang buhay ko kaysa ang maging girlfriend ka."

BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...