"Kamahalan, nandito na po ang pinadalang tauhan para tuparin ang kahilingan ng iyong humaong mga magulang. Ang tagapanatili ng iyong seguridad dito sa palasyo. Sila ay ang mga sundalong nagsisilbi sa bayan na handang manilbihan din dito sa kaharian."
"Ahmm, ako ba ang pupunta doon o----- sila ang papapuntahin ko dito?" Hindi ko kasi alam. Wala akong alam sa pagiging hari ng bansa.
"Kamahalan, may inihanda pong lamesa sa ibaba. Doon po sila mag-aantay sa inyo? Sumunod na lamang po kayo saakin."
"Ahhh, Segi2. Peru, ano po bang sasabihin ko kapag nagkita kami?" Ngumiti naman ang chief secretary ng royal family saakin.
"Just be yourself, your Majesty." Tumango-tango ako at huminga. Kaya ko to.
Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa lamesang tinutukoy niya. Nang makita nila ako, agad silang tumayo at nagbigay pugay para bigyan ako ng respeto. Mga nakaunipormeng tao, isang babae at tatlong lalaki.
"Kamahal------"
"Teka, kayo lang? Nasan yung iba?"
"Kamahalan, sila lang po ang inatasang makipagkita sa inyo. Dahil, kung dadalhin natin silang lahat dito sa loob. Hindi tayo magkakaintindihan. Maiwan ko na kayo." Naglakad na palayo ang chief secretary matapos siyang magbigay galang saakin.
"Kamahalan, ako si Abigail Funtilla, galing sa special force ng bayan at ang inatasang maging team leader ng grupong ito. Nandito po kami para-----"
"Ahhh, alam ko na! Nandito kayo para sa seguridad ko."
"Tama po kayo, kamahalan. At hindi lang para jan, nandito din kami para e-train ka. At maging isang ganap at magaling sa hari sa bayan. Hindi lingid sa kaalaman namin ang kakayahan mo. At ikinalulungkot naming sabihin na--- hindi mo pa taglay ang katangian bilang isang hari." Napatingin ako sa kanya. Alam ko na naman yun, hindi na niya kailangang ipamukha saakin.

BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Cerita PendekHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...