Haloooooo.. Magandang buhay sa lahat.
Ito, sisimulan ko na naman. Nais ko pong sabihin sa inyo na---- meeeddyoooooo~~ madalang nalang akong active sa wattpad. Paminsan-minsan nalang yung updates.
Dahil bukod sa wala akong ibang masulat ehh~~~ busy din ako sa school, lalo pa't kaka-college ko lang nong August.
May request from DorinaDeVera sabi niya, gagamitin ko daw pangalan niya sa isang update. Sureeeeee.. Why not, coconut? Maganda pa naman name niya. 😊😊
Hi sayo, Dorina De Vera! 😊😊 Para po sayo tong update nato. Enzoyyy. At saka I hope you like it. 😅
At dahil wala ka namang binanggit na magiging partner mo, pwes ako ang hahanap para sayo. Kung wala kang love life, pwes ngayon merun ka na ngayon. Hahhaha. 😂😅
Without further pikining do (Jayzam's favorite line. HAHAH), let's get ride into this!
"Dorin! Panty mo nalaglag. Hahahahah!" Narinig ko din ang malulutong na tawanan ng ibang mga estudyante. Tsk! Palibhasa, mga walang utak!
Manang-mana sila jan kay Ashton Montenegro. Tsk! Porke't mayaman at galing sa pamilyang mayaman, kung maka-asta ay akala mo hindi tao.
Sa tingin niya ata tama yang mga ginagawa niyang pagpapahiya sa mga babae. Kung ginusto ko lang talaga na okrayin yan, noon pa inokray ko na yan.
Tsk!
"Hoy! Dorin?" May malambot na kamay ang humawak sa balikat ko at si Ashton yun nang nilingon ko.
May pinulot siya sa paanan ko at hindi na ako nagulat nang panty yun. "Panty mo! Hindi mo ba namalayang nalaglag to?" Ngayon ay hawak-hawak na niya ang panty na Hello Kitty yung tatak at winagayway sa harap ng mukha ko.
Bumuntong hininga lang akong nakatingin sa panty at tinanggap iyun.
"Hmm. Salamat!" Sabay taas ko sa panty at tumalikod.
"HAHAHAHAHA!" Hindi ko na pinansin ang mga tawanan nila. Mas may utak ako sa kanila kaya ako na yung umiintindi.
"Hoy! Dorina De Vera, next time--- make sure talian mo na yang panty mo ha?" Sigaw ni Ash.
Tumango lang ako at hindi sila nilingon.
Nakakita ako ng trash can kaya hinulog ko doon yung panty-ing hawak-hawak ko.
Yung mga ganung eksina, hindi na dapat pinapatulan yun. Bukod kasi sa dahilan na wala silang utak ay ikaw lang din naman ang talo sa huli.
Advance akong mag-isip.
At take note, hindi na naman bago ang pagpapahiya niya saakin. Actually, Simula nong unang araw na nakapasok ako dito, doon na nagsimula ang impyerno ko.
At ngayon, kasalukuyan akong sinusundan ng bwesit na si Ashton, kasama ang mga kaibigan niyang sina Larry at William.
Sabi ng ibang mga estudyante, ang swerte ko daw dahil ako daw ang napiling pagtripan nila Ashton Montenegro.
Mga baliw sila. Mga baliw ang mga tao dito.
Nagulat nalang ako nang may biglang tumakip sa mga mata ko at papwersa akong binitbit na parang isang sakong bigas. Ano to? Obvious Kidnapping? Ang aga-aga at ang liwa-liwanag may kumidnap saakin at sa loob pa ng skwelahan?
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...