Update ulit kasi matagal-tagal bago nakapag-UD. Nawala kasi internet dito sa bahay! Naputol yung puno sa may likod kaya naputol din yung mga wires. Aish! Oh mageexplain pa ako further? Wag na, basahin nalang natin!
And yehey, umabot na siya ng 4k reads at 170+ na votes. Happy na ako sa blessings na yun no. Heheh! Dedicated pala doon sa lahaaaaat ng silent readers ko! Labyoooooo owwwllll!
Soooooo, without further ado let's get ride into this! Yohoooo!
Hindi na ako pupunta sa acquaintance party na yan, wala naman akong susuotin para diyan tas wala din akong pambayad. Saka, bawal ako doon. Segurado akong pasosyalan lang lahat ng mga kaklasi ko since mga rich kid naman lahat yun ako lang ata medyo hindi nakakaangat sa buhay!
Scholar lang kasi ako dito sa exclusive school ng mga De Vega, mini-maintain ko grade ko para macontinue ang scholarship ko hanggang college. Nasa probinsya si tatay habang si nanay naman nagtratrabaho sa mga De Vega bilang katulong sa mansyon!
Tas acquaintance na bukas, aish! hindi ko na nga yun proproblemahin. Bahala na! Magfofocus nalang muna ako ngayon sa mga studies ko.
"Kia, bukas ha susunduin kita sa dorm mo. Sabay tayo sa venue!" Hindi maitatagong kasiyahan na nadarama ni Lily habang inaanyaya akong sunduin! Napangiti naman ako sa best friend ko.
"Ahm! Kasi Lily! Hindi ako makakapunta! Kasi di--!
"What!? Bakit naman!?"
"Basta! Salamat nalang. Medyo may problema kasi si nanay, kaya ayun hindi ako makakapunta." Tanging palusot ko, nagpalusot na ako dahil kilala ko yang si Lily, hindi yan titigil hanggang hindi ako mapaOO! Hehehehe, sweet naman siya! Kaya love ko to eh!
"Ganun ba? Segi,peru baka gusto mong sumabay pauwi?" Nalungkot naman siya, umiling ulit ako bilang tanggi.
"Okay lang! Salamat uli. May dadaanan pa kasi ako pauwi eh! Bye Lily, super ingat!"
"Super ingat din, Kia!" At ayun sumakay na siya sa kotsi nila, sinundo kasi siya ng daddy niya. Habang ako naglalakad na pauwi ng biglang tumawag si Nanay!
Nanay calling .........
"Nay!"
("Kia anak, pwede ka bang dumaan sa mansyon ng mga De Vega?") Kumunot naman ang noo ko. Bakit kaya? Baka nagkatotoo na nga yung palusot ko. Nako naman!
"Bakit po nay? May problema ho ba?"
("Basta, dumaan ka nalang dito! Sge") Tot! Tot! Tot! Hala first time akong binabaan ng telepono ni nanay! Ano kayang nangyari doon? Kinabahan tuloy ako! Aish!
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...