Naalimpungatan ako sa malakas na tapik ni Kira. "Yzara! Wakey~ Wakey~ Kanina pa kita ginigising tulog mantika ka na naman! Wake up, I'm freakin' starving! Diba, sabi ni ma'am 'nap' lang? My God! Kinareer mo naman, Zarss!" Pambubulabog niya.
"T-Teka-- anong oras na ba?" Wala sa wisyong tanong ko at kinusot-kusot pa ang bagong gising kong mata.
"Zarss , lunch break na nga diba? Alangan naman alas singko na ng hapon!" Teka, galit ba 'tong si Kira saakin?
"Bumangon ka na jan, Yzara dahil mahirap patahanin ang gutom niyang si Kira. And besides, hindi ka ba excited na makita si Paige Salvador? Batid kong nasa canteen na yun." Si Keie.
Agad akong napabangon sa sinabi niya. Tila na fully charge ako nang marinig ang pangalan niya.
My God! Si Paige! Nasa canteen na yun. 11:45 na kasi nang tignan ko ang relo ko at alam kong every 11:30 ng mga senior.
Agad akong tumayo at pinulot any bag ko, "Tara na!"
"Zara, hinay-hinay lang naman. Baka mahulog ka sa hagdan at sa clinic ang bagsak natin at hindi canteen!" Si Zeie.
"Whatever Zeie, kasalanan niyo to eh! Bakit di niyo ako ginising ng 11:30? Kapag talaga hindi ko na madatnan si Paige doon, kukutungan ko kayong dalawa!"
"Eh, kasalan na naming natulog ka at kinareer mo ang sinabi ni Miss na 'nap' lang!?"
"Tsk! Bilisan na niyo jan kung ayaw ninyong gilingin ko kayo at gawing longganisa!?" Sigaw ko at halos liparin ko na ang hagdan mula third floor patungong canteen.
Masyadong naubos ang lahat ng lakas ko dahil sa bakbakang quiz kanina kay miss Minchin. Filipino subject namin. Kaya magkamatayan man, kailangan kong makita si Paige ko para ma-energize ako at kakayanin ko pa ang mga bakbakan mamayang hapon.
Third year pa nga lang ako ng high school peru parang mamamatay na ako ah.
Umupo agad ako sa table namin ni Zeie at Kira dahil natatanaw ko na mula dito na naka-upo si Paige sa isang table doon na medyo malayo saamin.
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...